27/06/2026
Pinalalakas ng pamahalaan ang mga hakbang upang palawakin ang industriya ng ube sa bansa sa pamamagitan ng pamamahagi ng mahigit 60,000 planting materials ng ube sa mga magsasaka sa Leyte at Bohol, habang patuloy na lumalaki ang demand para sa naturang pananim sa lokal at pandaigdigang pamilihan.
Ang inisyatiba, na pinangungunahan ng Bureau of Plant Industry (BPI) katuwang ang Philippine Root Crop Research and Training Center (PhilRootcrops), ay bahagi ng High Value Crops Development Program (HVCDP) ng Department of Agriculture (DA), na naglalayong pataasin ang produksyon ng ube at mapabuti ang kita ng mga magsasaka.
Basahin ang buong ulat sa comment section at DA website: https://www.da.gov.ph/ube-industry-gets-boost-as-da-bpi-distributes-60000-planting-materials/