SILP - Ministry on Social Action, Human Development, and Caritas

Directions

SILP - Ministry on Social Action, Human Development, and Caritas This is the Official Page for the Ministry on Social Action of San Isidro Labrador Parish from San Guillermo, Morong, Rizal under Diocese of Antipolo.

09/05/2026

“𝑻𝒉𝒆 𝒍𝒐𝒗𝒆𝒍𝒊𝒆𝒔𝒕 𝒎𝒂𝒔𝒕𝒆𝒓𝒑𝒊𝒆𝒄𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑯𝒆𝒂𝒓𝒕 𝒐𝒇 𝑮𝒐𝒅 𝒊𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝑯𝒆𝒂𝒓𝒕 𝒐𝒇 𝒂 𝑴𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓..”
~ 𝑺𝒂𝒊𝒏𝒕 𝑻𝒉𝒆𝒓𝒆𝒔𝒆 𝒐𝒇 𝑳𝒊𝒔𝒊𝒆𝒖𝒙

𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐌𝐎𝐓𝐇𝐄𝐑𝐒 𝐃𝐀𝐘 𝐓𝐎 𝐀𝐋𝐋!
Isang malugod na pagbati ang nais iparating ng Parokya ng Santa Maria Peregrina sa lahat ng mga Nanay at mga Nagpapaka-Nanay!

Isama natin lagi sa ating panalangin ang mga nagsisilbing 𝑰𝒍𝒂𝒘 𝒏𝒈 𝑻𝒂𝒉𝒂𝒏𝒂𝒏.
Sa tulong at gabay ng ating Inang ka-Manlalakbay, Birheng Peregrina, ay maging tunay na halimbawa nawa upang laging mamuhay ang ating mga Ina na may katatagan, kalakasan, pagmamahal, at walang hanggang pananampalataya sa Diyos upang magabayan ang mga Kawan ng Diyos sa tamang daan papunta sa Kanyang kaharian.

𝑆𝑎𝑛𝑡𝑎 𝑀𝑎𝑟𝑖𝑎 𝑃𝑒𝑟𝑒𝑔𝑟𝑖𝑛𝑎, 𝑘𝑎-𝑀𝑎𝑛𝑙𝑎𝑙𝑎𝑘𝑏𝑎𝑦,
𝐼𝑝𝑎𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑘𝑎𝑚𝑖.

04/05/2026

𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟓 𝐥 𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐈𝐍𝐀 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐀𝐘𝐀𝐏𝐀𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐁𝐔𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐀𝐋𝐀𝐊𝐁𝐀𝐘

Ang 𝐍𝐔𝐄𝐒𝐓𝐑𝐀 𝐒𝐄𝐍̃𝐎𝐑𝐀 𝐃𝐄 𝐋𝐀 𝐏𝐀𝐙 𝐘 𝐁𝐔𝐄𝐍 𝐕𝐈𝐀𝐉𝐄 ay tinaguriang 𝐵𝑖𝑟ℎ𝑒𝑛 𝑛𝑔 𝐴𝑛𝑡𝑖𝑝𝑜𝑙𝑜, ang Patrona ng buong Diyosesis ng Antipolo.
Ipinagdiriwang ang kanyang Kapistahan tuwing ika-Unang Martes ng Buwan ng Mayo at ngayong Taon 2026 ay ipinagdiriwang din natin ang kanyang ika-400 na Taong Anibersaryo ng Pagdating sa ating Diyosesis.

Kilala ang Mahal na Ina bilang 𝑀𝑎𝑝𝑎𝑔ℎ𝑖𝑚𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝐵𝑖𝑟ℎ𝑒𝑛 dahil sa kanyang tulong at gabay sa kanyang mga Anak. Siya ang nagsisilbing kanlungan ng mga taong walang masumpungan at nahihirapan sa buhay. Siya ang nagiging ilaw sa mga madilim na landas na tinatahak ng mga mananampalataya patungo kay Kristo.

