27/10/2026
📢 PAUNAWA | PAGPAPATUPAD NG ALTERNATIVE DELIVERY MODE (ADM)
Bilang tugon sa umiiral na mataas na heat index at upang matiyak ang kaligtasan, kalusugan, at kapakanan ng ating mga mag-aaral at kawani, ipinababatid ng Sta. Maria National High School ang pagpapatupad ng Alternative Delivery Mode (ADM) sa Miyerkules, Oktubre 28, 2026, para sa lahat ng baitang.
Ang mga g**o ay magbibigay ng angkop, magaan, at madaling maunawaang mga gawaing pampagkatuto na naaayon sa mga pinakamahahalagang kasanayang dapat matutuhan ng mga mag-aaral. Hinihikayat ang lahat na gawin ang mga nakatalagang gawain habang patuloy na nag-iingat, umiinom ng sapat na tubig, at iniiwasan ang labis na pagkabilad sa init.
Hinihiling din sa mga magulang at tagapag-alaga na gabayan ang kanilang mga anak sa pagsasagawa ng mga gawain at panatilihin ang komunikasyon sa mga g**o.
Patuloy nating isulong ang pagkatuto habang inuuna ang kaligtasan at kalusugan ng bawat isa sa panahon ng matinding init.
Mag-ingat, stay hydrated, at laging ligtas, Marians!