KaBataan Ni Pepe - PYM Cabcaben

KaBataan Ni Pepe - PYM Cabcaben Ordinary people doing extraordinary things. �

SUMMER CATECHISM 2026 Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga bata at kabataan na makibahagi sa Summer Catechism ng ating...
05/05/2026

SUMMER CATECHISM 2026

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga bata at kabataan na makibahagi sa Summer Catechism ng ating parokya.

Ito ay isang magandang pagkakataon upang mas mapalalim ang ating kaalaman tungkol sa Diyos, pananampalataya, at mabuting asal bilang mga Kristiyano. Sa pamamagitan ng mga aral, gawain, at masasayang aktibidad, sama-sama nating palalaguin ang ating relasyon sa Panginoon.

Inaanyayahan din po namin ang mga magulang na hikayatin ang kanilang mga anak na sumali sa gawaing ito.

Maraming Salamat po at magkita-kita po tayo!

Biyernes Santo l April 03, 2026 Prusisyon ng Paglilibing
19/04/2026

Biyernes Santo l April 03, 2026

Prusisyon ng Paglilibing

Viernes Santo | April 03, 2026Via CrusisAng Pagninilay sa Daan ng KrusNarito ang ilan sa mga larawan ng nagdaang Via Cru...
15/04/2026

Viernes Santo | April 03, 2026

Via Crusis
Ang Pagninilay sa Daan ng Krus

Narito ang ilan sa mga larawan ng nagdaang Via Crusis, mga sandaling puno ng pananampalataya, pagninilay, at pakikiisa sa paghihirap ni Kristo.

Sa bawat hakbang ng paglalakbay sa Daan ng Krus, ating ginugunita ang paghihirap at pag-ibig ni Hesus para sa sangkatauhan. Ang bawat pagbagsak, bawat sugat, at bawat pagtindig Niya ay paalala ng Kanyang walang hanggang sakripisyo at awa.

Sa pagninilay na ito, nawa’y makita natin ang ating sarili sa bawat istasyon, ang ating mga pagsubok, mga pagkukulang, at mga pagkakataong tayo’y muling bumangon. Ang krus na Kanyang pinasan ay sumasalamin sa mga krus na ating dinadala araw-araw, ngunit kasabay nito ang pag-asang hindi Niya tayo kailanman pinababayaan.

Ang Via Crusis ay hindi lamang alaala ng nakaraan, kundi paanyaya sa bawat isa na patuloy na sumunod, magtiwala, at magmahal, kahit sa gitna ng sakit at pagsubok. Ito ay paalala na ang tunay na pananampalataya ay nasusukat hindi sa ginhawa, kundi sa ating pananatili sa Kanya sa kabila ng lahat.

Sa huli, ang Daan ng Krus ay landas patungo sa muling pagkabuhay, isang paalala na sa likod ng dilim, may liwanag na naghihintay. At sa bawat pagtatapos ay may bagong simula, sa bawat paghihirap ay may nakahandang kaluwalhatian.




Miyerkules Santo l April 01, 2026Prusisyon ng Pagpapakasakit ng Panginoon
14/04/2026

Miyerkules Santo l April 01, 2026

Prusisyon ng Pagpapakasakit ng Panginoon

Natapos man ang buwan ng Marso, hindi pa rin namin palalagpasin ang pagbati sa inyo! Maligayang Kaarawan kina  𝑴𝒂𝒓𝒄 𝑱𝒆𝒇𝒇...
12/04/2026

Natapos man ang buwan ng Marso, hindi pa rin namin palalagpasin ang pagbati sa inyo!

Maligayang Kaarawan kina 𝑴𝒂𝒓𝒄 𝑱𝒆𝒇𝒇𝒓𝒆𝒚 𝒂𝒕 𝑨𝒏𝒈𝒆𝒍 !

Maraming salamat sa inyong aktibong pakikiisa, sigla, at pusong handang maglingkod sa ating Parokya. Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng kalusugan, karunungan, at mas lalong nag-aalab na pananampalataya.

Dalangin namin na sa bawat hakbang ninyo ay gabayan kayo ng Diyos at patuloy kayong maging inspirasyon sa kapwa kabataan.

Mula sa inyong Kabataan ni Pepe, kami ay nagmamahal at bumabati ng isang masaya at makabuluhang kaarawan!

Visita Iglesia 2026Archdiocese of San Fernando📍Parroquia ng San Agustin, Lubao, Pampanga📍Parroquia de la Inmaculada Conc...
25/03/2026

Visita Iglesia 2026
Archdiocese of San Fernando

📍Parroquia ng San Agustin, Lubao, Pampanga

📍Parroquia de la Inmaculada Concepcion, Guagua, Pampanga

📍Parroquia ng Santiago Apostol, Guagua, Pampanga

📍Archdiocesan Shrine of Our Lady of Lourdes, Bacolor, Pampanga

📍Parroquia ng San Guillermo, Bacolor, Pampanga

📍Metropolitan Cathedral of San Fernando, Pampanga

📍Parroquia ng Sta. Rita de Cascia, Sta. Rita, Pampanga

Nawa ang aming paglalakbay-pananalangin sa panahon ng Kuwaresma ay maging daan upang higit naming mapalalim ang aming pananampalataya, mapagnilayan ang sakripisyo ni Hesus, at mapalapit sa Kanya sa pamamagitan ng taimtim na panalangin.

