SK Punta-Baja

SK Punta-Baja ๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐ซ๐ ๐ฒ.๐๐ฎ๐ง๐ญ๐š-๐๐š๐ฃ๐š, ๐‘๐ข๐ณ๐š๐ฅ, ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง

๐„๐ƒ๐”๐‚๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐€๐’๐’๐ˆ๐’๐“๐€๐๐‚๐„ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Punta Baja ay muling nagbubukas ng Educational A...
29/07/2026

๐„๐ƒ๐”๐‚๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐€๐’๐’๐ˆ๐’๐“๐€๐๐‚๐„ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Punta Baja ay muling nagbubukas ng Educational Assistance Program 2026 bilang suporta sa ating mga kabataang patuloy na nagsusumikap sa kanilang pag-aaral.

๐Ÿ“Œ ๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—”๐˜€๐˜€๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ: โ‚ฑ1,000 bawat kwalipikadong benepisyaryo.
๐Ÿ“Œ ๐——๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐—ฆ๐˜‚๐—ฏ๐—บ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป: July 31, 2026 , 11:00am

๐Ÿ‘ฅ Limitado lamang sa 100 qualified beneficiaries.

๐—ค๐˜‚๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€:

โ€ข 18โ€“30 taong gulang
โ€ข Residente ng Barangay Punta Baja
โ€ข Nabibilang sa indigent family

๐—ฅ๐—ฒ๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐˜€:

โ€ข Certificate of Registration (Latest Term) โ€“ Certified True Copy (CTC)
โ€ข Kopya ng Student ID

Ang listahan ng mga kwalipikadong aplikante ay ipapahayag sa itinakdang anunsyo.

Para sa karagdagan , maaring makipagugnayan kay Hon. Daniel Villareal Besaga , Hon. Jun Mark Buenavista


๐’๐Š ๐๐”๐๐“๐€ ๐๐€๐‰๐€ ๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’๐…๐„๐’๐“ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan, malugod na inaanyayahan ng Sangguniang ...
24/07/2026

๐’๐Š ๐๐”๐๐“๐€ ๐๐€๐‰๐€ ๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’๐…๐„๐’๐“ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan, malugod na inaanyayahan ng Sangguniang Kabataan ng Punta Baja ang lahat ng kabataang residente ng barangay na makiisa at lumahok sa SK Punta Baja SportsFest 2026.

Ang gawaing ito ay naglalayong isulong ang aktibong pamumuhay, pagpapatibay ng pagkakaisa, disiplina, at sportsmanship sa pamamagitan ng ibaโ€™t ibang palaro. Higit pa sa kompetisyon, ito ay isang pagkakataon upang mapaunlad ang talento, makabuo ng pagkakaibigan, at maitaguyod ang diwa ng kooperasyon sa ating komunidad.

Inaanyayahan namin ang lahat na bumuo ng kani-kanilang koponan, suportahan ang bawat kalahok, at maging bahagi ng isang matagumpay at makabuluhang pagdiriwang ng kabataan.

Sama-sama nating ipagdiwang ang lakas, talento, at pagkakaisa ng Kabataang Punta Baja.


17/07/2026

Maraming pong salamat 103.1 Brigada News FM - Palawan . Ariba Punta Baja !

๐’๐Š ๐๐”๐๐“๐€ ๐๐€๐‰๐€, ๐๐€๐†๐๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐†๐ˆ ๐๐† ๐Œ๐€๐“๐„๐‘๐ˆ๐€๐‹ ๐‘๐„๐‚๐Ž๐•๐„๐‘๐˜ ๐…๐€๐‚๐ˆ๐‹๐ˆ๐“๐˜ (๐Œ๐‘๐…) ๐๐ˆ๐๐’ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐€๐‘๐€๐‹๐€๐ ๐€๐“ ๐๐€๐Œ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž๐๐† ๐‹๐”๐†๐€๐‘Bilang bahagi n...
15/07/2026

๐’๐Š ๐๐”๐๐“๐€ ๐๐€๐‰๐€, ๐๐€๐†๐๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐†๐ˆ ๐๐† ๐Œ๐€๐“๐„๐‘๐ˆ๐€๐‹ ๐‘๐„๐‚๐Ž๐•๐„๐‘๐˜ ๐…๐€๐‚๐ˆ๐‹๐ˆ๐“๐˜ (๐Œ๐‘๐…) ๐๐ˆ๐๐’ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐€๐‘๐€๐‹๐€๐ ๐€๐“ ๐๐€๐Œ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž๐๐† ๐‹๐”๐†๐€๐‘

Bilang bahagi ng pagsusulong ng wastong pamamahala ng basura at pangangalaga sa kalikasan, matagumpay na nagsagawa ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Punta Baja ng pamamahagi ng Material Recovery Facility (MRF) bins sa ibaโ€™t ibang pampublikong lugar at paaralan sa barangay.

