BBM - Bagbaguin Bagong Mukha: Tutulong, Titindig, Bagbaguin

BBM - Bagbaguin Bagong Mukha: Tutulong, Titindig, Bagbaguin Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BBM - Bagbaguin Bagong Mukha: Tutulong, Titindig, Bagbaguin, Youth Organization, Bagbaguin, Santa Maria.

Pagpapamigay ng Team Mario Estrella sa Balutan, Riverside, Pascual, Luwasan, Fatima, at Gitna ng mga school supplies par...
21/08/2023

Pagpapamigay ng Team Mario Estrella sa Balutan, Riverside,
Pascual, Luwasan, Fatima, at Gitna ng mga school supplies para sa mga estudyante mula Kinder hanggang Grade 6 sa Barangay Bagbaguin! πŸ™ŒπŸ’—

Sobrang nakakataba ng puso at nakakagaan sa pakiramdam ang makita ang maaliwalas na mukha at bakas ng mga ngiti sa labi ng mga bata sa kanilang mga natanggap. 😊🀍



Pagpapamigay ng Team Mario Estrella sa Adriano Compound at Sulucan ng mga school supplies para sa mga estudyante mula Ki...
15/08/2023

Pagpapamigay ng Team Mario Estrella sa Adriano Compound at Sulucan ng mga school supplies para sa mga estudyante mula Kinder hanggang Grade 6 sa Barangay Bagbaguin! πŸ™ŒπŸ’—

Sobrang nakakataba ng puso at nakakagaan sa pakiramdam ang makita ang maaliwalas na mukha at bakas ng mga ngiti sa labi ng mga bata sa kanilang mga natanggap. 😊🀍




Martes, August 8, 2023 naganap ang munting kumustahan ng aming team sa Sitio Fatima matapos ang nagdaang mga bagyo.πŸ‘₯ Bum...
10/08/2023

Martes, August 8, 2023 naganap ang munting kumustahan ng aming team sa Sitio Fatima matapos ang nagdaang mga bagyo.πŸ‘₯ Bumisita kami upang sila ay kumustahin kung bumalik na ba sila sa ayos matapos nilang masalanta ng bagyo. Habang isinasagawa ang kumustahan ay nagpamigay kami ng munting meryendang tusok tusok para sa kanila. 🍑🍑🍑

Ipinagpatuloy ang kumustahang ito noong Myerkules, August 9, 2023 sa Sitio Libis upang kumustahin rin ang mga nasalanta ng bagyo at kung maayos na ba ang kanilang kalagayan. 😊 Nagpamigay ding muli ng munting meryendang tusok tusok ang aming team para masarap ang kumustahan habang may pinagsasaluhan. πŸ₯°πŸ‘🍑

Sabado, August 5, 2023  sa ganap na 7am-9am ng umaga ay naganap ang Zumba Program ng aming Team na nilahukan ng ating mg...
07/08/2023

Sabado, August 5, 2023 sa ganap na 7am-9am ng umaga ay naganap ang Zumba Program ng aming Team na nilahukan ng ating mga ka-baranggay, mapa-bata man o matanda ay game na game na lumahok sa ating pagsayaw. πŸ‘₯✨ Sinamahan nga tayo sa paggiling ng ating magaling na Zumba Instructor and guest na si Jessie Bisnar Suarez at ating SK na si John Gregorio. πŸ•ΊπŸ»πŸ•ΊπŸ»

No'ng araw nga ring 'yun ay ipinagdiwang ang kaarawan ng ating butihing si Kap. Mario Estrella. Mayroong ding libreng pandesal at itlog at libreng pa-raffle sa ating mga ka-baranggay. πŸ€©πŸ’—

Sa atin ngang ginanap na Zumba at Pa-raffle ay marami ang nagwagi at nakatanggap ng mga pa-premyo at karangalan.✨

Zumba Winners;
πŸŽ–οΈπŸŽ½2 - Most Energetic
πŸŽ–οΈπŸŽ½1 - Zumba King
πŸŽ–οΈπŸŽ½1 - Zumba Queen

Raffle Winners;
🌾 1kl - 2kls ng Bigas
πŸŽ’ Bags
πŸ’Έ Cash Prize

Maraming Salamat po sa mga sponsors at mga nakilahok sa aming pa-zumba na naglalayong IBALIK ANG ALINDOG ng ating mga katawan. πŸ’ͺ🏻✨ Sobra po naming na appreciate ang inyong paglahok at pakikiisa sa aming programa. 😊

