25/06/2025
Libreng Serbisyong Medikal hatid ng AMIGA District Hospital
Magsasagawa ang AMIGA District Hospital ng libreng serbisyo bilang pagdiriwang ng kanilang unang anibersaryo. Ito ay gaganapin sa Hulyo 3, 2025, mula ika-8:00 ng umaga kung saan magkakaroon ng mga sumusunod:
Libreng Medical Check-Up;
Libreng Dental Check-Up;
Libreng Bunot;
Libreng X-Ray;
Libreng Gamot; at
Libreng HIV Screening Test.
Magsadya lamang sa AMIGA District Hospital sa Barangay Galicia III sa nasabing araw para sa pagpapatala.
Kaugnay nito, nagpapaabot ng pagbati at pasasalamat ang Lokal na Pamahalaan ng Mendez-NuΓ±ez sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Kgg. Francisco T. Mendoza, Jr. sa AMIGA District Hospital sa kanilang matagumpay na unang taon sa ating bayan.
Hangad po natin ang patuloy na paglawak ng kanilang mga serbisyo upang mapaglingkuran hindi lamang ang ating mga kapamilyang MendezeΓ±o kundi maging ang ating mga kalapit-bayan.