San Martin de Porres - Lumil, Silang, Cavite

Directions

San Martin de Porres - Lumil, Silang, Cavite Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from San Martin de Porres - Lumil, Silang, Cavite, Youth Organization, Lumil, Silang.

𝗠𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗢𝗕𝗘𝗡𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗗𝗔𝗬 6 | 𝗜𝗸𝗮-30 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲Tingnan ang mga kuhang larawan sa pagdiriwang ng 𝗜𝗸𝗮𝗮𝗻𝗶𝗺 𝗻𝗮 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗠𝗶𝘀𝗮 𝗡𝗼𝗯𝗲𝗻𝗮𝗿...
31/10/2026

𝗠𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗢𝗕𝗘𝗡𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗗𝗔𝗬 6 | 𝗜𝗸𝗮-30 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲

Tingnan ang mga kuhang larawan sa pagdiriwang ng 𝗜𝗸𝗮𝗮𝗻𝗶𝗺 𝗻𝗮 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗠𝗶𝘀𝗮 𝗡𝗼𝗯𝗲𝗻𝗮𝗿𝘆𝗼 sa karangalan ni San Martin de Porres. Ang Banal na Misa ay pinangunahan ni 𝐑𝐞𝐛. 𝐏𝐝𝐫. 𝐎𝐫𝐥𝐢𝐞 𝐀. 𝐉𝐢𝐦𝐞𝐧𝐞𝐳, 𝗞𝘂𝗿𝗮 𝗣𝗮𝗿𝗼𝗸𝗼 ng 𝗣𝗮𝗿𝗼𝗸𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻 𝗔𝗻𝘁𝗼𝗻𝗶𝗼 𝗱𝗲 𝗣𝗮𝗱𝘂𝗮 sa Pooc, Silang.

Sa ikaanim na araw ng Misa Nobenaryo, binigyang-pansin sa homiliya kung saan ipinakita ni Hesus na ang paggawa ng mabuti at pagpapakita ng habag sa kapwa ay hindi dapat hadlangan ng anumang tuntunin o pagkakataon. Sa pamamagitan ng Kaniyang mga ginawa, itinuro Niya na ang pagmamahal at malasakit sa kapwa ay higit na mahalaga kaysa sa panlabas na pagsunod lamang sa mga alituntunin.

Mula rito, inaanyayahan tayong maging bukas-palad sa pagtulong at pagpapakita ng kabutihan sa ating kapwa. Tulad ni San Martin de Porres, na nag-alay ng kaniyang buhay sa paglilingkod sa mga nangangailangan, nawa'y matutuhan din nating pairalin ang awa, malasakit, at pagmamahal sa bawat isa. Sapagkat ang tunay na pananampalataya ay hindi lamang nakikita sa ating mga salita, kundi higit sa lahat, sa mga gawa ng pagmamahal at paglilingkod.

San Martin de Porres, ipanalangin mo kami! 🙏

𝗠𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗢𝗕𝗘𝗡𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗗𝗔𝗬 5 | 𝗜𝗸𝗮-29 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲Tingnan ang mga kuhang larawan sa pagdiriwang ng 𝗜𝗸𝗮𝗹𝗶𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗠𝗶𝘀𝗮 𝗡𝗼𝗯𝗲𝗻𝗮𝗿𝘆...
30/10/2026

𝗠𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗢𝗕𝗘𝗡𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗗𝗔𝗬 5 | 𝗜𝗸𝗮-29 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲

Tingnan ang mga kuhang larawan sa pagdiriwang ng 𝗜𝗸𝗮𝗹𝗶𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗠𝗶𝘀𝗮 𝗡𝗼𝗯𝗲𝗻𝗮𝗿𝘆𝗼 sa karangalan ni San Martin de Porres. Ang Banal na Misa ay pinangunahan ni 𝐑𝐞𝐛. 𝐏𝐝𝐫. 𝐎𝐫𝐥𝐢𝐞 𝐀. 𝐉𝐢𝐦𝐞𝐧𝐞𝐳, 𝗞𝘂𝗿𝗮 𝗣𝗮𝗿𝗼𝗸𝗼 ng 𝗣𝗮𝗿𝗼𝗸𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻 𝗔𝗻𝘁𝗼𝗻𝗶𝗼 𝗱𝗲 𝗣𝗮𝗱𝘂𝗮.

Sa ikalimang araw ng Misa Nobenaryo, binigyang-pansin sa homiliya kung saan ipinakita ni Hesus ang Kaniyang katatagan at determinasyong ipagpatuloy ang misyong ipinagkatiwala sa Kaniya ng Ama. Sa kabila ng mga banta at pagsubok, hindi Siya nagpatinag sa pagtupad sa kalooban ng Diyos.

