RPC Santa Rosa

RPC Santa Rosa This page is created to organize VP Leni Robredo's supporters in Santa Rosa, Laguna.

  | Brgy Aplaya, Bauan, BatangasDahil sa patuloy na ulan na dinaranas ng Batangas dulot ng   at Habagat na siyang nagpap...
08/08/2026

| Brgy Aplaya, Bauan, Batangas
Dahil sa patuloy na ulan na dinaranas ng Batangas dulot ng at Habagat na siyang nagpapatigil sa pang-araw-araw na hanapbuhay ng mga mangingisda, binubuksang muli ng RPC Santa Rosa ang ating .

Ngayong weekend, ating ihahanda ang IMMEDIATE FOOD PACKS para sa mga pamilya ng mangingisda na sadyang apektado ang kabuhayan sa ganitong lagay ng panahon. Para makatulong na maibsan ang pangangailangan ng mga mangingisda na makipagsapalaran sa delikadong lagay ng dagat, layon nating makapaghatid sa kanila ng pantawid na FOOD PACKS sa ganitong lagay ng panahon.

MAKIBAHAGI NA!
Gcash | 0960 550 4806 | Sherinai L

IN-KIND DONATIONS:
- Bigas
- Canned Goods
- Instant Noodles

📣OPEN CALL FOR EVENTS!!! 🩷✨Parating nang muli ang   ngayong October! At sa ating ikatlong season, sama-sama naman nating...
26/07/2026

📣OPEN CALL FOR EVENTS!!! 🩷✨
Parating nang muli ang ngayong October! At sa ating ikatlong season, sama-sama naman nating pag-iipunan ang Pamaskong Handog para sa Benguet Farmers.

Para gawing mas exciting ang ating weekend ganaps sa makabuluhang pamilihan, binubuksan ng RPC Santa Rosa ang Grand Pavilion ng Sherinai Events Place para gamitin ng organizers ng EVENTS, EXHIBITS, o COMPETITIONS for free*!!!

Kaya kung may ganap kayo ngayong October at kailangan niyo ng venue, mag-sign up na para sa ! 🩷✨

https://forms.gle/QwDhGZvtXiEwwQDA6
https://forms.gle/QwDhGZvtXiEwwQDA6
https://forms.gle/QwDhGZvtXiEwwQDA6

Bukas ang ating form hanggang July 31!

*Terms and Conditions apply

MORE SNAPS OF RPC SANTA ROSA |  Syempre sa bawat   ng Angat Buhay, present ang RPC Santa Rosa para patuloy na makibahagi...
22/07/2026

MORE SNAPS OF RPC SANTA ROSA |
Syempre sa bawat ng Angat Buhay, present ang RPC Santa Rosa para patuloy na makibahagi mga adbokasiya at proyekto ng ! 🙋‍♀️🙋✨️

Ngayong umaga, buong pusong nakiisa ang boluntirs ng RPC Santa Rosa sa Angat Bayanihan Run 2026, isang makabuluhang inis...
19/07/2026

Ngayong umaga, buong pusong nakiisa ang boluntirs ng RPC Santa Rosa sa Angat Bayanihan Run 2026, isang makabuluhang inisyatibo ng Angat Buhay na naglalayong isulong ang pagkakaisa, malasakit, at aktibong pakikilahok sa ating mga komunidad. ✨

Sa pamamagitan ng ating pakikiisa sa gawaing ito, ipinapakita ng RPC Santa Rosa Volunteers ang ating patuloy na pakikibahagi sa mga programang tunay na nagbibigay inspirasyon at nagdadala ng positibong pagbabago sa ating lipunan. Naniniwala kami na sa ganitong pakikiisa, tunay na nakakapag-angat tayo ng buhay at pag-asa ng ating kapwa. 🩷🩵

Patuloy nating isabuhay ang at bolunterismo . 🩷🇵🇭

As usual, meron pa rin tayong   sa bawat nating  ! ✨️Dahil sa ating sama-samang pakikibahagi noong Mayo, sumakses muli a...
18/07/2026

As usual, meron pa rin tayong sa bawat nating ! ✨️

Dahil sa ating sama-samang pakikibahagi noong Mayo, sumakses muli ang ating Season 2! Sa kabuuan, nakaipon tayo ng higit 90,000 para sa 160 School Kits na ating inihatid sa mga chikiting ng Rizal at Laguna.

Mula sa ating makabuluhang pamilihan, nakakapaghatid tayo ng programa ng pag-alalay para sa ating mga komunidad.

Konting buwan na lang, parating na rin ang IKATLONG SEASON ng ating Pamilihan! Kaya sa ating merchants, kitakits soon! 🌸🌸🌸

Makibahagi sa ating muling pagbubukas ng   bilang pakikiisa sa PROJECT REBUILD ng Child Formation Center of Sta. Rosa, I...
09/07/2026

Makibahagi sa ating muling pagbubukas ng bilang pakikiisa sa PROJECT REBUILD ng Child Formation Center of Sta. Rosa, Inc..

Sama-sama nating alalayan ang ANIM NA PAMILYANG NAAPEKTUHAN NG SUNOG noong July 5, 2026.

