19/02/2026
LISENSYADONG ENGINEER NA SI ATE ENGR. KOLLETE!
Isang pagpupugay sa isang bagong propesyonal na miyembro ng Balon Youth Alliance for Children, Kollete Peñaranda.
Ang atleta at ate ng BYAC, Mechanical Engineer na sa wakas!!! Sa lahat ng hirap na pinagdaanan at sunog kilay na pagrereview, ito’y nagbunga at nagbigay inspirasyon sa lahat.
Si ate Kollete ay hindi lamang miyembro ng BYAC kundi miyembro rin ng iba’t ibang organisasyon sa ating probinsya. Siya’y tunay na lingkod bayan na ngayon ay isang propesyonal na!
Nawa’y maging inspirasyon pa lalo si ate Kollete upang kayo’y magsikap sa inyong pangarap. Mahirap ang daan ngunit kung ito’y sasamahan ng pagtatiyaga at dedikasyon, mararating din ang dulo at mapagtatagumpayan din natin ang mga nais nating makamit.
Ate Kollete, kaming pamilya mo sa BYAC ay bilib sa tibay at dedikasyon mo upang makarating at makamit ang pangarap na pinaghirapan mo. Salamat sa pagpapakita ng tapang na aming naging inspirasyon upang patuloy na tahakin ang minimithing pangarap. Kami ay proud na proud sa iyo! Sa wakas! Masasabi na naming, “LISENSYADONG ENGINEER NA SI ATE ENGR. KOLLETE!”