Mula rito, inaanyayahan tayong tularan ang katatagan ni Hesus sa pananampalataya at manatiling tapat sa ating mga tungkulin at misyon bilang mga Kristiyano. Tulad ni San Martin de Porres, nawa'y maging handa rin tayong maglingkod at magmahal sa kapwa sa kabila ng anumang hamon na ating kinakaharap.

San Martin de Porres, ipanalangin mo kami! 🙏

𝗠𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗢𝗕𝗘𝗡𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗗𝗔𝗬 4 | 𝗜𝗸𝗮-28 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲Tingnan ang mga kuhang larawan sa pagdiriwang ng 𝗜𝗸𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗠𝗶𝘀𝗮 𝗡𝗼𝗯𝗲𝗻𝗮𝗿𝘆...
29/10/2026

𝗠𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗢𝗕𝗘𝗡𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗗𝗔𝗬 4 | 𝗜𝗸𝗮-28 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲

Tingnan ang mga kuhang larawan sa pagdiriwang ng 𝗜𝗸𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗠𝗶𝘀𝗮 𝗡𝗼𝗯𝗲𝗻𝗮𝗿𝘆𝗼 sa karangalan ni San Martin de Porres. Ang Banal na Misa ay pinangunahan ni 𝐑𝐞𝐛. 𝐏𝐝𝐫. 𝐑𝐨𝐦𝐞𝐥 𝐂. 𝐋𝐚𝐠𝐚𝐭𝐚, 𝗦𝗽𝗶𝗿𝗶𝘁𝘂𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 ng 𝗧𝗮𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗯𝘂𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘀𝘁𝗼𝗹 𝗦𝗲𝗺𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆

Sa ikaapat na araw ng Misa Nobenaryo, kasabay ng paggunita sa kapistahan nina San Simon at San Judas Tadeo, mga Apostol, binigyang-diin sa homiliya ang kahalagahan ng pananampalataya, katapatan, at matatag na pagsunod sa tawag ng Diyos. Tulad ng mga apostol na buong tapang na naglingkod at nagpalaganap ng Mabuting Balita, tinatawagan din tayong maging mga saksi ng pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga salita at gawa.

Sa patuloy nating paghahanda para sa kapistahan ni San Martin de Porres, nawa'y magsilbing inspirasyon ang buhay ng mga banal upang higit nating isabuhay ang kababaang-loob, paglilingkod, at pagmamahal sa kapwa. Nawa'y maging matatag tayo sa pananampalataya at maging instrumento ng kabutihan at pag-asa sa ating pamayanan.

San Martin de Porres, San Simon at San Judas Tadeo, ipanalangin ninyo kami! 🙏

𝗠𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗢𝗕𝗘𝗡𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗗𝗔𝗬 3 | 𝗜𝗸𝗮-27 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲Tingnan ang mga kuhang larawan sa pagdiriwang ng 𝗜𝗸𝗮𝘁𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗠𝗶𝘀𝗮 𝗡𝗼𝗯𝗲𝗻𝗮𝗿𝘆𝗼...
27/10/2026

𝗠𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗢𝗕𝗘𝗡𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗗𝗔𝗬 3 | 𝗜𝗸𝗮-27 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲

Tingnan ang mga kuhang larawan sa pagdiriwang ng 𝗜𝗸𝗮𝘁𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗠𝗶𝘀𝗮 𝗡𝗼𝗯𝗲𝗻𝗮𝗿𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗦𝗮𝗻 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻 𝗱𝗲 𝗣𝗼𝗿𝗿𝗲𝘀. Ang Banal na Misa ay pinangunahan ni 𝐑𝐞𝐛. 𝐏𝐝𝐫. 𝐋𝐮𝐢𝐬𝐢𝐭𝐨 𝐂. 𝐆𝐚𝐭𝐝𝐮𝐥𝐚, 𝐊𝐮𝐫𝐚 𝐏𝐚𝐫𝐨𝐤𝐨 ng 𝐏𝐚𝐧𝐝𝐢𝐲𝐨𝐬𝐞𝐬𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐃𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐚 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐫𝐨𝐤𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐞𝐬𝐭𝐫𝐚 𝐒𝐞ñ𝐨𝐫𝐚 𝐝𝐞 𝐂𝐚𝐧𝐝𝐞𝐥𝐚𝐫𝐢𝐚 sa Bayan ng Silang.

Sa Ikatlong Araw ng Misa Nobenaryo, binigyang-diin sa homiliya ang talinghaga ng butil ng mustasa, na sumasalamin sa ating pananampalataya sa Diyos. Tulad ng isang maliit na butil na may kakayahang lumago at maging isang malaking halaman, ang ating munting pananampalataya ay maaari ring lumago at magbunga ng kabutihan kung ito ay aalagaan at patatatagin sa pamamagitan ng panalangin at paglilingkod.

