23/09/2026
Sa pakikipag-ugnayan sa Caritas Pasig - Social Services and Development Ministry ng Tanging Yaman Foundation (TYF), nag-pick up ng 100kg ng sayote at 100kg ng carrots noong Setyembre 19, 2026 (Sabado) ang Sto. Nino de Taguig Parish - North Signal Village, Taguig City.
104 pamilya mula 6 na barangay sa Taguig City (North Signal, Central Signal, South Signal, Katuparan, Hagonoy at Upper Bicutan) ang nabigyan ng gulay packs noong Setyembre 21, 2026 (Lunes).
Maraming salamat po sa ating donor - ang TYF. Gayundin, sa mga parish personnel at volunteers na tumulong sa distribusyon ng gulay packs.