22/05/2026
π’ PABATID PARA SA MGA MANININDA AT MAMAMAYAN
Nais po naming linawin na ang paglapit at pakikipag-ugnayan sa Municipal Extension ay hindi upang alisin o tanggalan ng hanapbuhay ang sinuman.
Ang pangunahing layunin nito ay ang maayos at patas na pagsasaayos ng mga sukat at pwesto upang magkaroon ng kaayusan at pagkakapantay-pantay para sa lahat ng manininda.
Layunin din ng hakbang na ito na:
β’ Magkaroon ng Pantay pantay na sukat na naayon sa Isang tao o negosyante lang ,iwasan po ang pagiging swapang upang Mabuhay din at kumita ang IBA.
β’ Mabigyan ng sapat na kaluwagan ang daanan ng mga mamimili, residente, at motorista;
β’ Mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa paligid ng plaza at pampublikong lugar.
Hindi po hangad ng pamunuan na sirain o ipagkait ang inyong mga pwesto, kundi ayusin lamang ang pagkakapwesto sa lugar na ipinahiram at ipinagkatiwala sa atin upang magamit nang maayos at patas para sa kapakanan ng lahat.
Umaasa po kami sa inyong pang-unawa, pakikipagtulungan, at pagkakaisa upang mapanatili ang maayos, ligtas, at maunlad na pamilihan para sa bawat isa.
Maraming salamat po.