Nawa'y matutuhan nating huwag maliitin ang maliliit na simula, sapagkat sa tulong ng Diyos, ang isang pusong may pananampalataya ay may kakayahang maghatid ng pag-asa, pagmamahal, at pagbabago sa buhay ng ating kapwa.

San Martin de Porres, huwaran ng kababaang-loob at pagmamahal sa kapwa, ipanalangin mo kami! 🙏

𝗠𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗢𝗕𝗘𝗡𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗗𝗔𝗬 2 | 𝗜𝗸𝗮-26 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲Tingnan ang mga kuhang larawan sa pagdiriwang ng 𝗜𝗸𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗠𝗶𝘀𝗮 𝗡𝗼𝗯𝗲𝗻𝗮𝗿𝘆...
26/10/2026

𝗠𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗢𝗕𝗘𝗡𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗗𝗔𝗬 2 | 𝗜𝗸𝗮-26 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲

Tingnan ang mga kuhang larawan sa pagdiriwang ng 𝗜𝗸𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗠𝗶𝘀𝗮 𝗡𝗼𝗯𝗲𝗻𝗮𝗿𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗦𝗮𝗻 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻 𝗱𝗲 𝗣𝗼𝗿𝗿𝗲𝘀. Ang Banal na Misa ay pinangunahan ni 𝐑𝐞𝐛. 𝐏𝐝𝐫. 𝐊𝐢𝐧𝐠 𝐄𝐥𝐞𝐚𝐳𝐚𝐫 𝐕. 𝐏𝐞ñ𝐚𝐟𝐫𝐚𝐧𝐝𝐚, 𝐊𝐮𝐫𝐚 𝐏𝐚𝐫𝐨𝐤𝐨 ng 𝐏𝐚𝐫𝐨𝐤𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐛𝐮𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐬𝐭𝐨𝐥 sa Pala-pala, Dasmariñas.

Sa Ikalawang Araw ng Misa Nobenaryo bilang parangal kay San Martin de Porres, binigyang-diin sa homiliya ang diskriminasyong kanyang naranasan dahil sa kanyang pinagmulan at kulay ng balat. Sa kabila nito, nanatili siyang mapagpakumbaba, mapagmahal, at tapat sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

Nawa'y matularan natin ang kanyang halimbawa sa paggalang sa bawat isa at pagtakwil sa anumang uri ng diskriminasyon.

San Martin de Porres, huwaran ng kababaang-loob at pagmamahal sa kapwa, ipanalangin mo kami!🙏

𝗠𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗢𝗕𝗘𝗡𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗗𝗔𝗬 1 | 𝗜𝗸𝗮-25 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 Simula kahapon, Oktubre 25, 2026, ang mga maninimba ay nagkatipon-tipon sa pana...
25/10/2026

𝗠𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗢𝗕𝗘𝗡𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗗𝗔𝗬 1 | 𝗜𝗸𝗮-25 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲

Simula kahapon, Oktubre 25, 2026, ang mga maninimba ay nagkatipon-tipon sa pananalangin at pagninilay para sa 𝐔𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐌𝐢𝐬𝐚 𝐍𝐨𝐛𝐞𝐧𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐌𝐚𝐫𝐭𝐢𝐧 𝐝𝐞 𝐏𝐨𝐫𝐫𝐞𝐬. Ang Banal na Misa ay pinangunahan ni 𝑹𝒆𝒃. 𝑷𝒅𝒓. 𝑹𝒂𝒇𝒇𝒚 𝑺. 𝑷𝒂𝒓𝒄𝒐𝒏, 𝙍𝙚𝙠𝙩𝙤𝙧 𝙣𝙜 𝙏𝙖𝙝𝙖𝙣𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙗𝙪𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙨𝙩𝙤𝙡 𝙎𝙚𝙢𝙞𝙣𝙖𝙧𝙮. Kilala si San Martin sa kanyang wagas na pagpapakumbaba at pagmamahal sa Diyos sa kabila ng kahirapan ng buhay mula sa kanyang kabataan.

Turuan mo kami, San Martin, na maging tapat sa kalooban ng Panginoon sa gitna ng anumang pagsubok.

May kababaang-loob nating hilingin ang kanyang mabisang pamamagitan sa Ama.

“San Martin de Porres, pintakasi ng mga mahihirap at maysakit, ipanalangin mo kami!”

