16/08/2026
Isang Taos-Pusong Pasasalamat! ❤️🙏✌🏻
Isang taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng naging instrumento upang maging matagumpay at makabuluhan ang ating pagdiriwang para sa Ikatatlumpung Taon ng Kapistahan ni San Roque—tatlong dekada ng matatag na pananampalataya, pagkakaisa, at debosyon sa ating Mahal na Patrong San Roque.
Maraming-maraming salamat po sa Ama ng ating Bayan, ang ating minamahal na Mayor Jonjon JJV Villanueva, sa inyong napakagandang handog na banda na nagbigay saya, musika, at kulay sa ating pagdiriwang. Tunay pong malaking bagay ang inyong suporta at malasakit sa ating komunidad. Hindi po ito magiging posible kung hindi dahil sa inyo. 💙✌🏻🫡
Taos-puso rin po ang aming pasasalamat sa ating minamahal na Vice Mayor Atty. Sherwin N. Tugna para sa inyong handog na food packs para sa mga volunteers. 💙✌🏻🫡
Maraming salamat din po sa mga nagpamalas ng kanilang oras, pagod at talento—JCIM Tambubong Tambouriners, Kurt Dee, Sw****ka at higit sa lahat ang bandang Innercore—na naging dahilan upang maging matagumpay ang gawaing ito.
Maraming salamat din po sa mga Volunteers, Generous Sponsors, performers, mga kabataan, mga barangay officials sa pangunguna ni Kap. Boyet Castillo, BPSO, BHW, LLN/ML, mga kawani, SPPC San Roque, 2026 Fiesta Committee, Team Boyet, Team Kat at sa bawat isa na naglaan ng oras, pagod, talento, at suporta upang maging matagumpay ang gawaing ito.
Maraming salamat po sa naging tagapagdaloy ng programa, Ang Host ng Bayan—Juan Paulo Bautista, Lights and Sounds—Fox Angel Mobile, lalo’t higit sa lugar na pinagdausan, DepEd Tambubong Elementary School—School Head Ma’am Nilda Francisco, at District Supervisor Dr. Jonar C. David, EdD.
Higit sa lahat, maraming salamat sa ating Panginoon at sa ating Mahal na San Roque sa patuloy na paggabay, proteksyon, at pagpapala sa ating pamayanan. 🙏
Ang tagumpay ng pagdiriwang na ito ay tagumpay nating lahat. Tunay na kapag nagkakaisa ang isang komunidad, walang imposible.
Muli, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat! ❤️🙏
Mabuhay ang Barangay Tambubong!
Viva San Roque! Viva! 🎉🙏