11/06/2025
๐๐ฎ๐ฟ๐ผ ๐ป๐ฎ, ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ฝ๐ฎ? ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฏ๐ผ๐๐ต! ๐ฏ
Isang araw ng saya, talino, at samahan ang sabay-sabay na naranasan ng kabataang Punta Baja!
Noong ika-10 ng Hunyo 2025, matagumpay na naisakatuparan ang programang "๐จ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ, ๐๐ฎ๐ฟ๐ผ ๐ฎ๐ ๐๐ฟ๐ฎ๐น" na pinangasiwaan ng ๐๐ถ๐ฏ๐ต๐ข ๐๐ข๐ซ๐ข ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ฅ๐ณ๐ฆ๐ฏโ๐ด ๐๐ณ๐จ๐ข๐ฏ๐ช๐ป๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ sa pakikipagtulungan sa ๐๐ถ๐ฑ๐ณ๐ฆ๐ฎ๐ฆ ๐๐ฆ๐ค๐ฐ๐ฏ๐ฅ๐ข๐ณ๐บ ๐๐ฆ๐ข๐ณ๐ฏ๐ฆ๐ณโ๐ด ๐๐ฐ๐ท๐ฆ๐ณ๐ฏ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต ng ๐๐ผ๐๐ฒ ๐ฃ. ๐ฅ๐ถ๐๐ฎ๐น ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ถ๐ด๐ต ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น. Layunin ng nasabing programa na makapaghatid ng kasiyahan, makabuluhang karanasan, at edukasyonal na aral sa mga kabataang residente ng Barangay Punta Baja bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase para sa taong panuruan 2025โ2026.
Ang programa ay binuo upang maitaguyod ang holistikong pag-unlad ng mga kabataanโhindi lamang sa larangan ng akademya, kundi maging sa aspeto ng pakikipag-ugnayan, malikhaing pag-iisip, at pagtutulungan.
Ilan sa mga aktibidad na isinagawa ay ang mga sumusunod:
โข ๐ง๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐๐๐ฟ๐ฒ ๐๐๐ป๐ โ isang larong pampalakas na nagtaguyod ng koordinasyon at pakikipagtulungan
โข ๐ฆ๐ผ๐๐ป๐ฑ ๐ฆ๐ฐ๐ฎ๐๐ฒ๐ป๐ด๐ฒ๐ฟ โ larong may layuning paunlarin ang pandinig at pag-unawa sa mga tunog sa kapaligiran
โข ๐ฆ๐ฝ๐ฒ๐น๐น๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฒ โ paligsahang pampatalas sa kakayahan sa pagbabaybay at bokabularyo ng mga kalahok
โข ๐ ๐ฎ๐๐ต ๐๐ถ๐ป๐ด๐ผ โ larong nagbibigay hamon sa kaalaman at bilis sa paglutas ng mga problemang matematikal
โข ๐ง๐ฎ๐น๐ธ ๐ฆ๐ต๐ผ๐ โ isang segmentong nagsilbing plataporma para sa pagpapahayag ng saloobin at kaalaman ng mga kabataan ukol sa mahahalagang usapin sa akademiks at buhay estudyante
Sa kabuuan, naging matagumpay ang aktibidad sa pagtamo ng mga layunin nito. Naipamalas ng mga kalahok ang kani-kanilang mga kakayahan, at higit sa lahat, napanatili ang diwa ng pagkakaisa, kasiglahan, at pagkatuto. Ang ganitong mga inisyatibo ay patunay ng kahalagahan ng partisipasyon ng mga kabataan sa mga gawaing pangkomunidad na may positibong epekto sa kanilang personal at sosyal na pag-unlad.
Ang ๐๐ถ๐ฏ๐ต๐ข ๐๐ข๐ซ๐ข ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ฅ๐ณ๐ฆ๐ฏโ๐ด ๐๐ณ๐จ๐ข๐ฏ๐ช๐ป๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng nakibahagi at sumuporta sa programang ito. Nawaโy magpatuloy ang ganitong mga proyekto na naglalayong linangin ang kakayahan at karakter ng kabataang Pilipino.
๐๐จ๐ฆ๐๐ฃ๐๐ก๐ ๐๐๐ง๐, ๐๐๐ฅ๐ข ๐๐ง ๐๐ฅ๐๐
๐
Hunyo 10, 2025
๐ซ๐