MISA NOBENARYO SCHEDULE 2026Bilang paghahanda sa nalalapit na Kapistahan ni San Martin de Porres, malugod po namin kayon...
23/10/2026

MISA NOBENARYO SCHEDULE 2026

Bilang paghahanda sa nalalapit na Kapistahan ni San Martin de Porres, malugod po namin kayong inaanyayahan na makiisa sa ating mga Banal na Misa at sa Nobenaryo na magsisimula sa darating na Ika-25 ng Oktubre hanggang Ika-2 ng Nobyembre bilang pagpapahayag ng ating pananampalataya, debosyon, at pasasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin at pagninilay.

Narito po ang Misa Nobenaryo Schedule para sa ating sama-samang paghahanda at pagdiriwang. Nawa'y maging pagkakataon ito upang higit nating mapalalim ang ating pananampalataya at mapatibay ang ating pagkakaisa bilang isang pamayanang Kristiyano.

Sama-sama po tayong manalangin at magdiwang sa karangalan ni San Martin de Porres, huwaran ng kababaang-loob, pagmamahal, at paglilingkod sa kapwa.

San Martin de Porres, ipanalangin mo kami!🙏🤎

PISTANG SAN MARTIN NA!!🥳Isang masaya at makabuluhang pagdiriwang ang muling naghihintay sa ating pamayanan bilang paghah...
23/10/2026

PISTANG SAN MARTIN NA!!🥳

Isang masaya at makabuluhang pagdiriwang ang muling naghihintay sa ating pamayanan bilang paghahanda sa kapistahan ng ating minamahal na Patron, si San Martin de Porres!

Bilang bahagi ng ating paghahanda, narito ang mga aktibidad na magbibigay-daan upang higit nating maipahayag ang ating pananampalataya, debosyon, at pagkakaisa bilang isang pamayanang nagkakaisa sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

Sa pagdiriwang ng ika-60 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng ating Simbahan, nawa’y patuloy nating isabuhay ang kababaang-loob, pagmamahal, at paglilingkod na ipinakita ni San Martin de Porres.

Kaya naman, halina’t makiisa at sama-samang ipagdiwang ang biyaya ng pananampalataya at ang mayamang tradisyon ng ating pamayanan!

San Martin de Porres, ipanalangin mo kami! ❤️🙏🏻

BINYAGAN SA KAPILYASa mga nais pong magpa-binyag sa darating pong Kapistahan ni San Martin de Porres sa Nobyembre 3 ay m...
06/10/2026

BINYAGAN SA KAPILYA

Sa mga nais pong magpa-binyag sa darating pong Kapistahan ni San Martin de Porres sa Nobyembre 3 ay maaari na po kayong magpalista sa Opisina ng ating Simbahan sa Parokya ng San Antonio de Padua sa Pooc, Silang.

Dalhin lamang po ninyo ang mga kailangang Requirements:

•Photocopy ng Birth Certificate ng bibinyagan
•Photocopy ng Marriage Certificate

Maraming Salamat po!

Still accepting orders, order NOW!!!
25/09/2026

Still accepting orders, order NOW!!!

𝐅𝐈𝐄𝐒𝐓𝐀 𝐒𝐀𝐍 𝐌𝐀𝐑𝐓𝐈𝐍 𝐍𝐀!!

Sa loob ng anim na dekada, patuloy na naging tahanan ng pananampalataya, panalangin, paglilingkod, at pagkakaisa ang ating minamahal na kapilya. Sa bawat pagdiriwang, panalangin at sama-samang pagkilos ay patuloy nating nasasaksihan ang walang hanggang biyaya at paggabay ng Diyos.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ating 60th Founding Anniversary ng ating munting kapilya, available na ang ating 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐅𝐈𝐄𝐒𝐓𝐀 𝐒𝐇𝐈𝐑𝐓 na ating susuotin sa darating na Kapistahan ni San Martin de Porres. Ito ay hindi lamang bilang bahagi ng ating selebrasyon, kundi bilang simbolo ng ating pakikiisa, pagmamahal at pagpapahalaga sa ating simbahan.

Sama-sama nating ipakita na tayo ay iisa sa pananampalataya, sa komunidad, at sa pagdiriwang.

𝑪𝑶𝑳𝑳𝑬𝑪𝑻𝑰𝑵𝑮 𝑶𝑹𝑫𝑬𝑹𝑺 𝑭𝑶𝑹 𝑩𝑨𝑻𝑪𝑯 1
📣 Fiesta Shirt is now available for PRE-ORDER!
👕 Available sizes: Kids size, XS, S, M, L, XL, 2XL
💰 Price: ₱300 only (₱250 only for Kids size)
📅 Deadline of orders: September 27, 2026
📍 For orders, kindly message our Official page - San Martin de Porres - Lumil, Silang, Cavite




Address

Lumil
Silang
4118

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Martin de Porres - Lumil, Silang, Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share