30/11/2025
โ๐๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ช๐ฃ๐ช๐จ ๐ฑ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ฉ๐ช๐จ๐ช๐ต ๐ฌ๐ข๐บ๐ข ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ช๐ด๐ข๐บ ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฅ๐ข๐ฌ๐ช๐ญ๐ข ๐จ๐ข๐บ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ช๐ฃ๐ช๐จ ๐ด๐ข ๐ต๐ช๐ฏ๐ถ๐ฃ๐ถ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ถ๐ฑ๐ข?โ
Sa buhay ni Bonifacio, sumiklab ang sagotโang rebolusyon ay hindi lamang pakikidigma laban sa dayuhan, kundi laban din sa kasakiman, pagdududa, at intriga na bumabalot sa sariling hanay. Sa gitna ng pagtataksil at pag-aagawan, nanatili siyang tanglaw: hindi dahil sa talim ng sandata, kundi dahil sa pusong matatag, pusong hindi nadadamay ng kapangyarihan, pusong hindi natitinag ng tukso.
Sa bawat sakripisyong kaniyang pinasan, ipinakita niya ang kabayanihang tahimik ngunit matindiโpaninindigan na inuuna ang kapatid bago sarili, pag-ibig sa bayan na higit sa sariling kaligtasan, at katotohanang pinipili kahit mag-isa. Siya ang paalala na ang tunay na bayani ay hindi naghahangad ng tanyag, kundi nananatiling tapat at wagas sa daan ng tama.
At sa apoy ng kanyang halimbawa, natutuhan nating ang rebolusyon ay hindi lamang nakasulat sa kasaysayanโitoโy pumipintig sa ating dibdib. Sa bawat pagpiling tumindig sa tama, sa bawat pagtanggi sa kasakiman, sa bawat pag-ibig sa bayan nang walang hinihinging kapalit, muling sumisilang si Bonifacio: tahimik na apoy, ngunit gabay na walang hanggan, ilaw na patuloy na nagliliyab sa ating budhi.
๐๐๐๐ช๐๐๐ฎ ๐ ๐, ๐ฝ๐ค๐ฃ๐๐๐๐๐๐ค, ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐๐๐ค๐ก ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ ๐๐ก๐๐ก๐'๐ฉ ๐ ๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐ก๐๐ฃ! โ๐ป๐ฉ