Nawa ay nabigyan namin kayo ng ngiti sa inyong mga labi! πŸ₯°πŸ’—

Huwebes, Agosto 3, 2023, ay naghatid ng tulong ang aming team sa mga nasalanta ng Bagyong Egay at Falcon. Nagtungo sa Ba...
04/08/2023

Huwebes, Agosto 3, 2023, ay naghatid ng tulong ang aming team sa mga nasalanta ng Bagyong Egay at Falcon. Nagtungo sa Bagbaguin Elementary School na nagsilbing evacuation center ng mga nasalanta. Nagpamigay ng mga damit at libreng pampainit ng tiyan. πŸ‘₯

Sa kabila ng bayong ating nararanasan ay hindi tumitigil ang Team Mario sa paghahatid ng tulong sa ating mga ka-baranggay.🀍

Tunay ngang sa kabila ng kahit na anong panahon ay nag a-alab ang ating pagiging Pilipino. Tunay ngang likas na sa ating mga Pilipino ang pagbabayanihan. ✊🏻

Maraming Salamat po sa mga nag abot ng tulong at nag donate ng mga damit sa ating mga ka-baranggay. Pagpalain po kayo ng ating Poong Maykapal.πŸ“ΏπŸ™πŸ»







Ps: we covered their faces for their privacy. πŸ₯°

Magandang Umaga, mga ka-baranggay! Narito po ang pagkakasunod-sunod ng ating mga contestants! πŸ₯³ Muli, maraming salamat p...
02/08/2023

Magandang Umaga, mga ka-baranggay! Narito po ang pagkakasunod-sunod ng ating mga contestants! πŸ₯³ Muli, maraming salamat po sa inyong paglahok sa aming munting palaro!!🀩✨

Congratulations!!πŸŽ‰

Enrico De Jesus - 1st Place
Robert De Jesus - 2nd Place
Mary Ann De Jesus - 3rd Place

Maari lamang na i-message ang page para ma-claim ang inyong prize!πŸ₯°

Huwag po ninyong kalimutan na i-like at i-follow ang aming page! Narito po ang link sa ibaba. πŸ‘‡πŸ»πŸ‘‡πŸ»πŸ‘‡πŸ»

πŸ”—https://www.facebook.com/profile.php?id=100095286600418

Narito na po ang mga lumahok sa ating munting pa-Nutrition Month Contest. Maraming Salamat po sa mga nakilahok. Narito p...
30/07/2023

Narito na po ang mga lumahok sa ating munting pa-Nutrition Month Contest. Maraming Salamat po sa mga nakilahok. Narito po ang kanilang witty entries!🀩✨

Take note na ang 1st, 2nd at 3rd winner ay malalaman depende sa dami ng Facebook Reactions at sa ating Criteria.

At hanggang bukas lamang po ng 11:59pm ang cut off for Facebook Reactions. At sa August 1, 2023 naman po ia-announce ang ranking place nila.

Kaya ano pa ang hinihintay n'yo? Mention your friends na! πŸ’₯🀩

Do not forget to like and follow our page. Link Below!! πŸ‘‡πŸ»πŸ‘‡πŸ»

πŸ”—https://www.facebook.com/profile.php?id=100095286600418

Kalusugan ay pahalagahan at ingatan, mga kabataan, kami'y inyong samahan! 🀩Witty ka ba and creative at the same time? Ba...
25/07/2023

Kalusugan ay pahalagahan at ingatan, mga kabataan, kami'y inyong samahan! 🀩

Witty ka ba and creative at the same time? Baka ikaw na ang hinahanap namin! Sumali at manalo ng 500 pesos cashπŸ’Έ para sa munting palaro na inihanda namin para sa inyo kaugnay ng ating paggunita sa ika-49 na Buwan ng Nutrisyon!✨

Tingnan ang bawat larawan para sa requirements, mechanics, criteria, at syempre, ang pa-premyo!πŸ˜‰
Halina at makisaya kasama ang mga Kabataan ng Bagbaguin!