Nawa sa pagdiriwang natin sa Dakilang Kapistahan ng Mahal na Ina ay matularan natin ang kanyang walang sawang pagtugon sa mga utos ng Panginoon. Ipanalangin natin lagi ang kanyang patnubay upang tahakin natin ang mabuting landas patungo sa kanyang minamahal na Anak.

Mahal na Birhen ng Antipolo,
ipanalangin mo kami.

12/04/2026

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃

Nais po naming ipaalam sa lahat na may mga ilang taong 𝐆𝐔𝐌𝐀𝐆𝐀𝐌𝐈𝐓 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐅𝐑. 𝐑𝐀𝐒𝐄𝐋 para 𝐌𝐀𝐍𝐋𝐎𝐊𝐎 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐍𝐆-𝐒𝐂𝐀𝐌 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐎.

Mariin pong ipinapaalala sa lahat na si 𝐅𝐑. 𝐑𝐀𝐒𝐄𝐋 ay 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐀𝐀𝐁𝐈𝐒𝐔𝐇𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐎 𝐔𝐏𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐍𝐆𝐇𝐈𝐍𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐏𝐄𝐑𝐀, 𝐑𝐄𝐆𝐀𝐋𝐎, 𝐨 𝐓𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐍𝐒𝐈𝐘𝐀𝐋 𝐊𝐀𝐍𝐈𝐍𝐔𝐌𝐀𝐍 sa pamamagitan ng iba.

Inaabisuhan ang lahat na laging mag-ingat at maging mapanuri sa lahat ng pagkakataon.
Maraming salamat po.

21/03/2026
20/03/2026

𝐋𝐄𝐍𝐓𝐄𝐍 𝐅𝐎𝐑𝐌𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍
𝐼𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑙𝑎𝑙𝑎𝑘𝑏𝑎𝑦 𝑛𝑔 𝑝𝑢𝑠𝑜 𝑡𝑢𝑛𝑔𝑜 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑏𝑎𝑏𝑎𝑙𝑖𝑘-𝑙𝑜𝑜𝑏, 𝑝𝑎𝑛𝑎𝑛𝑎𝑚𝑝𝑎𝑙𝑎𝑡𝑎𝑦𝑎, 𝑎𝑡 𝑝𝑎𝑔-𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑦𝑜𝑠.

Pagbati ng Kapayapaan mga Peregrino!
Malugod pong inaanyayahan ang buong Sambayanan na makiisa sa ating 𝐋𝐄𝐍𝐓𝐄𝐍 𝐅𝐎𝐑𝐌𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍, sa darating na Linggo, 𝐌𝐚𝐫𝐬𝐨 𝟐𝟐, sa ganap na 𝐢𝐤𝐚-𝟐 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧 sa ating Simbahan. Ang paghuhubog na ito ay pangungunahan ng ating Kura Paroko, 𝐑𝐄𝐕. 𝐅𝐑. 𝐂𝐄𝐋𝐒𝐎 𝐁. 𝐁𝐀𝐆𝐀𝐁𝐀𝐋𝐃𝐎 𝐉𝐑., 𝐂𝐒𝐉𝐁𝐏.

Isang magandang panahon ng pagninilay at pagbabalik‑loob habang tayo ay naghahanda para sa pagdiriwang ng dakilang 𝐌𝐢𝐬𝐭𝐞𝐫𝐲𝐨 𝐏𝐚𝐬𝐤𝐮𝐰𝐚.
Sa liwanag ng Salita ng Diyos at turo ng Simbahan, tayo ay tinatawag na pag-ibayuhin ang ating pananampalataya, patatagin ang ating espiritu, at tanggapin ang biyaya ng tunay na pagbabagong‑buhay.

Nawa’y sa sama‑samang paglalim sa Misteryo ng Pasyón, Kamatayan, at Muling Pagkabuhay ng Panginoon, higit nating maunawaan ang lawak ng Kanyang pag‑ibig at maipadama ito sa ating pamilya, pamayanan, at buong Simbahan.
Nawa po ay makatugon ang lahat.

