Maratabat: MSU-Gensan Writers Guild

Maratabat: MSU-Gensan Writers Guild ๐™๐™๐™š ๐™Š๐™›๐™›๐™ž๐™˜๐™ž๐™–๐™ก ๐˜พ๐™ง๐™š๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ซ๐™š ๐™’๐™ง๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™‚๐™ช๐™ž๐™ก๐™™ ๐™ค๐™› ๐™ˆ๐™ž๐™ฃ๐™™๐™–๐™ฃ๐™–๐™ค ๐™Ž๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™š ๐™๐™ฃ๐™ž๐™ซ๐™š๐™ง๐™จ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ- ๐™‚๐™š๐™ฃ๐™š๐™ง๐™–๐™ก ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™ค๐™จ ๐˜พ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ (Recognized by the OSAS and Accredited by NCCA)

Malungkot na ipinababatid ng Maratabat: MSU-Gensan Writers Guild ang pamamaalam ng isa sa mga tagapayo at haligi ng orga...
26/11/2025

Malungkot na ipinababatid ng Maratabat: MSU-Gensan Writers Guild ang pamamaalam ng isa sa mga tagapayo at haligi ng organisasyon na si Prof. Rossel Audencial-Mangaron.

Si Prof. Rossel ay isa sa mga tagapagtaguyod ng organisasyon sa hangarin na mapagyaman ang kakayahan at kasanayan ng mga bagong usbong na mga manunulat sa MSU-Gensan at rehiyon. Ang pagbabahagi niya ng kanyang kaalaman at oras sa pagpapahusay at pagtataguyod ng panitikan sa rehiyon ay isang makabuluhan at hindi matatawaran na kontribusyon sa pagpapaunlad ng panitikan ng Rehiyon XII.

Taos-pusong ipinaparating ng Maratabat ang pakikiramay sa mga naiwang pamilya at kaibigan ni Maโ€™am Rossel. Nawaโ€™y makamit ninyo ang kapanatagan sa inyong mga puso.

Daghang salamat ug maayong paglakaw, Maโ€™am Rossel. Maraming salamat sa iyong paglilingkod at kabutihan. Hanggang sa muling literary critiquing session.

Apil na!
29/05/2025

Apil na!

๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐—ฆ๐—ข๐—ซ ๐—ช๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐˜€๐—ต๐—ผ๐—ฝ ๐—–๐—ฎ๐—น๐—น ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—™๐—ฒ๐—น๐—น๐—ผ๐˜„๐˜€

Tutumbukin ng taunang Palihan para sa mga Nagsisimulang Manunulat sa SOX (SOX Writers Workshop) ang isang anino ng kontemporaryong panahonโ€”na lahat ay subsob sa sawsawan ng isaโ€™t-isa.

Wala nang naitatago, wala nang hindi naka-aalam, lahat ay lantad na para sa pagkonsumo ng kahit na sino. Konektado tayong lahat sa ayaw at sa gusto natin sa pandaigdigang sapot ng pananalapi ng likes, reacts, shares, at reports.

Dahil dito, ang palihan ay tutungo sa kabundukan para pagmumugin ang mga fellow ng sariwang hangin at paypayan ng hamog sa katanghaliang tapat. Walang internet, walang signal, walang sagabal. Tanging ang lamig ng ihip ng kakahuyan ang magpapakilig sa ating mga nag-aalimpuyong kalamnan. Tanging ang pagtugis natin sa init ng pinagbagang panggatong ang magsisilbing sayaw natin sa saliw ng koro ng mga kuliglig. Tatanggihan ang mga komportable para muli nating maalala ang mga tunay na may timbang sa ating unti-unting nauupos na mga kandila.

Kita-kita ay magkikita-kita para makita kita.
We will converge to commune so we can connect.

โ€”โ€”โ€”

Para sa mga nais maging 2025 SOX Writing Workshop Fellow, narito ang mga kinakailangang ipasa:

Poetry:
1. Tatlo o higit pang piyesa

Creative Fiction:
1. Isang piyesa (walang limitasyon sa bilang ng salita)

Creative Nonfiction:
1. Isang piyesa (walang limitasyon sa bilang ng salita)

Kung ang linggwaheng ginamit ay hindi English o Filipino, dapat mayroon itong kasamang salin sa English o Filipino.

