1Tahanan

1Tahanan Makabayaning Patutulungan
Para sa Kapwa at Para sa Bayan! Paid for by 1Tahanan Supporter

01/10/2026

Isang taos-pusong pagsaludo at pasalamat sa lahat ng mga tindera, tindero, at mga kababayang namamalengke na ating nakasalamuha sa Carbon Public Market sa Cebu City!

Iba talaga ang buhay sa palengke, bahagi na ng ating kultura ang puno ng tawanan, kwentuhan, at masayang tawaran sa presyo.

Napakainit at napakasaya ng ating naging karanasan.

Sa ating pag-ikot, iba't ibang kwento at karanasan ang ating narinig. Iba't ibang hamon sa buhay ang kanilang kinakaharap, iba't ibang pinagmumulan ng inspirasyon, at iba't ibang diskarte sa araw-araw na paghahanapbuhay.

Iba-iba man ang kwento ng bawat isa, iisa ang kanilang layunin, ang makatawid sa pang-araw-araw na pangangailangan, mamuhay nang marangal, at magkaroon ng patas na laban para sa pamilya.

Tara, samahan natin si 1Tahanan Party-list Rep. Gaw Elmer Catulpos na mamalengke. May magpatawad kaya ng presyo?😄😆

May kapitbahay ka bang senior na mag-isa sa bahay? Kakilalang magsasaka na umaasa sa ulan? Nanay na araw-araw nag-iigib ...
01/10/2026

May kapitbahay ka bang senior na mag-isa sa bahay? Kakilalang magsasaka na umaasa sa ulan? Nanay na araw-araw nag-iigib ng tubig?

Sila ang unang makakaramdam ng matinding El Niño na, ayon sa DOST-PAGASA, lalakas pa bago matapos ang taon at tatagal hanggang unang kalahati ng 2027.

Kaya ang paghahanda, hindi lang para sa sariling bahay. Narito ang 9 na paraan para maging handa ang pamilya at ang buong komunidad.

I-share ito sa isang taong kailangan nitong makita ngayon. Sama-sama, mapaghahandaan natin ito.

Para kay Tatay Amadeo Ramos Jr. answered prayer nang matanggap ang tulong na matagal na niyang ipinapanalangin. Dating p...
30/09/2026

Para kay Tatay Amadeo Ramos Jr. answered prayer nang matanggap ang tulong na matagal na niyang ipinapanalangin.

Dating pintor si Tatay, ngunit dahil sa sakit ay hindi na makapagtrabaho.

Sa kabila ng hirap, pilit siyang lumalaban araw-araw para sa kanyang anak na nag-aaral pa sa elementarya. Ang tanging hiling lang niya noon—isang nebulizer para sa kanyang asthma upang hindi na kailangang maglakad pabalik-balik sa health center.

Sa tulong at kabutihang-loob ng mga tagapakinig ng 95.7 Brigada News FM Koronadal, nabigyan si Tatay ng bagong nebulizer, isang sakong bigas, groceries, at mga gamot.

Tayo naman sa 1Tahanan Party-list sa pamamagitan kay Rep. Gaw Elmer Catulpos, tinulayan natin si Tatay Amadeo sa DSWD sa pamamagitan ng AICS para sa kanyang mga gamot.

Isang patunay na sa gitna ng matinding pagsubok, hindi nakakalimot ang Maykapal na magpadala ng tulong.

Saludo kami sa iyong katatagan, Tatay Amadeo!

30/09/2026

Break muna sa pangingisda, dahil isasama muna natin ang ating mga masisipag na mangingisda mula sa Punta Engaño Fisherfolk Association sa Lapu-Lapu City, Cebu, kasama ang kanilang presidente na si Tatay Calixto Mahusay para magrelax.

Samahan natin si 1Tahanan Party-list Rep. Gaw Elmer Catulpos na makipag-kwentuhan, maraming tawanan, biruan at pahinga kasama sila.

Gaano man kahirap ang buhay at gaano man kalaki ang mga pagsubok sa dagat, hindi nawawala ang kanilang ngiti at positibong pananaw sa buhay. Nakinig tayo sa kanilang mga kwento, hamon, at pangarap. Nakaka-inspire ang kanilang sipag at pagmamahal sa pamilya.

Sa sobrang saya nilang kasama, napakasarap ng ating bonding sa kanila sa araw na iyon. Salamat sa pagiging inspirasyon sa aming lahat. Saludo kami sa inyo.

Kayo din anu napapangiti habang pinapanood ito?☺️😊

Saludo tayo sa tapang at katatagan ni Nanay Minerva...Imagine, nakikipaglaban na nga siya sa Stage 3 breast cancer at ka...
29/09/2026

Saludo tayo sa tapang at katatagan ni Nanay Minerva...Imagine, nakikipaglaban na nga siya sa Stage 3 breast cancer at kailangang bumiyahe linggo-linggo mula Antique hanggang Iloilo para magpagamot, tapos nag-aalalaga pa siya sa dalawa niyang anak na may kapansanan.

Mas lalong nakakadurog ng puso kasi hanggang ngayon hindi man lang mapa-diagnose sa doktor ang kanyang mga anak, kasi simpleng pangkain at pamasahe nga, salat na salat na sila. Kapag sasamahan naman daw siya ng asawa niyang panday sa pagpapagamot, wala ring kitang papasok sa pamilya.

Itong ibinigay nating tulong, maliit lang ito katuwang ang Brigada News FM Antique at ng ANAKK 1Tahanan na nagbigay din ng grocery, bigas, at financial assistance. Walang malaki o maliit na tulong kung ito naman ay makakatawid sa bigat at hirap na kanilang pinapasan.

