20/05/2026
โ๐บ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐โ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐
๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐.
โ
โ Hindi naging madali ang paglalakbay na inyong tinahak. Mula sa mga gabing salat sa pahinga, dagsa ng mga gawain, kapaguran sa pagbiyahe, pangamba sa pag-uulat at pagpapakitang-turo, hanggang sa mga sandaling ninanais nang sumuko, pinili pa rin ninyong manindigan, magpursige at magpatuloy. Ang bawat sakripisyo, pagtitiis, pagluha, at walang sawang pagsusumikap ay naging puhunan sa tagumpay na ngayoโy marapat lamang ninyong ipagdiwang at ipagmalaki.
โ
โPagbati sa lahat ng magsisipagtapos sa Edukasyong Filipino! Patuloy abutin ang rurok ng tagumpay dahil ang edukasyong inyong nakamit ay ang magdadala sa tuktok ng inyong mga pangarap. Dalhin ninyo sa inyong paglalakbay ang lahat ng aral, karanasan at ala-ala na humubog sa inyong pagkatao.
โ
โAng pagtatapos sa kolehiyo ay hindi wakas, kundi simula ng panibagong hamon ng realidad ng buhay. Ang ๐บ๐จ๐ด๐จ๐ญ๐ฐ๐ณ ay lubos kayong ipinagmamalaki at kaisa ninyo sa pagdiriwang ng bunga ng inyong pagpupunyagi at pagpupursige.
โ
โKung ang ortograpiyang Filipino ay nagsisilbing saligan ng wastong baybay at maayos na kaayusan ng wika, kayo namang mga magsisipagtapos ang magiging sagisag ng kasipagan, katatagan ng loob, at walang humpay na pagpupunyagi. Kayo rin ay magsisilbing tanglaw ng inspirasyon at huwarang gabay sa mga susunod pang tatahak sa larangan ng Edukasyong Filipino tungo sa higit na makabuluhan at maningning na kinabukasan.
โ
โPagbati sa inyong lahat! "๐ด๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐."
โ
๐ฉ๐บ๐ฌ๐ซ-๐ญ๐ฐ๐ณ๐ฐ๐ท๐ฐ๐ต๐ถ_๐ฎ