13/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
"Kapag yumanig ang lupa, mas dapat umalingawngaw ang katotohanan."
Sa panahon ng matinding hamon, mas lalong kinakailangan ang mga pamahayagang pangkampus. Habang patuloy na nararamdaman ng komunidad ng MSU GenSan ang epekto ng 7.8 magnitude na lindol, hindi dapat patahimikin ang mga boses na naghahanap ng kasagutan. Sa gitna ng mga pasilidad na nangangailangan ng agarang pagsasaayos, mga estudyanteng naghihintay ng katiyakan, at mga suliraning nananatiling nakabimbin, tungkulin ng campus press na ilahad ang tunay na kalagayan ng pamantasan.
Hayaan silang magtanong.
Hayaan silang magsiwalat.
Hayaan silang manawagan.
Dahil hindi sapat ang katahimikan kapag may mga isyung humihingi ng agarang aksyon at solusyon. Hindi sapat ang pag-iwas habang naghihintay ang komunidad ng malinaw na direksyon. Hindi sapat ang kawalan ng tugon habang lumalalim ang pangamba ng mga iskolar ng bayan.
Ang mga mamamahayagang pangkampus ay hindi basta tagapagbalita. Sila ang nagsisilbing tinig ng mga estudyanteng naghahanap ng pananagutan, transparensya, at pagkilos mula sa mga may kapangyarihang tumugon.
Sa mga panahong tila mas malakas ang katahimikan kesa sa mga pahayag, mas kailangang umalingawngaw ang katotohanan.
Patuloy ang pangangalampag.
Patuloy ang paninindigan.
At hangga't may mga tanong na hindi nasasagot at mga suliraning hindi natutugunan, hindi mapatatahimik ang boses ng mga estudyante.