Mariveles Senior High School Sitio Mabuhay SSLG

Mariveles Senior High School Sitio Mabuhay SSLG At Mariveles Senior High School- Sitio Mabuhay SSLG, we’re proud to be leaders of our school.

17/08/2026

π˜Ύπ™‘π™–π™¨π™¨ 𝙨π™ͺ𝙨π™₯π™šπ™£π™¨π™žπ™€π™£? π™π˜Όπ™ˆπ˜Ό π™‰π˜Όπ˜Όπ˜Ό!

From one day class suspension, nagkaroon ng sequel, trilogy, at extended versions. Parang may "No Classes" VIP subscription. 🎫

πŸ“ŒChecklist:
1. School bag βœ…
2. Plantsadong school uniformβœ…
3. Naka set na alarmβœ…
4. Baon❌
5. Cellphone pang abang sa announcement... πŸ‘€
6. ✨"WALANG PASOK" ✨ βœ…βœ…

Sa kabila ng class suspensions, huwag kalimutan kung bakit ito ginagawa. Mas mahalaga pa rin ang kaligtasan ng bawat estudyante, g**o, at pamilyaπŸ«‚. Kung masama ang panahonβ›ˆοΈ, iwasan munang bumiyahe🚌 kung hindi naman kinakailangan, manatili sa ligtas na lugar🏑, at makinig sa mga opisyal na anunsyo tungkol sa lagay ng panahon at klase.

Mas mabuting makapagpahinga πŸ›muna nang ligtas kaysa malagay sa peligro. At siyempre, huwag ding kalimutang kumustahinβœ‰οΈ ang pamilya at mga kaibigan kung okay lang sila.

Sa susunod, kapanabikan naman natin ang muling pagbalik sa paaralan🏫. Sa ngayon, kaligtasan muna ang unahin. πŸ—

Stay safe, Sitians! ❀

πŸ“ž EMERGENCY HOTLINES

β€’ National Emergency Hotline – 911
β€’ Bataan PDRRMO – (0917) 186 6911 (Globe) | (0918) 907 6911 (Smart)

π™’π™–π™‘π™–π™£π™œ 𝙋𝙖𝙨𝙀𝙠 AUGUST 18, 2026
π—’π—£π—œπ—¦π—¬π—”π—Ÿ 𝗑𝗔 𝗔𝗑𝗨𝗑𝗦𝗬𝗒:
β€’Mayor AJ Concepcion
https://www.facebook.com/share/1Cj4gG4mmU/

"Isang Layunin.
Isang Pagkakaisa.
SSLG Sitio Mabuhay - Para sa Pagbabagong may Pag-asa"

⌨️: Leih Krista Cupo | SSLG Vice President
πŸŽ₯: Nalah Mulan Carpio | SSLG Grade 12 Chairperson

Orginal video courtesy: Charo Santos

OPISYAL NA PAHAYAG | Supreme Secondary Learner Government (SSLG)Bilang pakikiisa sa mga hakbang ng Lokal na Pamahalaan n...
16/08/2026

OPISYAL NA PAHAYAG | Supreme Secondary Learner Government (SSLG)

Bilang pakikiisa sa mga hakbang ng Lokal na Pamahalaan ng Mariveles at para sa kaligtasan ng bawat mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan, ipinababatid na MAY PASOK sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Mariveles, Bataan bukas, Lunes, Agosto 17, 2026.

Matapos ang mga nakaraang suspensyon ng klase, inaasahan ang pagbabalik ng regular na pagpasok sa paaralan. Gayunpaman, hinihikayat ang lahat na manatiling mapagmatyag sa mga opisyal na anunsyo at sumunod sa mga paalala ng mga kinauukulan sakaling magkaroon ng pagbabago sa sitwasyon.

Pinaaalalahanan ang lahat ng mag-aaral na ihanda ang kanilang mga gamit, pumasok nang maaga, at panatilihin ang kaligtasan habang papunta at pauwi mula sa paaralan.

"Isang Layunin.
Isang Pagkakaisa.
SSLG Sitio Mabuhay
Para sa Pagbabagong may Pag-asa"

⌨️: Marielle Raymundo | SSLG Grade 11 Acad Representative

MAY PASOK | AUGUST 17, 2026

May pasok po bukas, Lunes, Agosto 17, sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong Lalawigan ng Bataan, maliban kung may hiwalay na anunsyo ng suspensyon mula sa inyong lokal na pamahalaan o paaralan.

Batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA ngayong 5:00 PM, ang ating Lalawigan ay wala na sa ilalim ng anumang rainfall warning; gayunpaman ay posibeng makaranas pa rin ng pag-ulan na paminsan-minsan ay posibleng maging malakas dulot ng Habagat.

