31/07/2026
NUTRITION MONTH: ARAW NG SUSTANSYA 🥗🌿
Matagumpay na idinaos sa Malilipot National High School ang Araw ng Sustansya sa pangunguna ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), katuwang ang TLE Club, mga g**o, at mga mag-aaral.
Bahagi ng pagdiriwang ang Feeding Program na nagbigay ng masustansyang pagkain sa mga piling mag-aaral. Ipinakita nito na ang wastong nutrisyon ay pundasyon ng malusog na pangangatawan at aktibong pagkatuto. Sa pagtutulungan, naitaguyod ang pagkakaisa para sa isang masiglang henerasyon.
Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang isabuhay natin ang wastong gawi sa pagkain.
SAMA-SAMA PARA SA MASUSTANSYANG KABATAAN, MASIGLANG PAARALAN, AT MAS MAUNLAD NA KINABUKASAN.
🖼️📸: John Michael Gabradilla | Committee Member
✍🏻: Marian Rowela Lego | P.I.O