Para sa pagpasa ng mga piyesa, narito ang mga email address at link na pagpapasahan base sa inyong lugar na panggagalingan:
1. South Cotabato - [email protected]
2. Cotabato - [email protected]
3. Sultan Kudarat - [email protected]
4. Sarangani - https://forms.gle/nuURqw5h7y8SJ8ou6
5. General Santos City - https://tinyurl.com/yc8bptu2

Ang huling araw ng pagpasa ay sa June 20, 2025.

Sana ay magkita-kita kita!


27/05/2025

"We have lost not just our ability to concentrate on deciphering long passages of written language; we have, I believe, begun to lose our attachment to the meaning of words and sentences," Nicole Krauss writes. https://wapo.st/4jjhX8t

20/05/2025

Submit na!

Application for 2025 University Distinction Award (UDA) for various disciplines is open including the College Distinctio...
15/05/2025

Application for 2025 University Distinction Award (UDA) for various disciplines is open including the College Distinction Award for Creative Writing.

Scan the QR for details.

๐†๐ข๐ฅ๐š๐ฌ. ๐†๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ . ๐†๐ž๐ง๐ž๐ซ๐š๐ฅ๐ฌ.

Application for 2025 University Distinction Award (UDA) for various disciplines is open!

Dr. Norman Ralph Isla, VCSAS, shall serve as the Overall Chairperson of the Committee on Student Awards (per Special Order 607-25C). The first set of awards by tradition are UDA for Community Service, Dance, Dramatics, Journalism, Music, Public Speaking, Sports (Men & Women) and Visual Arts. In 2023, the UDA for Multimedia Arts was added.

This July 2025, a new award shall be added - the Gawad Kalinaw (UDA for Sustaining Peace). This award is made possible thru the partnership of Office of Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) and MSU General Santos thru Institute of Peace and Development in Mindanao and OVCSAS.

Scan the QR for details.
See memo in the comment section.

Maraming salamat sa lahat ng nag-organisa, sponsors, nagtanghal at nagbahagi ng kanilang mga obra sa larangan ng panitik...
28/04/2025

Maraming salamat sa lahat ng nag-organisa, sponsors, nagtanghal at nagbahagi ng kanilang mga obra sa larangan ng panitikan. Hanggang sa susunod na pagdiriwang sa Buwan ng Panitikan!

Submit na!
25/04/2025

Submit na!

Punta na sa Laktanan! โœจSuportahan ang panitikang rehiyonal.
23/04/2025

Punta na sa Laktanan! โœจ
Suportahan ang panitikang rehiyonal.

Visit and grab your book now!
14/04/2025

Visit and grab your book now!

๐˜Š๐˜ข๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ค๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜—๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’˜๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’๐’‚๐’‰๐’๐’Œ ๐’‚๐’• ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’•๐’‚๐’•๐’‚๐’๐’ˆ๐’‰๐’‚๐’Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng ...
14/04/2025

๐˜Š๐˜ข๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ค๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜—๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ
๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’˜๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’๐’‚๐’‰๐’๐’Œ ๐’‚๐’• ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’•๐’‚๐’•๐’‚๐’๐’ˆ๐’‰๐’‚๐’

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan 2025, inaanyayahan ang lahat ng mga makata mula sa rehiyon para sa ๐™‡๐™–๐™ฌ๐™ค๐™™: ๐™Š๐™ฅ๐™š๐™ฃ ๐™ˆ๐™ž๐™˜ ๐™Ž๐™ฅ๐™ค๐™ ๐™š๐™ฃ ๐™’๐™ค๐™ง๐™™ ๐™‹๐™ค๐™š๐™ฉ๐™ง๐™ฎ at ๐˜ฝ๐™–๐™ก๐™ž๐™จ: ๐™ˆ๐™Ž๐™-๐™‚๐™Ž๐˜พ ๐™•๐™ž๐™ฃ๐™š ๐™๐™š๐™จ๐™ฉ๐™ž๐™ซ๐™–๐™ก 2025. Ito ay gaganapin sa ika-23 ng Abril 2025 sa Laktanan Wellness Garden, Mindanao State University, Lungsod Heneral Santos, 7:30 n.u hanggang 10:00 n.g. Sa gabi ay magkakaroon ng Cultural at Social Night.

