07/09/2026
Marami pa ring kasambahay ang nagtitiis sa gutom, kawalan ng day-off, at verbal o pisikal na pang-aabuso dahil sa takot na mawalan ng trabaho o ma-deport.
Sa ilalim ng Batas Kasambahay (RA 10361) sa Pilipinas, pati na rin sa mga international labor standards ng International Labour Organization (ILO Convention 189) at DMW Standard Employment Contracts:
1. Ang bawat kasambahay ay may legal na karapatan sa sapat at masustansyang pagkain at maayos na tulugan.
2. Karapatan ang pagkakaroon ng hindi bababa sa 24-hour continuous weekly rest (day-off).
3. Ipinagbabawal ang pagtatago ng pasaporte, ID, o personal na gamit ng manggagawa.
4. Bawal ang anumang anyo ng abuse, maltreatment, o hindi makataong pagtrato.
Ang pagiging domestic worker ay isang disenteng propesyon at hindi nangangahulugang maaari nang apakan ang iyong karapatan. Kung ikaw o ang kakilala mo ay nakararanas ng maltreatment, kawalan ng pagkain, o panggigipit sa trabaho, huwag matakot na humingi ng saklolo. Message us!
Source:
Republic Act No. 10361 (Domestic Workers Act / Batas Kasambahay).
ILO Convention No. 189 (Decent Work for Domestic Workers).
2023 DMW Rules and Regulations Governing Landbased OFWs.