22/10/2026
BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG SCHOLARSHIP PROGRAM
Isang magandang oportunidad at dagdag na tulong para sa ating mga mag-aaral!
Ang Bawat Barangay Makikinabang Scholarship Program ay naglalayong makatulong at magbigay ng scholarship assistance sa limang (5) mag-aaral sa kolehiyo na magsisipagtapos sa taong 2027, upang maibsan ang ilan sa kanilang gastusin at masuportahan ang kanilang pag-aaral.
Sa pangunguna ni Hon. Joel A. Angcaya at ng Sangguniang Barangay ng Poblacion 1, Amadeo, Cavite, patuloy nating susuportahan ang mga programang naglalayong makatulong sa edukasyon at kinabukasan ng ating mga kabataan.
Layunin nating mabigyan sila ng dagdag na oportunidad at suporta upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap.
Para sa ating mga kabataan, sa pagsusulong ng edukasyon, at sa pagbuo ng mas maliwanag na kinabukasan!