Sa gitna ng lahat ng pagsubok na ito, ang tanging lakas na lang talaga ni Nanay Minerva ay ang pagmamahal niya sa limang anak niya—gumagapang man sa hirap at sakit, lumalaban pa rin siya para lang masamahan at maipaglaban ang kinabukasan ng pamilya niya.

MASARAP ANG ULAM KAPAG PAMILYA ANG KASABAYNgayong Lunes, Setyembre 28, 2026, ipinagdiriwang natin ang Kainang Pamilya Ma...
28/09/2026

MASARAP ANG ULAM KAPAG PAMILYA ANG KASABAY

Ngayong Lunes, Setyembre 28, 2026, ipinagdiriwang natin ang Kainang Pamilya Mahalaga Day sa ilalim ng 34th National Family Week. Alinsunod sa Memorandum Circular No. 136, suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan simula 1:00 PM upang bigyang-daan ang mas maagang pag-uwi ng bawat isa para sa salo-salo.

Ang hapag-kainan ay hindi lamang lugar para kumain—ito ang puso ng ating tahanan.

Sa pagbaba ng ating mga cellphone, nagkakaroon tayo ng oras na mag-usap, magkumustahan, at makinig sa kwento ng bawat isa nang walang istorbo. Ipinapaalala rin dito sa bawat miyembro ng pamilya, na anuman ang hirap ng buhay sa labas, may uuwian silang pagmamahal at suporta.

May paksiw na isda parisan ng ginataang gulay, o ang paborito ni bunso na fried chicken, o ang request ni ate at kuya na sinigang na isda o karneng baboy, o di naman kaya adobo. Kayo? Anu ulam niyo?

Naku, wag kayong mag-problema diyan! Kahit anu dahil hindi kailangang magarbo ang ulam; ang pinakamahalagang sahog ay ang presensya, oras, at pagmamahal ng bawat isa.

I-tag ang iyong pamilya sa comments at planuhin na ang inyong salo-salo mamayang gabi. Tara, Kain na.

Happy Sunday mga Gaw!Naay lamas para sa sud-an, naay pahiyom para sa adlaw! 🙌💛 Sa among pamalengke sa Carbon, usa ka hig...
27/09/2026

Happy Sunday mga Gaw!

Naay lamas para sa sud-an, naay pahiyom para sa adlaw! 🙌💛 Sa among pamalengke sa Carbon, usa ka high-five nagpahinumdom nga ang kalipay naa ra pud sa gagmayng higayon.

Kamo, unsay mas makapalipay—ang makahangyo o ang makigchika sa inyong suking tindera?😄

NATIONAL BUDGET: Pera ng bayan, saan nga ba talaga pupunta sa 2027? Kagabi, Setyembre 25, ganap na 9:32 PM, natapos na n...
26/09/2026

NATIONAL BUDGET: Pera ng bayan, saan nga ba talaga pupunta sa 2027?

Kagabi, Setyembre 25, ganap na 9:32 PM, natapos na ng Kamara ang pagtalakay sa P7.2 Trillion national budget para sa susunod na taon.

Pagkatapos ng sunod-sunod na puyatan at marathon debates, ipapasa na ito sa Senado para naman sa kanilang sariling pagsusuri.

Malaking bahagi ng pondong ito ay inilaan sa Edukasyon (P1.326T) at Imprastruktura (P644B), sumunod ang DOH na may (P411.2B) at DILG (P32.5B). Magandang hakbang din na tinanggal ang imprastruktura sa Unprogrammed Appropriations para maiwasan ang mga kaduda-dudang proyekto.

Maganda sa pandinig, at magandang balita rin na hinigpitan ang rules laban sa mga "singit" na pondo.

Pero higit sa laki ng badyet, mahalagang makita ang konkretong resulta nito. Bilang mga pamilyang Pilipino na araw-araw nagsusumikap, ang totoong sukat ng tagumpay ng budget na ito ay dapat mas maayos na mga paaralan, sapat na silid-aralan, serbisyong pangkalusugan na abot-kaya, maayos na kalsada, at mga programang tunay na makatutulong sa mga nangangailangan.

Kaya naman mga kababayan, sama-sama parin nating bantayan kung paano ito gagamitin para sa atin. Patuloy tayong mag-matiyag, dahil bawat piso rito ay mula sa pawis at buwis ng mamamayan. Buhay, kabuhayan, edukasyon, kalusugan, at kinabukasan ng bawat Pilipino ang nakasalalay rito.

25/09/2026

Wala talagang tatalo sa sarap ng kainan sa tabing-daan, yung tipong simpleng mesang kahoy at plastic na upuan lang, pero pang-pamilya at pang-malakasan ang lasa.

Kaya maki-kain tayo sa mga dinaanang masasarap at kilalang kainan sa Cebu sa pagbisita doon ni 1Tahanan Party-list Rep. Gaw Elmer Catulpos.

But wait, hindi ito sa mga mamahaling restaurant ha, kundi carenderia, korek! sa ligid ng daan, na sa sobrang sarap, aba! binabalik-balikan.

Halina’t mag-crave, maki-takam at syempre maki-tikim narin tayo.

Tara, kaon ta!

Ikaw? Saan ang masarap at binabalik-balikan mong carenderia at nang masubukan narin natin yan.

25/09/2026

Address

Pasig

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 1Tahanan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to 1Tahanan:

Shortcuts

Share