Sangguniang Kabataan ng Poblacion 5

Sangguniang Kabataan ng Poblacion 5 If you have any question, just send a message to the new facebook account SANGGUNIANG KABATAAN NG POBLACION V.

14/01/2024
01.14.24KK Profiling ng Sangguniang Kabataan ng Poblacion V done! Ngayong araw isinagawa ang KK profiling ng Sangguniang...
14/01/2024

01.14.24

KK Profiling ng Sangguniang Kabataan ng Poblacion V done!

Ngayong araw isinagawa ang KK profiling ng Sangguniang Kabataan ng Poblacion V upang alamin ang impormasyon ng mga kabataan na may edad 15-30 yrs old.

Sa mga kabataan po na hindi nakapagbigay impormasyon, ipabigay alam po ito sa sangguniang kabataan.

Maraming salamat po sa pakikiisa!🫶🏻


01.07.24SANGGUNIANG KABATAAN NG CINCO MONTHLY SESSION Ang Sangguniang Kabataan ay nagsagawa ng buwanang sesyon. Ito ay p...
09/01/2024

01.07.24

SANGGUNIANG KABATAAN NG CINCO MONTHLY SESSION

Ang Sangguniang Kabataan ay nagsagawa ng buwanang sesyon. Ito ay pinangunahan ni SK Chairperson Hon. Essie Antoinette Jubilo bilang presiding officer at dinaluhan ng lahat ng mga Sangguniang Kabataan Members.
Nilalaman ng sesyong ito ang mga proyektong aming ilulunsad para sa kabataan ng ating barangay.

Ang Sangguniang Kabataan ng Poblacion V po ay laging handang maglingkod at tinitiyak namin sa inyo na laging mangunguna ang kapakanan at ikauunlad ng kapwa natin Kabataan!!

06/01/2024

01.06.2024

KALINISAN DAY sa Barangay Poblacion V
Video Documentation


Enero 6, 2024KALINISAN DAYSa pangunguna nu Punong Barangay Ronelo Rozul katuwang ang buong Sanggyniang Barangay, Sanggun...
06/01/2024

Enero 6, 2024

KALINISAN DAY

Sa pangunguna nu Punong Barangay Ronelo Rozul katuwang ang buong Sanggyniang Barangay, Sangguniang Kabataan, mga miyembro ng Civil Society Organizations (CSOs) , mga 4Ps at TUPAD Beneficiaries at higit sa lahat ang mga residente ng ating Barangay Poblacio V ay sama-sama at tulong-tulong na nakiisa sa malakihang paglilinis para sa itinakdang Kalinisan Day
Ito ay pagtalima sa DILG Memorandum Circular 2023-01 na nag hihikayat sa bawat barangay ng Pilipinas na magsagawa ng sabayang lingguhang paglilinis. Bagama’t regular na itong ginagawa ng ating barangay ay hinihikayat ng Pamahalaang Barangay ang pakikiisa ng bawat residente sa mga susunod pang Sabado.

Patuloy nating pangalagaan at pagmalasakitan ang ating mahal na Barangay dahil tayo ay kaisa para sa tunguhin ng isang malinis at magandang Bayan at Bansa.

05/01/2024

Mahalagang paabiso sa lahat ng kabataan!

Ang lahat po ng Kabataan ng ating barangay lalo’t higit ang mga Youth Organization Members ay inaanyayahan sa isang malakihang Clean-Up Activity, BUKAS, January 6, 2024 mula 7:00 to 11:00 ng umaga.
Mangayari lamang po na magdala ng mga gamit sa paglilinis gaya ng walis ting-ting, dustpan, sako atbp.


Mula sa Sangguniang Kabataan ng Poblacion V, binabati ka namin ng MALIGAYANG KAARAWAN, Jana Angela Sk Secretary! 🎉Patulo...
03/01/2024

Mula sa Sangguniang Kabataan ng Poblacion V, binabati ka namin ng MALIGAYANG KAARAWAN, Jana Angela Sk Secretary! 🎉

Patuloy lang maging inspirasyon sa mga kabataan! 🫶🏻

Mula sa Sangguniang Kabataan ng Poblacion V, malugod namin kayo binabati na Masagang Bagong Taon!Simulan natin ang bagon...
31/12/2023

Mula sa Sangguniang Kabataan ng Poblacion V, malugod namin kayo binabati na Masagang Bagong Taon!

Simulan natin ang bagong taon na may ngiti mula sa ating mga labi at pagmamahal sa bawat isa!❤️

Address

Barangay Poblacion 5
Mendez
4121

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Poblacion 5 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Kabataan ng Poblacion 5:

Share