Bukas ang RPC Santa Rosa sa monetary donations na direkta nating ibabahagi sa bawat pamilyang nasunugan: Gcash | 0960 550 4806

Lahat ng IN-KIND DONATIONS ay tatanggapin natin sa CFC hanggang Lunes, July 13.
- Bigas, Kape, Biscuits
- Diaper, Shampoo, Sabon
- Toothbrush, Toothpaste
- School Bag, School Supplies
- Banig, Kumot, Tuwalya
- Clean, used clothes, shoes

CALL FOR DONATIONS | PROJECT REBUILD
Restoring Hope. Rebuilding Home.

Last Sunday, July 5, a fire broke out in Brgy. Pooc, Santa Rosa, Laguna, affecting six families in the community.

Among those affected is the family of one of our Grade 7 CFCnians. While they are grateful to have escaped the tragedy safely, their home and nearly all of their belongings were lost in the fire.

As one CFC family, we are called to extend compassion beyond words.

Child Formation Center of Sta. Rosa is opening a Call for Donations to help the six affected families, including our fellow CFCnian, as they begin the journey of rebuilding their lives.

Every contribution—whether big or small—can bring comfort, hope, and practical support during this difficult time.

Monetary Donations
📍 May be given at the Cashier's Office

In-Kind Donations (e.g., clothing, blankets, toiletries, school supplies, canned goods, rice, and other basic necessities)
📍 May be turned over to your Class Adviser

Let us come together in the true spirit of compassion and generosity. Together, we can help our neighbors rebuild not only their homes, but also their hope.

Donations will be accepted until July 9, 2026.

  | Brgy Wawa, Siniloan, Laguna Bago magdilim noong June 6, matapos ang lagpas tatlong oras na pagbiyahe simula sa Rodri...
05/07/2026

| Brgy Wawa, Siniloan, Laguna
Bago magdilim noong June 6, matapos ang lagpas tatlong oras na pagbiyahe simula sa Rodriguez, Rizal, nakarating tayo sa Siniloan, Laguna para doon naman maghatid ng School Kits sa mga bata.

Kapareho ng ating programa para sa mga chikiting ng Rizal, nakipagkwentuhan muna tayo sa mga bata ng Brgy Wawa kasama ang Hope Builders, Dream Tracers. Pagkatapos nito, tsaka tayo tumungo sa pamamahagi ng snacks, School Kits, at mga bagong libro para sa 75 na batang nagbalik-eskwela ngayong taon.

Muli, maraming salamat sa mga kasama natin sa makabuluhang para sa mga bata magmula pa noong Pamilihang Fuchsia season 2! 🩷🩵✨

  | Sitio Katwiran, Rodriguez, RizalBago matapos ang Hunyo, balikan muna natin ang ating matagumpay na   sa Sitio Katwir...
30/06/2026

| Sitio Katwiran, Rodriguez, Rizal
Bago matapos ang Hunyo, balikan muna natin ang ating matagumpay na sa Sitio Katwiran-- isang komunidad ng displaced Aetas sa Rodriguez, Rizal.

Nang dahil sa ating matagumpay na ambagan simula pa noong , nakapaghanda tayo ng 85 School Kits para sa mga chikiting ng Sitio. Nang ating itawid ang mga regalo, nagdaos muna tayo ng maikling programa ng kwentuhan kasama ang Hope Builders, Dream Tracers (HBDT), na siya ring namahagi ng mga bagong children's books para sa mga bata.

Sa ganito, nagagawa nating manindigan nang sama-sama para sa edukasyon at pag-angat ng bawat batang Pilipino.

Sa bawat pagkilos natin, nagiging matagumpay lamang tayo sa pag-alalay sa isang komunidad dahil sa maayos na koordinasyo...
21/06/2026

Sa bawat pagkilos natin, nagiging matagumpay lamang tayo sa pag-alalay sa isang komunidad dahil sa maayos na koordinasyon ng mga katuwang nating lider.

Nitong June 6, naging matagumpay ang natin para sa gamit pang-eskwela ng 160 na bata sa Laguna at Rizal. Naihanda natin ang mga gamit tulad ng akmang bilang at uri ng notebook, at saktong whitr t-shirt sizes ng mga chikiting dahil kila Ate Jessica ng Sitio Katwiran, at Kap Liza ng Brgy Wawa, Siniloan.

Palagi, lubos ang pasasalamat natin sa mga nakakatagpo nating lider na kasama natin sa paghahatid ng makabuluhang mga pag-alalay sa ating mga komunidad. 🇵🇭✨️

Bago magbukas muli ang isa na namang School Year, batiin muna natin sa kanyang matagumpay na pagtatapos ng Grade 10 si C...
14/06/2026

Bago magbukas muli ang isa na namang School Year, batiin muna natin sa kanyang matagumpay na pagtatapos ng Grade 10 si Chace! 🌸✨️

Ang buong pamilya nila ay aktibong boluntir ng RPC Santa Rosa simula po noong 2022, sa pangunguna ni Tita Czarina. Nang pumanaw si Tita Czarina, pinagtulungan ng organisasyon na suportahan sa pag-aaral sa high school ang isa sa kanyang anak.

Muli, maraming salamat sa lahat ng nakikibahagi sa ating bawat pagkilos bilang isang organisasyon-- tayong lahat ang dahilan kung bakit patuloy ang mga makabuluhan nating pagkilos at pagpapaabot ng suporta tulad ng ganito.

Palagi, naninindigan ang RPC Santa Rosa para sa kabataan, para sa edukadyon, at para sa bayan. 🇵🇭✨️

Address

Santa Rosa
4026

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RPC Santa Rosa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share