12/08/2026
"Ang pagtulong ay walang katumbas na halaga, ngunit ang malasakit sa ating pansamantalang tahanan ay sana'y magkusa."๐๐
Bukas-palad naming binuksan ang pintuan ng aming paaralan upang magbigay ng kanlungan at kaligtasan sa ating mga kababayan sa gitna ng sakuna. Gayunpaman, pakiusap po sa ating mga mahal na evacuees: sana po ay panatilihin din natin ang kalinisan at kaayusan ng ating mga silid-aralan.๐
Ang hindi pag-aayos ng mga upuan, pag-iwan ng kalat, at ang dumi ng mga alagang hayop kasama ang mabahong amoy nito ay hindi lamang nagdudulot ng perwisyo, kundi nagiging sanhi rin ng kawalan ng kalinisan para sa mga mag-aaral na babalik sa klase. ๐
Ang totoong bayanihan ay hindi lang nagtatapos sa pagtanggap ng tulongโkasama rito ang pagrespeto sa lugar na kumalinga sa atin. ๐๐