Kung kinakailangan, ang localized suspension ng klase ay maaaring ideklara ng inyong Mayor o School Head, batay sa aktuwal na lagay ng panahon at umiiral na mga patakaran.

Hinihikayat ang mga magulang, mag-aaral, at mga g**o na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng kanilang lokal na pamahalaan at paaralan.

Higit sa lahat, unahin po natin ang kaligtasan. Mag-ingat po tayong lahat.

π™π™–π™žπ™©π™π™π™ͺπ™šπ™‘  #02ANG KANYANG KAMAY SA BAWAT KWENTO"Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti, kasa...
14/08/2026

π™π™–π™žπ™©π™π™π™ͺπ™šπ™‘ #02
ANG KANYANG KAMAY SA BAWAT KWENTO

"Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti, kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin." Roma 8:28

Alam po natin na hindi lahat ng nangyayari sa atin ay madaling intindihin, pero pinipili nating magtiwala sa mga plano ni Lord. May mga bagay na hindi man natin nakikita kung saan patungo ang ating mga landas pero patuloy tayong naniniwala at nananalig sa kaniya, dahil alam nating may magandang dahilan at layunin ang lahat ng ito.

Sa tamang panahon, maintindihan rin natin kung bakit kailangan pag daanan ang lahat ng ating mga problema o challenges sa buhay. Lagi tayong maniwala at manalig sa panginoon at mag patuloy. πŸ™πŸ€

"Isang Layunin.
Isang Pagkakaisa.
SSLG Sitio Mabuhay – Para sa Pagbabagong may Pag-asa."

⌨️: Kate Andrea Bagsic | SSLG Treasurer
πŸ’»: Leih Krista Cupo | SSLG Vice President

OPISYAL NA PAHAYAG | Supreme Secondary Learner Government - MSHS Sitio MabuhayBilang pakikiisa sa mga hakbang ng Lokal n...
13/08/2026

OPISYAL NA PAHAYAG | Supreme Secondary Learner Government - MSHS Sitio Mabuhay

Bilang pakikiisa sa mga hakbang ng Lokal na Pamahalaan ng Mariveles at para sa kaligtasan ng bawat mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan, ipinababatid na walang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Mariveles, Bataan bukas, Biyernes, Agosto 14, 2026.
Ang suspensyon ng klase ay bunsod ng habagat na inilabas ng PAGASA, na nagbabala ng posibilidad ng malalakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at iba pang panganib.

Hinihikayat ang lahat ng mag-aaral na manatiling ligtas sa kanilang mga tahanan, maging mapagmatyag sa mga opisyal na anunsyo, at sumunod sa mga paalala ng mga kinauukulan. Ang inyong kaligtasan ang ating pangunahing prayoridad.

NARITO ANG OPISYAL NA ANUNSYO:
-Mayor AJ Conception
https://www.facebook.com/share/1Vr1BxDcuX/

Maraming salamat at mag-ingat ang lahat.

πŸ“ž EMERGENCY HOTLINES

β€’ National Emergency Hotline – 911
β€’ Bataan PDRRMO – (0917) 186 6911 (Globe) | (0918) 907 6911 (Smart)

"Isang Layunin.
Isang Pagkakaisa.
SSLG Sitio Mabuhay – Para sa Pagbabagong may Pag-asa."

⌨️: Janna Kim Serdan | SSLG Protocol Officer
πŸ’»: Leih Krista Cupo | SSLG Vice President

UMULAN MAN O UMARAW, NAGHIHINTAY KA PA RIN... πŸŒ¦οΈπŸ“±Sa announcement? ❌Sa update? ❌Sa reply niya? βœ…Busy sa activities? O bus...
11/08/2026

UMULAN MAN O UMARAW, NAGHIHINTAY KA PA RIN... πŸŒ¦οΈπŸ“±

Sa announcement? ❌
Sa update? ❌
Sa reply niya? βœ…

Busy sa activities? O busy kakahintay ng reply niya?

Umuulan man o umaaraw, hindi lahat ng paghihintay ay may kasamang sagot. πŸŒ¦οΈπŸ“±
Kaya bago mag-overthink sa isang seen o delivered, tandaan na may kanya-kanyang dahilan ang bawat tao. Minsan, hindi naman personal baka may mas mahalaga lang siyang kailangang unahin, kagaya nalang ng online classes, pending activities, o baka naman nagpapahinga.

Kaya ikaw, sa halip na umasa sa reply niya, gumawa ka nalang din ng school activities! Sa ganon, hindi ka na nga babagsak, hindi ka pa masasaktan. Oh diba, win-win!