Ps: Ang mga entries ay tatanggapin hanggang July 29 at July 31 naman po ia-announce ang mananaloπŸ€©πŸ’Έβœ¨






FB PAGE🫰: https://www.facebook.com/profile.php?id=100095286600418

Caption & PubMat: Arisa Marielle

49th Nutrition Month: Healthy Diet, Gawing Affordable for All! ❀️✨Kaugnay sa ika-49 na Buwan ng Nutrisyon sa Pilipinas n...
24/07/2023

49th Nutrition Month: Healthy Diet, Gawing Affordable for All! ❀️✨

Kaugnay sa ika-49 na Buwan ng Nutrisyon sa Pilipinas na may temang "Healthy Diet, Gawing (Make It) Affordable For All," aming isinusulong ang mga wastong gawi upang tayo ay manatiling malusog at maiwasan ang malnutrisyon.

Ayon sa National Nutrition Council (NNC), malnutrisyon ang isa sa mga problemang kinahaharap ng ating bansa. Kaya naman, dito pa lang sa ating minamahal na baranggay, isinusulong at pinahahalagahan natin ang tamang nutrisyon sapagkat isa ito sa ating mga karapatan bilang mamamayan.

Mga kasama, isang paalala na ang tamang nutrisyon ay hindi lamang tumutukoy sa pagkain ng mga wasto. Ito rin ay upang malaman natin ang mga paraan upang tayo ay makaiwas at malabanan ang mga sakit kagaya ng Hypertension (High Blood), Diabetes, iba't ibang klase ng Cancer, at marami pang iba.
Iyan ang mga impormasyong hatid sa inyo ng mga kabataang titindig kasama niyo dito sa Barangay Bagbaguin. Maging maalam at pahalagahan ang ating kalusugan! πŸ’ͺ🏻






https://pia.gov.ph/.../07/03/ph-celebrates-nutrition-month

PubMat: Arisa, Candice, and Jasmien
Caption: Arisa Marielle

Umaraw man o umulan, MARIOng palugaw!πŸ₯£βœ¨Noong Hunyo 11, 18, at 25, 2023 ay nagpamigay muli ang Team Mario ng libreng palu...
24/07/2023

Umaraw man o umulan, MARIOng palugaw!πŸ₯£βœ¨

Noong Hunyo 11, 18, at 25, 2023 ay nagpamigay muli ang Team Mario ng libreng palugaw sa Purok Pascual, Paso, Gitna, at Bunducan sa Brgy. Bagbaguin, Santa Maria, Bulacan.

Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap sa palugaw ng aming grupo. Kami ay lubos na nagagalak na sa payak na pamamaraan kayo ay aming napangiti. πŸ₯°β€οΈ

Itong ating libreng palugaw ay isinasagawa linggo-linggo. Kung kayo man po ay mayroong suhestiyon, rekomendasyon, o puna, maaari po kayong magmessage sa aming page dahil dito, MARIOnong kaming makinig at gumawa ng maayos na aksyon. βœ…

Kasangga natin sina:

Mario Estrella
Jose Mangalubnan Jr.
Ernesto Mendoza
Bernard Mongas
Edwin de Jesus
Reynaldo Eneria
Angelina Eneria
Jay Rodriguez
Arisa Marielle de Jesus
Candice Lumio
John Robert Gregorio
Rizzalyn Clacio

Photos credited to Ms. Rizzalyn, Ms. Candice, and Mr. Jay
Caption made by Ms. Arisa Marielle





Huli man daw ito'y maihahabol pa.πŸ₯³β€οΈAng amin pong samahan ay bumabati ng isang taas kamaong pagpupugay ng isang maligaya...
23/07/2023

Huli man daw ito'y maihahabol pa.πŸ₯³β€οΈ
Ang amin pong samahan ay bumabati ng isang taas kamaong pagpupugay ng isang maligayang pagtatapos sa isa sa napaka sipag at Student and hardworking na Sk Kagawad na si Arisa Marielle muli maligayang pagtatapos.πŸ‘©πŸ»β€πŸŽ“βœ¨

Arisa Marielle De Jesus
Bachelor of Science in Nursing
Bulacan State University
Batch 2023

Dean's Lister πŸ…
CUM LAUDEπŸ…

Address

Bagbaguin
Santa Maria
3022

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BBM - Bagbaguin Bagong Mukha: Tutulong, Titindig, Bagbaguin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share