Kabilang sa mga nabigyan ng MRF bins ang Punta Baja Public Market, Logpond Area, Rizal Central School, Tarumpitao Point Elementary School, Balite Elementary School, Rancho 2 Elementary School, Malapandeg Elementary School, Calupisan Elementary School, at Tagbiaobiao Elementary School. Layunin ng programang ito na hikayatin ang tamang segregasyon ng basura at palakasin ang kamalayan ng komunidad, lalo na ng mga kabataan at mag-aaral, sa kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, inaasahan ng SK Punta Baja na mas mapalalakas ang disiplina sa tamang pagtatapon ng basura at maitaguyod ang isang mas malinis, mas ligtas, at mas luntiang barangay para sa lahat.


๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐๐† ๐†๐Ž๐Œ๐ˆ๐Ž๐Š, ๐“๐”๐Œ๐€๐๐†๐†๐€๐ ๐๐† ๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐„๐๐”๐ˆ๐๐Œ๐„๐๐“ ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐’๐Š ๐๐”๐๐“๐€ ๐๐€๐‰๐€Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa kabataan,...
14/07/2026

๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐๐† ๐†๐Ž๐Œ๐ˆ๐Ž๐Š, ๐“๐”๐Œ๐€๐๐†๐†๐€๐ ๐๐† ๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐„๐๐”๐ˆ๐๐Œ๐„๐๐“ ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐’๐Š ๐๐”๐๐“๐€ ๐๐€๐‰๐€

Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa kabataan, matagumpay na namahagi ang SK Punta Baja ng sports equipment sa Purok Gomiok.

Layunin ng programang ito na hikayatin ang aktibong pamumuhay, palakasin ang samahan ng kabataan, at isulong ang sports development sa komunidad.


๐’๐Š ๐๐”๐๐“๐€ ๐๐€๐‰๐€, ๐๐€๐†๐‡๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐๐† ๐’๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐‹ ๐’๐”๐๐๐‹๐ˆ๐„๐’ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐†-๐€๐€๐‘๐€๐‹ ๐๐† ๐€๐‹๐’Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa edukasyon ng...
14/07/2026

๐’๐Š ๐๐”๐๐“๐€ ๐๐€๐‰๐€, ๐๐€๐†๐‡๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐๐† ๐’๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐‹ ๐’๐”๐๐๐‹๐ˆ๐„๐’ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐†-๐€๐€๐‘๐€๐‹ ๐๐† ๐€๐‹๐’

Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa edukasyon ng kabataan, matagumpay na namahagi ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Punta Baja ng mga school supplies sa mga mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS).

Layunin ng programang ito na mabigyan ng kinakailangang gamit sa pag-aaral ang mga ALS learners upang higit silang mahikayat na ipagpatuloy ang kanilang edukasyon at maabot ang kanilang mga pangarap. Ang simpleng handog na ito ay sumasalamin sa malasakit ng SK Punta Baja sa kapakanan at kinabukasan ng bawat kabataan sa komunidad.

Patuloy na magsisilbi ang SK Punta Baja sa pamamagitan ng mga programang nagbibigay ng suporta sa edukasyon, pag-unlad, at kapakanan ng kabataang Punta Baja. Sama-sama nating itaguyod ang isang komunidad na may malasakit at pagpapahalaga sa pag-aaral.


Taos-pusong pagbati kina,๐€๐’๐ ๐‚๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข๐š๐ง ๐…. ๐๐จ๐ง๐ ๐š๐ฒ (๐๐‚๐†), ๐€๐’๐ ๐€๐ฅ๐๐ซ๐ข๐ง ๐•๐š๐ฅ๐๐ž๐ฌ๐ญ๐š๐ฆ๐จ๐ง (๐๐‚๐†),๐€๐’๐ ๐‘๐ฒ๐š๐ง ๐‹. ๐๐ฅ๐š๐ฌ๐ขรฑ๐จ (๐๐‚๐†)sa inyong ...
11/07/2026

Taos-pusong pagbati kina,

๐€๐’๐ ๐‚๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข๐š๐ง ๐…. ๐๐จ๐ง๐ ๐š๐ฒ (๐๐‚๐†),
๐€๐’๐ ๐€๐ฅ๐๐ซ๐ข๐ง ๐•๐š๐ฅ๐๐ž๐ฌ๐ญ๐š๐ฆ๐จ๐ง (๐๐‚๐†),
๐€๐’๐ ๐‘๐ฒ๐š๐ง ๐‹. ๐๐ฅ๐š๐ฌ๐ขรฑ๐จ (๐๐‚๐†)

sa inyong matagumpay na pagtatapos sa ๐‚๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ•-๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ โ€œ๐’๐ข๐›๐จ๐ฅ ๐Œ๐š๐ง๐๐š๐ฌ๐ข๐ .โ€

Bilang mga ipinagmamalaking residente ng Rizal,Palawan at ng Punta Baja ang inyong dedikasyon, disiplina, at katatagan ay nagsisilbing inspirasyon sa ating komunidad. Nawaโ€™y magsilbi kayong huwaran sa kabataan at magpatuloy sa tapat na paglilingkod para sa bayan at sa sambayanang Pilipino.