"Isang Layunin.
Isang Pagkakaisa.
SSLG Sitio Mabuhay - Para sa Pagbabagong may Pag-asa"

⌨️: Geraldine De Leon | SSLG Grade 11 Chairperson
πŸ’»: Nalah Carpio | SSLG Grade 12 Chairperson




πŸ“’ OFFICIAL STATEMENT | Supreme Secondary Learner Government (SSLG)The Supreme Secondary Learner Government (SSLG) would ...
11/08/2026

πŸ“’ OFFICIAL STATEMENT | Supreme Secondary Learner Government (SSLG)

The Supreme Secondary Learner Government (SSLG) would like to inform all students, teachers, and parents that classes will resume tomorrow, Wednesday, August 12, 2026, at Mariveles Senior High School – Sitio Mabuhay.

However, please be advised that localized suspension of classes may still be implemented should weather conditions or other circumstances warrant it. Everyone is encouraged to stay alert and continue monitoring the official announcements from the Local Government of Mariveles, DepEd, and PAGASA for any updates.

Students, teachers, and parents are reminded to prioritize safety and preparedness at all times.
See you, MariveleΓ±os! Stay safe and keep learning!

"Isang Layunin.
Isang Pagkakaisa.
SSLG Sitio Mabuhay – Para sa Pagbabagong may Pag-asa."

MAY PASOK | AUGUST 12, 2026

May pasok po bukas, Agosto 12, sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong Lalawigan ng Bataan, maliban kung may hiwalay na anunsyo ng suspensyon mula sa inyong lokal na pamahalaan o paaralan.

Batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA, ang ating Lalawigan ay nasa ilalim na lamang ng yellow rainfall warning. Bagama't unti-unti nang bumubuti ang lagay ng panahon, maaari pa ring makaranas ng panaka-nakang pag-ulan sa ilang lugar.

Kung kinakailangan, ang localized suspension ng klase ay maaaring ideklara ng inyong Mayor o School Head, batay sa aktuwal na lagay ng panahon at umiiral na mga patakaran.

Hinihikayat ang mga magulang, mag-aaral, at mga g**o na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng kanilang lokal na pamahalaan at paaralan.

Higit sa lahat, unahin po natin ang kaligtasan. Mag-ingat po tayong lahat.

"Ang mahalin ay ang makilala nang lubusan. "Pero paano kung hindi mo padin kabisado ang tawag sa iyong mga kapamilya? Na...
10/08/2026

"Ang mahalin ay ang makilala nang lubusan. "
Pero paano kung hindi mo padin kabisado ang tawag sa iyong mga kapamilya? Nakuu!

Narito ang listahan na makakatulong sayo!
1. BILAS
-Bilas o brother in law sa Ingles ang tawag sa asawa ng bayaw o hipag mo.

2. BAYAW
- Ito naman ang tawag sa kapatid na lalaki ng asawa mo. Sa English, "Brother in law".

3. HIPAG
-Hipag naman ang tawag sa kapatid na babae ng asawa mo, kaya naman sa Ingles ito ay tinatawag na "Sister in law".

4. MANUGANG
-Ito ang itinatawag sa asawa ng anak mo o di kaya naman asawa ng iyong pamangkin.

5. BALAE
- Ang Balae ay ang magulang ng mag asawa.

6. KUYA
- Ito ang inititawag sa pinakamatandang lalaki na kapatid. Sa madaling salita, ito ang panganay na lalaki.

7. ATE
- Ate naman ang tawag sa panganay na babae.

8. DIKO
-Ito ang dapat na itawag sa pangalawa sa pinakamagandang kapatid na lalaki.

9. DITSE
-Ditse naman ang tawag sa pangalawang pinakamatandang babae sa magkakapatid.

10. SANGKO
- Ang Sangko ay ang pangatlo sa pinakamatandang kapatid na lalaki.

11. SANSE
- Ang pangatlo sa pinakamatandang kapatid na babae naman ay tinatawag na "sanse".

12. NUNO
-Ito ang itinatawag sa ating mga lolo at lola.

13. INANG
-Minsan ay tinatawag na "mama" o "mommy". Sa madaling salita, mga nanay. Kadalasan itong naririnig na ginagamit sa mga nanay ng kanilang magulang o kung tawagin ay " Lola".

14. AMANG
- Amang ang tawag sa tatay. Minsan ay ginagamit din ito pantawag sa mga lolo.

15. NANANG
- Ito ang itinatawag sa mga Tita o kapatid/pinsan na babae ng magulang.

16. TATANG
-Ito naman ang tawag sa mga Tito! Mga kapatid o pinsang lalaki ng magulang.

17. APO
-Apo naman ang tawag sa anak ng anak mo.

18. APO SA TUHOD
-Tinatawag namang apo sa tuhod ang anak ng iyong apo.

________________________________________
Ang pagmamahal ay nag sisimula sa pagkilala ng pinakamaliit na bahagi ng buhay ng tao. At minsan, ito ay ang pag alam ng tamang tawag sa kanila.

