Lgbtqia+ Lantad BAUAN Chapter

Lgbtqia+ Lantad BAUAN Chapter LGBTQIA+ LANTAD β€” BAUAN CHAPTER πŸ³οΈβ€πŸŒˆ

🌈 Makabuluhan at May PaninindiganAng pag-ibig ay walang pinipiling kulay, anyo, o espasyo. Ngayong Pride Month, ipinagdi...
01/06/2026

🌈 Makabuluhan at May Paninindigan

Ang pag-ibig ay walang pinipiling kulay, anyo, o espasyo. Ngayong Pride Month, ipinagdiriwang natin ang tapang ng bawat isa na mamuhay nang totoo, malaya, at may dangal. Ang ating pag-iral ay patuloy na laban para sa pagkakapantay-pantay.

Happy Pride! β€οΈπŸ§‘πŸ’›πŸ’šπŸ’™πŸ’œ

01/06/2026

MALIGAYANG BUWAN NG PRIDE, LOVERS! πŸ³οΈβ€πŸŒˆπŸŒˆ

Kulayan natin ang mundo ng pagmamahal, pagtanggap, at pakikiisa.

Hindi lamang nasusukat ang pride sa kulay, kundi sa paglaban din natin sa ating karapatan. Patuloy tayong manawagan para sa sapat at pantay na proteksyon sa ating komunidad.

Mabuhay ka, bakla!


28/05/2026
APRIL 03, 2026 PAGMAMAHAL NA WALANG PINIPILI, MALASAKIT NA WALANG NATATANGI. πŸ³οΈβ€πŸŒˆβœ¨Nitong nakaraang Holy Week, nakiisa an...
26/05/2026

APRIL 03, 2026

PAGMAMAHAL NA WALANG PINIPILI, MALASAKIT NA WALANG NATATANGI. πŸ³οΈβ€πŸŒˆβœ¨

Nitong nakaraang Holy Week, nakiisa ang ating LGBTQIA+ community sa pag-alalay sa mga deboto at mananampalataya sa pamamagitan ng pamimigay ng π₯π’π›π«πžπ§π  𝐛𝐨𝐭𝐭π₯𝐞𝐝 𝐰𝐚𝐭𝐞𝐫. Sa gitna ng tindi ng init at haba ng lakarin, ninais naming maging katuwang sa kanilang sakripisyo at panata.

Ang paggawa ng mabuti at pagpapakita ng bayanihan ay walang pinipiling kasarian o paniniwala. Isang patunay na kapag puso ang nag-usap, iisa lang ang ating layuninβ€”ang magsilbi sa kapwa.

MARCH 26, 2026 Isang makasaysayang panimula para sa ating komunidad! πŸ³οΈβ€πŸŒˆβœ¨Matagumpay na nagtipon-tipon ang mga bagong mu...
26/05/2026

MARCH 26, 2026

Isang makasaysayang panimula para sa ating komunidad! πŸ³οΈβ€πŸŒˆβœ¨

Matagumpay na nagtipon-tipon ang mga bagong mukha at lider ng LGBTQIA+ sa Bayan ng Bauan na pinangunahan ni Hon. Kevin "Pillar" Andrada Erigbuagas LPT, upang talakayin ang mga parating na proyekto, makukulay na plano para sa Pride March, at mga aktibidad na magsusulong ng tunay na inklusyon para sa lahat.

Hindi lang ito tungkol sa selebrasyon; ito ay tungkol sa ating karapatan, boses, at puwang sa lipunan bilang mga mamamayan ng Bauan.

Abangan ang mga susunod nating kaganapan! Sama-sama nating ipaglaban ang pag-ibig at pagkakapantay-pantay. πŸ’–πŸŒˆ

19/05/2026

🌈 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐒𝐨𝐧𝐚π₯ πƒπšπ² π€π πšπ’π§π¬π­ π‡π¨π¦π¨π©π‘π¨π›π’πš, ππ’π©π‘π¨π›π’πš, 𝐚𝐧𝐝 π“π«πšπ§π¬π©π‘π¨π›π’πš 🌈

Ngayong International Day Against Homophobia, Biphobia, and Transphobia (IDAHOBIT), sama-sama nating ipaalala sa bawat isa na ang pagmamahal, paggalang, at pagtanggap ay karapatan ng lahat.

Sa mundong puno ng paghuhusga at diskriminasyon, patuloy tayong maninindigan para sa ligtas at inklusibong komunidad para sa bawat LGBTQIA+ na indibidwal.

Mahalaga ka. Naririnig ka. Tinatanggap ka. ✨

Patuloy tayong magwagayway para sa pagkakapantay-pantay, dignidad, at pagmamahal na walang kondisyon.

15/05/2026
15/05/2026

Address

BAUAN BATANGAS
Bauan
4201

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lgbtqia+ Lantad BAUAN Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share