19/05/2026
β¨ πππππ ππ¨ππππππ β¨
Matagumpay na natapos ang ika-7 Recognition Ceremony ng Madrasatu As-Saβadah Al-Islamiyyah. Tunay ngang dakila si Allah sa Kanyang walang sawang biyaya, gabay, at tagumpay na ipinagkaloob sa ating mga programa. ππ
Ang pamunuan ay taus-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga estudyante, mga magulang, donors, sponsors, stakeholders, at sa lahat ng tumulong at naging bahagi ng tagumpay ng ating programa.
Lubos din po kaming nagpapasalamat sa ating mga Guest Speakers na nagbasa ng Qur-an at nagbigay ng mahahalagang paalala, inspirasyon, at kaalaman para sa ating mga mag-aaral at mga magulang. Nawaβy gantimpalaan kayo ni Allah sa inyong oras at mabubuting mensahe.
Maraming salamat din po sa Municipal Government of Dr. Jose P. Rizal sa pangunguna ni Mayor Norman Ong para sa ipinagkaloob na Madrasah Building, gayundin kay SB Jed Tarbok para sa pagbibigay ng mga medalya para sa ating mga mag-aaral.
Pagpupugay rin sa nagdonate ng lupa na naging daan upang maitayo at maitaguyod ang ating Madrasah. Gayundin, taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa dating Womenβs Organization na noo'y namamahala ng nasabing building bago pa man ito mailipat sa PMPLi Rizal.
Gayundin, maraming salamat po sa mga magulang at stakeholders na nagbigay ng mga electric fan at monetary assistance, at sa iba pa pong hindi na namin mabanggit isa-isa.
Jazakumullahu Khairan sa inyong lahat. Nawaβy gantimpalaan kayo ni Allah dito sa mundo at lalong higit sa kabilang buhay. π€