Pastulan Festival - San Pascual, Batangas

Directions

Pastulan Festival - San Pascual, Batangas The Pastulan Festival is vibrant church-based celebration dedicated to Saint Paschal Baylon.

📣 𝐀𝐔𝐃𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐀𝐋𝐋!Due to the overwhelming number of inquiries of those who expressed interest in joining, we will be holdi...
26/09/2026

📣 𝐀𝐔𝐃𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐀𝐋𝐋!

Due to the overwhelming number of inquiries of those who expressed interest in joining, we will be holding another audition for dancers who wish to be part of the group that will represent the Municipality of San Pascual at the Ala-E! Festival 2026.

💃 𝐃𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐀𝐮𝐝𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧
📅 𝐒𝐞𝐩𝐭𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟕 (𝐒𝐮𝐧𝐝𝐚𝐲)
⏰ 𝟒:𝟎𝟎 𝐏𝐌
📍 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐆𝐲𝐦

📌 REGISTER HERE:
https://forms.gle/jrfQAeMhmdqw4UxY9

See you at the audition!

29/08/2026

Sa darating na November 21–25, 2026, buong kagalakan nating tatanggapin sa ating parokya ang pagdalaw ng Poong Nuestro Padre Jesús Nazareno para sa isang panahon ng pananalangin, pagbabalik-loob, at sama-samang paglalakbay sa pananampalataya.

Ang Dalaw Nazareno ay hindi lamang pagbisita ng isang banal na larawan kundi, ito ay isang paanyaya sa bawat pamilya at bawat mananampalataya na muling lumapit kay Kristo, yakapin ang ating krus, at matutong maglakbay kasama ang isa't isa bilang isang pamayanang may iisang pananampalataya at misyon.

Sa bawat hakbang, may krus. Sa bawat krus, may pag-asa. Sa bawat paglalakbay, kasama natin ang Poong Nazareno.

VIVA MAHAL NA POONG NAZARENO!!!

29/08/2026

Ang buong Parokya ni San Pascual Baylon ay lubos na nakikiramay sa Dela Cruz Family sa pagpanaw ni Bro. Demetrio “Demy” S. Dela Cruz.

Kilala sa Parokya bilang BRO. DEMY. Nagsimulang maglingkod sa Parokya bilang Instituted Lay Minister-Batch 2 taong 1989 at naging Parish Pastoral Council President simula 2004 hanggang 2019. Sa kabuuan ay 30 taon siyang nag alay ng kanyang sarili sa Diyos upang makapaglingkod sa Misa at sa buong Parokya ni San Pascual Baylon.

Sa loob ng maraming taon, buong katapatan niyang inialay ang kanyang panahon, lakas, talento, at pananampalataya sa paglilingkod sa Diyos at sa ating Parokya. Hindi lamang sa pamamagitan ng mga salita, kundi higit sa lahat sa pamamagitan ng kanyang halimbawa, ipinakita niya kung ano ang tunay na kahulugan ng pagiging isang lingkod, mapagkumbaba, matapat, at laging handang tumugon sa pangangailangan ng pamayanang kanyang minahal at pinaglingkuran.

Sa oras ng pamamaalam, hindi lamang lungkot ang aming nadarama kundi malalim na pasasalamat. Salamat sa iyong buhay. Salamat sa iyong paglilingkod. Salamat sa iyong katapatan sa Simbahan. Salamat sa pagiging bahagi ng kuwento at paglalakbay ng ating Parokya.

Nawa'y tanggapin ka ng ating Panginoong Hesukristo sa Kanyang walang hanggang kaharian at ipagkaloob sa iyo ang gantimpala ng isang tapat na lingkod.

“Magaling, mabuti at tapat na lingkod. Pumasok ka at makibahagi sa kagalakan ng iyong Panginoon.”—Mateo 25:21

Mula sa buong Parokya ni San Pascual Baylon, maraming salamat sa iyong buhay at paglilingkod.

Paalam, aming kapatid at kapwa lingkod.
Ang iyong misyon ay nagpatuloy sa amin; ang iyong alaala ay mananatili sa aming mga puso.

Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa. Amen.

28/06/2026
VIVA LA VIRGEN!!
28/06/2026

VIVA LA VIRGEN!!

May mga biyayang dumarating sa ating buhay na hindi lamang nakikita ng ating mga mata kundi higit na nararamdaman ng ating puso.

At sa isang pambihirang pagkakataon, isang malaking biyaya sa ating Parokya na tayo ay muling dadalawin ng MAHAL NA BIRHEN NG MANAOAG, ang ating mapagmahal na Ina na walang sawang umaakay sa kanyang mga anak patungo sa kanyang Anak na si Hesukristo.

Sa kanyang pagdating, bitbit niya ang mensahe ng pag-asa sa mga nawawalan ng lakas, kapayapaan sa mga pusong nababagabag, kagalingan sa mga may karamdaman, at pagmamahal sa bawat pamilyang patuloy na nananalig sa Diyos. Ang kanyang presensya ay paalala na hindi tayo kailanman nag-iisa sa ating paglalakbay sa buhay, sapagkat ang isang Ina ay laging nagmamalasakit at nananalangin para sa kanyang mga anak.