Kayo ba mga Sitians, alam niyo ba ang tamang tawag sa kapamilya niyo?

⌨️: Leih Krista Cupo | SSLG Vice President

π™π™–π™žπ™©π™π™π™ͺπ™šπ™‘  #01YOU ARE NOT ALONEThere may be days when you feel tired, uncertain, or afraid of what lies ahead, especiall...
10/08/2026

π™π™–π™žπ™©π™π™π™ͺπ™šπ™‘ #01
YOU ARE NOT ALONE

There may be days when you feel tired, uncertain, or afraid of what lies ahead, especially with the mounting problems around us today, from natural disasters and societal troubles to our own personal burdens. But remember: you don’t have to face every challenge by yourself. God is with you every step of the way.

β€œSo do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you.” β€” Isaiah 41:10

When you feel weak, He gives you strength.

So, whatever you are facing today, remember that God is with you, and He will be the reason you see the bright sky ahead.

"Isang Layunin.
Isang Pagkakaisa.
SSLG Sitio Mabuhay - Para sa Pagbabagong may Pag-asa"

OFFICIAL STATEMENT | Supreme SecondaryLearner Government (SSLG) Date Issued: August 010 2026 | Effectivity: Tomorrow, Tu...
10/08/2026

OFFICIAL STATEMENT | Supreme Secondary
Learner Government (SSLG)

Date Issued: August 010 2026 | Effectivity: Tomorrow, Tuesday, August 11, 2026

SUSPENSION OF FACE-TO-FACE CLASSES

In line with the official directive from the Provincial Government of Bataan, all face-to-face classes at all levels in public and private schools across the province are suspended tomorrow, Monday, August 11, 2026.

This decision was made based on the latest weather forecast from PAGASA and the recommendation of the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO). The suspension is implemented to ensure the safety of students, teaching and non-teaching personnel, and the public amid the expected heavy rains and possible flooding caused by the Southwest Monsoon.

Mariveles Senior High School – Sitio Mabuhay will shift to Alternative Delivery Mode (ADM), which may include online or modular distance learning, depending on the decision of the school administration. This is to make sure that learning continues while everyone remains safe at home.

OFFICIAL ANNOUNCEMENT: πŸ“
β€’ Gov. Joet Garcia
https://www.facebook.com/100044641740135/posts/1579296106901766/?app=fbl

We encourage everyone to stay informed, take necessary precautions, and prioritize your safety. Please stay safe and take care, everyone!

"Isang Layunin.
Isang Pagkakaisa.
SSLG Sitio Mabuhay - Para sa Pagbabagong may Pag-asa"

⌨️: Kate Andrea Bagsic | SSLG Treasurer
πŸ’»: Leih Krista Cupo | SSLG Vice President

OFFICIAL STATEMENT | Supreme SecondaryLearner Government (SSLG) Date Issued: August 09, 2026 | Effectivity: Tomorrow, Mo...
09/08/2026

OFFICIAL STATEMENT | Supreme Secondary
Learner Government (SSLG)

Date Issued: August 09, 2026 | Effectivity: Tomorrow, Monday, August 10, 2026


SUSPENSION OF FACE‑TO‑FACE CLASSES

In line with the official directive from the Provincial Government of Bataan, all face‑to‑face classes at all levels in public and private schools across the province are suspended tomorrow, Monday, August 10, 2026.

This decision follows the latest weather forecast from PAGASA and the recommendation of the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO). It is issued to protect the safety of students, personnel, and the public from heavy rains and possible flooding brought by the Southwest Monsoon.

Mariveles Senior High School – Sitio Mabuhay will implement Alternative Delivery Mode (ADM) / Online or Modular Distance Learning as decided by school heads, so education continues while everyone stays safe at home.



πŸ“Œ OFFICIAL SOURCE
* Governor Joet Garcia:
πŸ”— https://www.facebook.com/100044641740135/posts/1578439743654069/?app=fbl

Everyone is advised to keep monitoring updates from PAGASA, the Local Government Unit of Mariveles, and official school pages.



πŸ“ž EMERGENCY HOTLINES

β€’ National Emergency Hotline – 911
β€’ Bataan PDRRMO – (0917) 186 6911 (Globe) | (0918) 907 6911 (Smart)



Your safety remains our top priority. Stay home, stay dry, and stay safe, dear Sitians.

β€œIsang Layunin. Isang Pagkakaisa.”
SSLG – Sitio Mabuhay
Para sa Pagbabagong may Pag‑asa"

⌨️: Jaypee Daryle Vince Labrique | SSLG Secretary
πŸ’»: Leih Krista Cupo | SSLG Vice President

Address

Sitio Mabuhay
Mariveles
2105

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mariveles Senior High School Sitio Mabuhay SSLG posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Mariveles Senior High School Sitio Mabuhay SSLG:

Shortcuts

Share