02/09/2026
DOH: ALAMIN ANG KAHULUGAN NG BAWAT KULAY AT ANTAS NG AIR QUALITY INDEX (AQI) PARA MAPROTEKTAHAN ANG KALUSUGAN
Para maprotektahan ang kalusugan ng iyong pamilya, subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ukol sa kalidad ng hangin sa inyong lugar mula sa DENR-EMB o sa inyong lokal na pamahalaan. Maaari ring makita ang real-time AQI sa inyong lugar sa link na nasa comment section. Sa kasalukuyan, mariing pinaghahanda ang mga taga Visayas at Mindanao para sa posibleng pag-abot ng Haze sa dalawang rehiyon na ito.
Kung hindi maganda ang air quality sa inyong lugar, tandaan ang mga sumusunod:
โ
Magsuot ng mask kapag kailangang lumabas ng bahay at iwasan muna ang mabibigat na outdoor activities.
โ
Mag-ingat lalo ang mga bata, matatanda, buntis, at may sakit sa puso o baga, at ihanda ang kanilang mga gamot.
โ
Para sa mga nagtatrabaho sa labas, magsuot ng mask at regular na magpahinga sa loob ng mga gusali. Laging unahin ang proteksyon sa kalusugan.
โ
Maging maingat sa pagmamaneho dahil sa mababang visibility mula sa haze.
Sakaling mangailangan ng tulong, tumawag agad sa National Emergency Hotline 911. Maaari ring pumunta sa mga Health Center at YAKAP Clinic para sa libreng konsultasyon, risk screening, mga laboratoryo, at libreng gamot para sa hika o mild-to-moderate pneumonia.
Source: Department of Health (Philippines)
https://www.facebook.com/share/p/19UQvmttUh/