Lumina Tanza Phase 4 HOA

Directions

Lumina Tanza Phase 4 HOA Official page of Lumina Homes Tanza Phase 4 Homeowners’ Association used solely for posting updates, announcements, and activities

11/10/2026

GOOD GOVERNANCE STARTS WITH GOOD INTENTIONS AND HONEST SERVICE.

Good governance is not about power, it is about responsibility, transparency, accountability, and genuine concern for the people.

A good leader listens, serves without discrimination, makes decisions with integrity, and puts the welfare of the community above personal interest.

Leadership is not measured by how many people follow you, but by how many lives become better because you chose to serve.

Let us continue building a community where trust is earned, service is sincere, and every citizen is valued.

Good governance. Honest leadership. Meaningful service.

10/10/2026
10/10/2026

Maraming Salamat Po! πŸ’šπŸ€πŸ«‘

10/10/2026

october 9,2026 | Lumina Phase 4 Declogging πŸ’¦

πŸ“’ PAALALA SA LAHAT NG HOMEOWNERS NG LUMINA PHASE 4 πŸ“’ Ito po ay isang paalala mula sa Lumina Phase 4 Homeowners Associati...
09/10/2026

πŸ“’ PAALALA SA LAHAT NG HOMEOWNERS NG LUMINA PHASE 4 πŸ“’


Ito po ay isang paalala mula sa Lumina Phase 4 Homeowners Association.

Mahigpit po naming pinapaalala na WAG TAPUNAN ang ating mga drainage ng:
🚫 BASURA
🚫 MGA KANIN-KANIN / TIRANG PAGKAIN*
🚫 MGA DUMI NG ASO

Ang mga ito po ang pangunahing sanhi ng pagbara ng drainage na nagdudulot ng baha, mabahong paligid, at hindi kanais-nais na kondisyon sa ating komunidad.

Bagong linis lamang po ang ating mga drainage sa tulong nina Mayor Matro Bros. Kap. Boyet Mintu at ng Declogging Team.
Sana po ay tulungan ninyo kaming mapanatili itong malinis at maayos.

Maging masunurin tayo, dahil para din naman ito sa ating kaayusan at kalinisan.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at kooperasyon!

Malinis na Drainage, Ligtas na Komunidad!

Lumina Phase 4 HOA πŸ’›

πŽπœπ­π¨π›πžπ« πŸ—, πŸπŸŽπŸπŸ” (𝐁𝐒𝐲𝐞𝐫𝐧𝐞𝐬) πŸ’§ Sa wakas, naaksyunan na po ang matagal na nating suliranin sa mga baradong drainage dito sa...
09/10/2026

πŽπœπ­π¨π›πžπ« πŸ—, πŸπŸŽπŸπŸ” (𝐁𝐒𝐲𝐞𝐫𝐧𝐞𝐬) πŸ’§

Sa wakas, naaksyunan na po ang matagal na nating suliranin sa mga baradong drainage dito sa Lumina Phase 4.

Isinagawa ngayong araw ang malawakang Declogging Operation sa bawat drainage ng ating komunidad upang masigurong maayos ang daloy ng tubig at maiwasan ang pagbaha, lalo na ngayong tag-ulan.

TAOS-PUSONG PASASALAMAT PO:
Kay Mayor Matro Bros. maraming salamat po sa inyong mabilis na pagtugon sa aming hinaing at sa agarang aksyon. Ramdam po namin ang inyong malasakit sa Lumina Phase 4.

Kay Kap. Boyet Mintu sa inyong walang sawang pangunguna at paggabay, at kay Engineer Jef , sa buong Declogging Team sa inyong sipag, tiyaga at dedikasyon kahit sa ilalim ng init ng araw.

Dahil sa pagtutulungan, mas malinis, mas ligtas, at mas maayos na po ang ating komunidad. Mabuhay po kayo at maraming maraming salamat! πŸ™πŸ’šπŸ«‘

πŸ«‘πŸ’š
09/10/2026

πŸ«‘πŸ’š

09/10/2026
09/10/2026

PROVERBS 12:25

Magandang umaga, mga minamahal kong BagtaseΓ±o!

May mga laban tayong hindi nakikita ng ibang tao. May mga ngiting pilit nating ipinapakita kahit pagod na pagod na ang ating puso. May mga problemang tahimik nating dinadala dahil ayaw nating maging pabigat sa iba.

Pero tandaan mo, kapatid: Hindi mo kailangang kayanin ang lahat nang mag-isa.

Sabi sa Kawikaan 12:25, ang pagkabalisa ay nagpapabigat sa puso, ngunit ang mabuting salita ay nagbibigay ng kagalakan.

Kapag pagod ka na, magpahinga ka. Kapag mabigat na ang iyong dinadala, manalangin ka. At kapag hindi mo na alam ang susunod mong gagawin, magtiwala ka sa Diyos.

Hindi man agad mawala ang iyong mga problema, tandaan mong may pag-asa pa. Huwag mong hayaang ang mga pagsubok ngayon ang magnakaw ng iyong pananampalataya sa mas magandang bukas.

Ibigay mo sa Diyos ang iyong mga alalahanin. Magtiwala ka sa Kanyang panahon. At huwag kang susuko, dahil hindi pa rito nagtatapos ang kuwento ng iyong buhay.

Tayo po ay manalangin:

Panginoon, yakapin Mo po ang bawat pusong pagod, sugatan at puno ng pangamba. Bigyan Mo kami ng lakas sa mga araw na gusto na naming sumuko, kapayapaan sa gitna ng kaguluhan, at pag-asang magpatuloy kahit hindi pa namin nakikita ang kasagutan.

Tulungan Mo kaming magtiwala sa Iyong plano at ipaubaya sa Iyo ang mga bagay na hindi namin kayang kontrolin. Nawa'y mapalitan ng kapayapaan ang aming takot at ng pag-asa ang aming panghihina.
Amen.

β€œKapag pagod na ang puso, manalangin. Kapag mabigat ang problema, magtiwala. At kapag tila madilim ang daan, kumapit sa Diyos dahil may liwanag pang naghihintay sa iyong bukas.”

Muli mag-ingat po ang lahat, Mahal ko kayo BagtaseΓ±o.




Address

Lumina Homes Tanza Phase 4
Tanza
4108

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lumina Tanza Phase 4 HOA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share