24/10/2026
I-SAVED, Nakipagkaisa sa PNP RSTU2 para sa Paglulunsad ng "PROJECT GALAW SA TAG-ARAW" sa Lannig, Solana
Isang mahalagang hakbang tungo sa pagtataguyod ng kalusugan, kaayusan, at aktibong pamayanan ang matagumpay na naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng I-SAVED at ng Philippine National Police Regional Special Training Unit 2 (PNP RSTU2) sa opisyal na paglulunsad ng "PROJECT GALAW SA TAG-ARAW" na ginanap sa Barangay Lannig, Solana.
Ang proyektong ito ay naglalayong magbigay ng mga kapaki-pakinabang na aktibidad at pagsasanay para sa kabataan at mamamayan ng Lannig ngayong panahon ng tag-araw, upang isulong ang masiglang pangangatawan, disiplina sa sarili, at positibong pakikipagkapwa-tao.
Lalo pang naging makabuluhan at matagumpay ang inisyatibang ito sa pamamagitan ng buong-pusong suporta ni Dr. John Mauro Manuel at ng pamunuan at komunidad ng Lannig Elementary School, na naging katuwang sa pagbibigay ng pasilidad at gabay para sa maayos na pagsasagawa ng mga gawain.
Ayon sa pamunuan ng I-SAVED, ang pagsasama-sama ng iba't ibang sektor—mula sa kapulisan, sektor ng edukasyon, at mga pribado at sibikong organisasyon—ay patunay na mas mabilis at mas epektibo ang pagpapatupad ng mga programang pampamayanan kung may pagkakaisa.
Nagpapasalamat ang I-SAVED at PNP RSTU2 sa lahat ng nakiisa, partikular sa lokal na pamahalaan ng barangay, mga g**o, magulang, at mga kabataang naging bahagi ng makasaysayang paglulunsad na ito. Inaasahan ang patuloy na pag-unlad at tagumpay ng "PROJECT GALAW SA TAG-ARAW" sa mga susunod pang mga araw