Dalangin namin ang kapatawaran, pasasalamat, at patuloy na patnubay sa aming buhay. Nawa’y ang bawat simbahan na aming binisita ay magsilbing paalala ng Iyong walang hanggang pagmamahal at awa.

Dakal a salamat, Archdiocese of San Fernando. Hanggang keng susunud, mibalik kami pa.

Maligayang Kapistahan ni San Jose – Esposo ng Birheng Maria!Ngayon ay ating ginugunita ang kanyang mahalagang papel bila...
19/03/2026

Maligayang Kapistahan ni San Jose – Esposo ng Birheng Maria!

Ngayon ay ating ginugunita ang kanyang mahalagang papel bilang mapagkalingang ama ni Hesus at tapat na kabiyak ng Mahal na Birheng Maria. Siya ay huwaran ng kababaang-loob, pananampalataya, at ganap na pagtitiwala sa kalooban ng Diyos. Nawa’y tularan natin ang kanyang pagiging masipag, mapagmahal, at matatag sa gitna ng mga pagsubok sa buhay.

Sa kanyang pamamagitan, nawa’y pagpalain ang bawat pamilya at patuloy tayong gabayan sa landas ng kabutihan at kabanalan. Maligayang Kapistahan sa ating lahat!

Ite ad Joseph!

Natapos man ang buwan ng Pebrero, hindi pa rin namin palalagpasin ang pagbati sa inyo! Maligayang Kaarawan kina 𝑪𝒍𝒂𝒓𝒓𝒊𝒔𝒂...
02/03/2026

Natapos man ang buwan ng Pebrero, hindi pa rin namin palalagpasin ang pagbati sa inyo!

Maligayang Kaarawan kina 𝑪𝒍𝒂𝒓𝒓𝒊𝒔𝒂 𝒂𝒕 𝑲𝒂𝒕𝒆!

Maraming salamat sa inyong aktibong pakikiisa, sigla, at pusong handang maglingkod sa ating Parokya. Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng kalusugan, karunungan, at mas lalong nag-aalab na pananampalataya.

Dalangin namin na sa bawat hakbang ninyo ay gabayan kayo ng Diyos at patuloy kayong maging inspirasyon sa kapwa kabataan.

Mula sa inyong Kabataan ni Pepe, kami ay nagmamahal at bumabati ng isang masaya at makabuluhang kaarawan!

Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus sa Templo (Candelaria)Ngayong araw ay ating ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Pagdadala...
02/02/2026

Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus sa Templo (Candelaria)

Ngayong araw ay ating ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus sa Templo, na kilala rin bilang Kapistahan ng Candelaria. Ipinapaalala sa atin ng kapistahang ito ang pagsunod nina Maria at Jose sa kautusan at ang pag-aalay nila kay Hesus sa Diyos.

Ang Candelaria ay sumasagisag kay Kristo bilang Liwanag ng Sanlibutan, kaya’t tampok sa pagdiriwang ang pagpapala ng mga kandila bilang tanda ng pananampalataya, pag-asa, at liwanag na gumagabay sa ating buhay.

patuloy na hayaang maging liwanag si Kristo sa ating mga puso at gawain.

“Ang bayan na naglalakad sa dilim ay nakakita ng dakilang liwanag.”

Even as the month of January comes to an end, we pause to celebrate the birthday of our beloved member, 𝙆𝙪𝙮𝙖 𝘽𝙞𝙡𝙡!Your P...
31/01/2026

Even as the month of January comes to an end, we pause to celebrate the birthday of our beloved member, 𝙆𝙪𝙮𝙖 𝘽𝙞𝙡𝙡!

Your PYM family hopes your birthday was truly memorable—filled with love, joy, and abundant blessings. May this new chapter of your life bring greater happiness, growth, and God’s grace. We continue to pray that you remain steadfast in serving the Lord with the same passion, dedication, and wholehearted spirit. ❤️‍🩹

Cheers to you, and may God bless you abundantly in the year ahead!


KAPISTAHAN NG PANGINOONG HESUS, ANG BANAL NA SANGGOL VIVA PIT SEÑOR! Sa anyo ng isang munting sanggol, ipinakilala sa at...
18/01/2026

KAPISTAHAN NG PANGINOONG HESUS, ANG BANAL NA SANGGOL

VIVA PIT SEÑOR!

Sa anyo ng isang munting sanggol, ipinakilala sa atin ng Diyos ang Kanyang dakilang pag-ibig. Si Hesus, ang Banal na Sanggol, ay paalala na ang tunay na kapangyarihan ay nagmumula sa kababaang-loob, ang tunay na kadakilaan ay nasa pagiging simple, at ang tunay na pananampalataya ay nasa lubos na pagtitiwala sa Diyos. Sa pagninilay natin sa Kanyang pagiging sanggol, nawa’y matuto tayong magpakumbaba, magtiwala, at magmahal nang wagas—tulad ng isang pusong handang tumanggap at maglingkod.

Address

Cabcaben
Mariveles

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KaBataan Ni Pepe - PYM Cabcaben posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share