27/10/2026
๐๐๐ง๐๐ ๐ค๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ง๐๐๐ค ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐๐ค?
Ngayong darating na ika-30 ng Oktubre, makilahok sa Indak at Sindak: Halloween Special/Fundraising to End Polio, hatid ng RAC Santiago! Magaganap ito sa Santiago City Night Market, ganap na ika-6:00 ng gabi.
Bukod sa mga pagtatanghal sa larangan ng musika, sining, at literasiya, layunin nitong mapag-igting ang ating pagboboluntaryo at paglilikom para sa adbokasiya ng Rotary International na . Higit pa rito, maitataguyod ang pagkakaisa, pagmamahalan, at pagpapahalaga sa husay ng bawat isa habang naghahatid ng kasiyahan sa madla.
Halina't makilahok at sabay-sabay nating isulong ang pagwawakas ng polio sa buong mundo!