23/04/2026
LAGPIO-FB-0422-2026-03-76
Palitan ng Chiefs of Police sa Laguna PPO, Bahagi ng Personnel Management at Pagpapaigting ng Seguridad sa Rehiyon
Camp BGen. Paciano Rizal – Kaugnay sa naganap na palitan ng Hepe ng Kapulisan ng San Pedro at Biñan Component City Police Stations, nililinaw ng Laguna Police Provincial Office ang mga nasabing opisyal ay ilalagay sa posisyon kung saan mas angkop ang kanilang kakayahan at professional expertise at hindi ugnay sa anumang ilegal na gawain.
Ang palitan sa puwesto ay bahagi ng regular na proseso ng organisasyon at isang estratehikong hakbang sa pamamahala ng tauhan. Hindi ito bunga ng anumang negatibong isyu, bagkus ay nakapaloob sa patuloy na pagsusulong ng professional growth at career development ng mga opisyal ng kapulisan. Ang naturang hakbang ay nagbibigay sa kanila ng mas malawak na oportunidad na mahasa ang kanilang kakayahan at makapaghawak ng iba pang tungkulin na makatutulong sa kanilang propesyonal na pag-unlad.
Ang ganitong uri ng reorganisasyon ay isang karaniwang polisiya ng Philippine National Police na naglalayong mapanatili ang dynamics sa pamumuno, mabigyan ng pagkakataon ang iba pang opisyal na makapaglingkod bilang pinuno, at higit na mapahusay ang paghahatid ng serbisyo publiko sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.
Bilang bahagi ng epektibong pamamahala ng tauhan, patuloy na isinasagawa ang maingat na paglalagay at pagre-realign ng mga opisyal sa mga posisyong pinakaangkop sa kanilang kakayahan at karanasan, upang higit na mapalakas ang seguridad at mapanatili ang mataas na antas ng serbisyo publiko sa rehiyon.
Authority: PCOL SANDRO JAY DC TAFALLA, Acting Provincial Director, LPPO
PCPT GLORIA P BALIUAG C, LPIO
Contact Nos. Tel: 09451454794
Website: lagunappo.pro4a.pnp.gov.ph
page: Pulis ng Laguna