Muli, taos-pusong pagbati at mabuhay kayo!

๐Š๐€๐“๐ˆ๐๐”๐๐€๐ ๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐ (๐Š๐Š) ๐€๐’๐’๐„๐Œ๐๐‹๐˜ || ๐‰๐”๐๐„ ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Matagumpay na isinagawa ang Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly 2026...
28/06/2026

๐Š๐€๐“๐ˆ๐๐”๐๐€๐ ๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐ (๐Š๐Š) ๐€๐’๐’๐„๐Œ๐๐‹๐˜ || ๐‰๐”๐๐„ ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Matagumpay na isinagawa ang Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly 2026 ngayong June 28, 2026 sa Punta Baja Gymnasium, na dinaluhan ng mga kabataan ng Barangay Punta Baja kasama ang mga SK Officials at Barangay Officials.

Isa sa mga naging mahalagang bahagi ng programa ang paglalahad ng SK Accomplishment Report, kung saan ibinahagi sa mga kabataan ang mga proyekto, programa, at mga naging tagumpay ng Sangguniang Kabataan. Kasunod nito ang Presentation of the Annual Budget, na nagbigay ng malinaw na impormasyon tungkol sa nakalaang pondo at mga planong programa bilang bahagi ng pagsusulong ng transparency at accountability.

Naging tampok din sa programa ang makabuluhang pagbabahagi ng kaalaman mula kay Pastor John Mark Abobot, na tinalakay ang responsableng paggamit ng media at ang kahalagahan ng pagiging mapanuri sa panahon ng digital na komunikasyon. Samantala, ibinahagi naman ni SK Treasurer Anne Danielle Dupo ang isang makabuluhang talakayan tungkol sa bullying, na nagbigay ng kamalayan at inspirasyon upang itaguyod ang respeto at malasakit sa kapwa.

Bukod sa mga seminar, naging masigla rin ang pagtitipon sa pamamagitan ng ibaโ€™t ibang palaro at interactive activities na naghatid ng kasiyahan, pagkakaisa, at dagdag na kaalaman sa mga kabataang dumalo.

Sa pagtatapos ng programa, umuwi ang bawat kalahok na hindi lamang busog sa pagkain, kundi maging sa mga aral, karanasan, at inspirasyong kanilang magagamit sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Patunay ang matagumpay na KK Assembly na ang sama-samang pagkilos ng SK at Pamahalaang Barangay ay patuloy na nagbubukas ng mga oportunidad para sa paghubog ng responsableng, may kaalaman, at aktibong kabataang Punta Baja.


๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐๐”๐๐“๐€ ๐๐€๐‰๐€, ๐Œ๐€๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜ ๐๐€ ๐ˆ๐ƒ๐ˆ๐๐€๐Ž๐’ ๐€๐๐† ๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ ๐“๐€๐Ž๐๐† ๐€๐๐ˆ๐๐„๐‘๐’๐€๐‘๐˜๐Ž ๐๐† ๐๐”๐‘๐Ž๐Š ๐‚๐€๐‹๐”๐๐ˆ๐’๐€๐Bilang bahagi ng patuloy na mga...
27/06/2026

๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐๐”๐๐“๐€ ๐๐€๐‰๐€, ๐Œ๐€๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜ ๐๐€ ๐ˆ๐ƒ๐ˆ๐๐€๐Ž๐’ ๐€๐๐† ๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ ๐“๐€๐Ž๐๐† ๐€๐๐ˆ๐๐„๐‘๐’๐€๐‘๐˜๐Ž ๐๐† ๐๐”๐‘๐Ž๐Š ๐‚๐€๐‹๐”๐๐ˆ๐’๐€๐

Bilang bahagi ng patuloy na mga inisyatiba ng Barangay Punta Baja para sa pagpapaunlad ng komunidad at kapakanan ng kabataan, matagumpay na idinaos ang pagdiriwang ng Ikalawang Taong Anibersaryo ng Purok Calupisan.

Sa pangunguna ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Barangay Punta Baja, katuwang ang mga Barangay Officials, Barangay Staff, Barangay Health Workers (BHWs), BPATs, at Barangay Tanod, naging matagumpay ang ibaโ€™t ibang aktibidad tulad ng Volleyball Tournament, Larong Lahi, at Singing Competition, na nagbigay ng kasiyahan at nagpatibay ng pagkakaisa ng mga residente.

Bilang suporta sa pagpapaunlad ng palakasan sa komunidad, nagkaroon din ng turnover ng mga kagamitang pang-basketball para sa mga kabataan ng Purok Calupisan.

Patunay ang matagumpay na pagdiriwang na ito sa patuloy na dedikasyon ng Barangay Punta Baja sa pagsusulong ng mga programang nagtataguyod ng pagkakaisa, aktibong partisipasyon, at pag-unlad ng bawat mamamayan.


Address

PAKPAKLAWIN
Rizal
5323

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SK Punta-Baja posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to SK Punta-Baja:

Shortcuts

Share