29/09/2025
[SHARE] ๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ก๐๐ง, ๐๐๐ง ๐๐๐๐๐๐ฅ ๐๐ซ๐ค๐๐ง๐ ๐ก๐๐ฅ!
Panalangin kay San Rafael Arkanghel:
Dakilang Arkanghel San Rafael, tagapatnubay ng aming sambayanan. Hinirang ka ng Ama upang maghatid ng kagalingan sa lahat ng taong may karamdaman. Ikaw rin ang nagsisilbing gabay namin sa patuloy naming paglalakbay sa buhay sa araw-araw.
Kami ay dumudulog sa iyo na tulungan mo kaming iadya laban sa anumang sakit. Tunghayan mo kami San Rafael, bigyan mo kami ng proteksiyon at kagalingan.
Ipinapanalangin namin ang palagiang mabuting kalusugan ng aming katawan, isip, at kaluluwa. San Rafael Arkanghel aming gabay, araw-araw naming kinakaharap ang ibaโt-ibang suliranin sa buhay. Sa iyong tulong dakilang arkanghel San Rafael, nawaโy ang aming pagmamahal at pagpapakita ng malasakit ay makatulong sa munting paraan upang maibsan ang hirap na aming nararanasan.
Nagsusumamo din kami sa iyo na gabayan kami tuwina sa aming bawat hakbang upang kami ay manatiling nakakapit sa pag-asa at pananampalataya sa mapagmahal at mapagkalingang Ama. Itinataas namin sa iyo ang aming bawat tahanan, buklurin mo ng pag-ibig ang lahat ng mag-asawa, panumbalikin ang ugnayang nakakaranas ng ibaโt-ibang alon ng buhay, yakapin mo ang bawat pamilya nang sa gayon ay manatili kaming matatag at naka-ugat sa pag-ibig na nagmumula sa Ama.
Sa iyong tulong at paggabay, pawiin mo ang aming pag-aalinlangan dulot ng aming kapalaluan at makamundong hangarin. San Rafael, ihandog mo sa Diyos Ama ang nilalaman ng aming mga puso, ang aming mga kahilingan. Ang lahat ng ito ay aming itinataas sa ngalan ng kanyang bugtong na anak na si Hesus, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.
San Rafael Arkanghel, Ipanalangin mo kami.
๐๐ข๐ฏ๐, ๐๐๐ง ๐๐๐๐๐ฅ! ๐๐ข๐ฏ๐!
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ก๐๐ง, ๐๐๐ง ๐๐๐๐๐๐ฅ ๐๐ซ๐ค๐๐ง๐ ๐ก๐๐ฅ!