08/04/2026
"Kabataan ang Pag asa, Edukasyon ang Sandata"
Matagumpay na isinagawa ang paglulunsad ng Learning Hub on Wheels ng Sangguniang Kabataan ng Alion sa Sitio Crossing noong March 29, 2026, na dinaluhan ng masiglang partisipasyon ng ating mga kabataan.
Ang programang ito ay inilunsad upang maabot at mabigyan ng oportunidad ang mga kabataang naninirahan sa mga lugar na malayo sa ating barrio. Layunin nitong ilapit ang edukasyon, kaalaman, at serbisyong pangkabataan sa mga komunidad na hindi agad naaabot ng mga ganitong programa.
Nagbahagi ng mahahalagang kaalaman ang ilang SK Members patungkol sa ibaโt ibang health-related topics, kasama ang ating SK Chairperson na si Hon. Charm Yshi Vergara.
Sa kabila ng layo ng lugar, hindi ito naging hadlang upang maihatid ang mga impormasyong magbibigay inspirasyon, kamalayan, at dagdag kaalaman sa ating kabataan. Patunay lamang na ang serbisyo at edukasyon ay kayang dalhin saanman ito kinakailangan. ๐ก๐