13/04/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | UP Fair: REV Music Festival
๐ฆ๐๐ก๐ข ๐๐ก๐ ๐ง๐๐๐๐๐ก๐๐ข๐ ๐ญ๐ฏ?
Ang Talaingod 13 ay binubuo ng 13 aktibista, g**o, at tagapagtaguyod ng karapatan ng mga Katutubo na di-makatarungang hinatulan ng kasong child abuse kaugnay ng isang solidarity mission noong 2018 sa Talaingod, Davao del Norte.
Ang kanilang ginawang pagkilos ay isang agarang humanitarian at rescue mission upang iligtas ang mga Lumad na bata at g**o mula sa banta ng militarisasyon at pananakot.
Kabilang sa Talaingod 13 sina:
โข Dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo
โข Dating ACT Teachers Representative France Castro
โข Mga volunteer teacher ng Lumad schools
โข Ang dating administrador ng Salugpongan Learning Center
Mula noon, ang Talaingod 13 ay patuloy na hinarap ang pananakot at red-tagging, mga malinaw na anyo ng harassment laban sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao at mga Katutubo.
TIMELINE NG KASO
โข Nobyembre 28, 2018 - Isinagawa ang isang National Solidarity Mission sa Talaingod, Davao del Norte, kung saan kalahok ang Talaingod 13, upang sumaklolo sa mga g**o at mag-aaral ng Salugpongan Taโ Tanu Igkanogon Community Learning Center, Inc. (Salugpungan).
(Dahil ito sa pananakot at panggigipit ng grupong paramilitar na Alamaraโna nagbantang susunugin ang Salugpongan sa Sitio Dulyan. Napilitan ang mga g**ong Lumad na ilikas ang 16 na mag-aaral upang iligtas sila mula sa panganib. Sina France Castro, Satur Ocampo, at iba pang kasapi ng mission ay tumulong upang matiyak na makarating ang mga mag-aaral sa isang ligtas na lugar.)
โข Hulyo 15, 2024 - Hinatulan ng Tagum City Regional Trial Court Branch 2 ang 13 indibidwal ng โother acts of child abuseโ, at sinentensiyahan ng 4 hanggang 6 na taong pagkakakulong.
โข Hulyo 22, 2024 - Naghain sina Satur Ocampo, France Castro, at ang iba pang akusado ng Notice of Appeal sa RTC ng Tagum upang kuwestiyunin ang desisyon at iakyat ang kaso sa Court of Appeals sa Cagayan de Oro.
โข Oktubre 17, 2024 - Inilunsad ang Defend Talaingod 13 Network, na naglalayong ipaglaban ang pagbasura sa mga kaso laban sa Talaingod 13 at isulong ang karapatan ng mga Lumad.
โข Disyembre 19, 2025 - Naglabas ng desisyon ang Court of Appeals na pinagtibay ang hatol laban sa Talaingod 13โisang mabigat na dagok sa karapatang pantao at sa pakikiisa sa mga pakikibaka ng mga Katutubo.
Ang ating panawagan: I-OVERTURN ANG โDI-MAKATARUNGANG DESISYON!
Ang kaso laban sa Talaingod 13 ay isang malinaw na halimbawa ng Strategic Lawsuits Against Public Participation (SLAPP)โmga kasong ginagamit upang abusuhin ang sistema ng hustisya, patahimikin, takutin, at parusahan ang mga human rights defenders at mga kaalyado ng mamamayan.
Ang di-makatarungang hatol laban sa T13 ay:
โข Nagkrikriminalisa sa pakikiisa sa mga pakikibaka ng mga Katutubo.
โข Ginagawang krimen ang humanitarian aid at rescue missions sa mga komunidad na nakararanas ng militarisasyon.
โข Nagpapatahimik at nananakot sa mga g**o, simbahan, propesyonal, at mamamayang handang tumindig para sa karapatan ng mga Katutubo.
Sa katotohanan, ang itinuturing ng NTF-ELCAC at ng estado na 'krimen' ay isang nagligtas-buhay na hakbang. Dahil sa matinding militarisasyon at pang-aapi kaugnay ng malalaking operasyon ng pagmimina sa Mindanao, maraming komunidad ng Lumad ang nagtatag ng sariling mga paaralan upang matiyak ang edukasyon at iba pang pangunahing serbisyo, at bilang paggiit ng kanilang mga batayang karapatan sa harap ng panunupil.
Noong 2016, may 216 Lumad schools sa bansa. Sa kasalukuyan, karamihan sa mga ito ay nagsara dahil sa sistematikong pananakot at atake ng estado. Kabilang dito ang mga insidenteng katulad ng kinahaharap ngayon ng Talaingod 13, aerial bombings, extrajudicial killings, at iba pang anyo ng pasismo at pang-aapi sa ilalim ng administrasyong Rodrigo Duterte. Si Duterte, na kasalukuyang nakadetina ngayon sa The Hague, ay tahasang sinabi na bombahin ang mga Lumad na paaralan.
Sa ganitong konteksto, ang ginawa ng Talaingod 13 na agarang pagtugon sa mapanganib na sitwasyon ng mga Lumad ay makatarungan at kinakailangan. Ang kanilang aksyon ay isang porma ng pakikiisa at proteksyon sa karapatang pantao, na labis na kailangan sa gitna ng pananakot, militarisasyon, at paglabag sa karapatang pantao.
Defend Talaingod 13! Defend Indigenous Peoplesโ Rights!