Kaya naman, sa darating na August 8 ay sama-sama nating salubungin sa ating Parokya ang pagdating ng Mahal na Birhen ng Manaoag sa ganap na 4:00 ng hapon.

Halina't sama-sama nating ipagkatiwala sa kanyang mapag-arugang puso ang ating mga panalangin, mga pangarap, mga pasanin, at mga pasasalamat. Lumapit tayo nang may pananampalataya, sapagkat sa bawat panalangin na iniaakyat sa pamamagitan ng ating Mahal na Ina, tayo ay higit na inilalapit kay Hesus.

VIVA LA VIRGEN!

𝐏𝐎𝐒𝐓-𝐅𝐄𝐒𝐓𝐈𝐕𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐈𝐓𝐓𝐄𝐄 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆, 𝐄𝐕𝐀𝐋𝐔𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐀𝐍𝐃 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐒𝐒𝐌𝐄𝐍𝐓!Sa pagtatapos ng masasya at makulay na pagdiriwang ng  , aga...
22/05/2026

𝐏𝐎𝐒𝐓-𝐅𝐄𝐒𝐓𝐈𝐕𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐈𝐓𝐓𝐄𝐄 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆, 𝐄𝐕𝐀𝐋𝐔𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐀𝐍𝐃 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐒𝐒𝐌𝐄𝐍𝐓!

Sa pagtatapos ng masasya at makulay na pagdiriwang ng , agad na nagsagawa ng Post-Festival Committee Meeting, Evaluation, and Assessment ang mga miyembro ng kumitiba ng naturang pagdiriwang, ngayong araw ng Biyernes, ika-22 ng Mayo, 2026.

Dito'y nagkaroon ng masidhi at makabuluhang talakayan ang mga kasapi ng kumite, kung saan tampok ang mga naging kaganapan at mga magiging hakbangin ng parokya, lokal na pamahalaan at ng Core Pastulan Committee para sa mas ikaka-ayos at ikaka-ganda ng Pastulan Festival sa mga susunod pang mga taon hindi lamang sa Parokya ni San Pascual Baylon, manapa'y sa buong Bayan ng San Pascual.

Ang pagpupulong ay naisakatuparan sa pangunguna ni Bro. Rainier I. Dacut, Chairman ng Pastulan Festival Committee. at sa pag-gabay ni Bro. Dr. Sergel I. Dacut, Coordinator, Parish Pastoral Council ng Parokya ni San Pascual Baylon.



19/05/2026

𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝑷𝒂𝒔𝒕𝒖𝒍𝒂𝒏 𝑭𝒆𝒔𝒕𝒊𝒗𝒂𝒍 𝑯𝒂𝒏𝒈𝒐𝒗𝒆𝒓 𝒂𝒉𝒆𝒂𝒅! ⚡🎭

Kahit naka-pikit ka’na… naririnig mo pa rin ang tugtog ng Pastulan, kaya’t mapapaindak ka na naman.

Let’s relive the energy, colors, and pride of Pastulan Festival 2026! 💃
Kaya naman halina! Sama-sama nating balikan muli ang pinakamakulay na selebrasyon ng taon bilang mga Parokyano ni San Pascual Baylon!

Lagi’t lagi, mananatili:
P A N A T A , P U S O , A T P A N A N A M P A L A T A Y A !



18/05/2026

Narito ang ilan sa mga naging kaganapan sa ating masaya at makulay na pagdiriwang ng

VIVA SAN PASCUAL BAYLON, VIVA!

17/05/2026

𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎 𝐍𝐈Ñ𝐎
Pastulan Festival full performance 2026

Sa bawat kumpas at galaw, ang sayaw ay nagiging isang panalangin—isang alay mula sa puso at kaluluwa, na nag-uugnay sa nakaraan at kasalukuyan, at nagpapatibay sa ating pagkakaisa bilang isang komunidad ni San Pascual Baylon na may matatag at nag-iisang pananampalataya.



𝐌𝐔𝐓𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐓𝐔𝐋𝐀𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟔𝘽𝘽. 𝙈𝙄𝘾𝙃 𝙍𝙃𝘼𝙄𝙉𝙀 𝙎. 𝘾𝘼𝙍𝘿𝙀𝙉𝘼𝙎Barangay Santo NiñoAng “Mutya ng Pastulan Festival” ay hindi lamang sim...
17/05/2026

𝐌𝐔𝐓𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐓𝐔𝐋𝐀𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟔

𝘽𝘽. 𝙈𝙄𝘾𝙃 𝙍𝙃𝘼𝙄𝙉𝙀 𝙎. 𝘾𝘼𝙍𝘿𝙀𝙉𝘼𝙎
Barangay Santo Niño

Ang “Mutya ng Pastulan Festival” ay hindi lamang simbolo ng kagandahan at grasya, ito ay isang huwaran ng paggalang, kababaang-loob, at tunay na kumakatawan sa diwa ng paglilingkod bilang isang tapat na taga-pastol ni San Pascual.



Address

Parish Of San Pascual Baylon
San Pascual

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pastulan Festival - San Pascual, Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby non profit organizations