Sa mga nais lumahok at magtanghal, mangyaring magpatala lamang sa sumusunod na link;

Balis: MSU-GSC Zine Festival 2025 (Exhibitor Only)
https://forms.gle/E1kdp5somxKyaQxG7

Lawod: Open Mic Spoken Word Poetry (Performer Only)
https://forms.gle/ZtSbVDXGsJHth7R87

Sabay-sabay natin imulat ang ating mga mata sa pagbabasa ng mga akda ng mga manunulat at dinggin ang mga tinig ng mga makata sa pagtatanghal ng kanilang mga tula. Magtipon-tipon para sa panitikan.

Kita-kits!

๐—ฅ๐—ผ๐—ผ๐˜๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐—œ๐—ป๐—ณ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜๐˜†, ๐—ช๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ ๐—•๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—ง๐—ถ๐—ฒ๐˜€Emerging from nature's roots, thinkers will gather in the world of writing. C...
13/04/2025

๐—ฅ๐—ผ๐—ผ๐˜๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐—œ๐—ป๐—ณ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜๐˜†, ๐—ช๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ ๐—•๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—ง๐—ถ๐—ฒ๐˜€

Emerging from nature's roots, thinkers will gather in the world of writing. Carrying a wellspring of ideas and exploring wonders, they climb to the peak of the landscape. They plant the seed of knowledge through their pens and share it, delving through various forms of literature as its elements unite, tracing origins and beyond.

The Bachelor of Arts in Literary and Cultural Studies (BALCS) mounts the 8th year of PENTAKASI. The programโ€™s creative writing workshopโ€”with the theme โ€œ๐˜ผ๐™ข๐™ฎ๐™–๐™  ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™š๐™: ๐™‹๐™–๐™œ๐™จ๐™ช๐™—๐™–๐™ฎ ๐™Ž๐™– ๐™ˆ๐™œ๐™– ๐™Ž๐™ช๐™ก๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™‡๐™ค๐™ ๐™–๐™ก ๐™‹๐™–๐™ง๐™– ๐™Ž๐™– ๐™๐™š๐™๐™ž๐™ฎ๐™ค๐™ฃ.โ€ A 2-day event where exemplary speakers share their wisdom as students gather and absorb the nourishing insights. This workshop ties us together in a place of belonging where our roots, culture, and literature grow and flourish towards infinite possibilities.

Hindi mo sana makalimutan ang mga bรบhay na nilunod nalang sa limot, dahil kung may mga salitang ihahayag ang iyong boses...
13/04/2025

Hindi mo sana makalimutan ang mga bรบhay na nilunod nalang sa limot, dahil kung may mga salitang ihahayag ang iyong boses, lilitaw at lilitaw ang hustisya kahit gaano pa kalakas, kalaki ang alon.

Samahan niyo kaming maglayag sa isang mahabang gabing puro musika at tula ang mangibabaw sa Buwan ng Panitikan:

๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—ข๐——โ€”๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘๐‘Ž๐‘”๐‘๐‘ข๐‘”๐‘ ๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘›๐‘” ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘š๐‘Ž๐‘˜๐‘Ž๐‘ก๐‘Ž ๐‘๐‘Ž๐‘ก๐‘ข๐‘›๐‘”๐‘œ๐‘›๐‘” ๐ถ๐‘œ๐‘ก๐‘Ž๐‘๐‘Ž๐‘ก๐‘œ.

Iparinig na ang mga pyesa ngayong Abril 23 sa Laktanan Wellness Garden, Mindanao State University - Lungsod Heneral Santos, alas syete ng gabi. May libreng pica, tindang zines at maraming pang iba!

Padalhan kami ng mensahe para sa nais magbahagi ng kanilang piyesa. Halina't palayin natin ang sarili sa lawak ng karagatan ng bรบhay!

Address

Mindanao State University
General Santos City
9500

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Maratabat: MSU-Gensan Writers Guild posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Maratabat: MSU-Gensan Writers Guild:

Share