𝐁𝐀𝐒𝐈𝐂 𝐎𝐑𝐈𝐄𝐍𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐄𝐌𝐈𝐍𝐀𝐑 𝐎𝐍 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐖𝐎𝐑𝐊𝐒 (𝐁𝐎𝐒𝐒𝐀𝐖)Pagbati ng Kapayapaan mga Peregrino! Sa darating na Sabado, Mar...
08/03/2026

𝐁𝐀𝐒𝐈𝐂 𝐎𝐑𝐈𝐄𝐍𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐄𝐌𝐈𝐍𝐀𝐑 𝐎𝐍 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐖𝐎𝐑𝐊𝐒 (𝐁𝐎𝐒𝐒𝐀𝐖)

Pagbati ng Kapayapaan mga Peregrino!
Sa darating na Sabado, Marso 14, ay magkakaroon tayo ng 𝐁𝐀𝐒𝐈𝐂 𝐎𝐑𝐈𝐄𝐍𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐄𝐌𝐈𝐍𝐀𝐑 𝐎𝐍 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐖𝐎𝐑𝐊𝐒 (𝐁𝐎𝐒𝐒𝐀𝐖) sa ating Parokya, sa ganap na 𝐢𝐤𝐚-𝟖 𝐧𝐠 𝐮𝐦𝐚𝐠𝐚 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐤𝐚-𝟑 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧.

Ang mga inaasahang dumalo sa araw na ito ay lahat ng 𝐏𝐏𝐂 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫𝐬 at lahat ng mga 𝐏𝐚𝐫𝐢𝐬𝐡 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐞𝐫𝐬. Maaaring magdala lamang po ng sariling baon katulad ng snacks, tubig, at lunch.

Malugong pong inaanyayahan ang lahat na makiisa upang magkaroon tayo ng kaalaman sa mga tungkuling isinasagawa para sa pangangailangan ng ating Komunidad. Nawa po ay makatugon ang lahat. Maraming salamat po.

01/03/2026

𝐊𝐔𝐌𝐏𝐈𝐒𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍

Pagbati ng Kapayapaan mga Peregrino!
Bukas, Marso 2, ay magkakaroon po tayo ng 𝐊𝐔𝐌𝐏𝐈𝐒𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 sa ating Parokya.
Ito po ay sisimulan sa 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐌𝐈𝐒𝐀 sa ganap na 𝐢𝐤𝐚-𝟔 𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐛𝐢 at susundan ng 𝐊𝐔𝐌𝐏𝐈𝐒𝐀𝐋𝐀𝐍 sa ganap na 𝐢𝐤𝐚-𝟕 𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐛𝐢.

Malugod pong inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagtanggap ng Sakramentong ito. Gamitin natin ang oras na ito upang mapagnilayan at mapagsisihan ang ating mga nagawang kasalanan upang ganap tayong makapagbalik-loob sa Diyos.
Nawa po ay makatugon ang lahat.

23/02/2026

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃

𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩.
Nais po naming ipabatid sa lahat ng Parokyano na ang dating Seminarista na si 𝐁𝐑𝐎. 𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂 𝐀. 𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀𝐌𝐎𝐑 𝐉𝐑. ay 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐍𝐀 𝐏𝐎 𝐊𝐀𝐁𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆
sa 𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐄𝐆𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐒𝐀𝐈𝐍𝐓 𝐉𝐎𝐇𝐍 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐀𝐏𝐓𝐈𝐒𝐓 𝐏𝐑𝐄𝐂𝐔𝐑𝐒𝐎𝐑 at sa 𝐏𝐀𝐑𝐎𝐊𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 𝐏𝐄𝐑𝐄𝐆𝐑𝐈𝐍𝐀.

Anumang donasyon o transaksiyon ang naisagawa o naibigay sa kanya ninuman ay 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀𝐆𝐔𝐓𝐀𝐍 ng 𝐏𝐀𝐑𝐎𝐊𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 𝐏𝐄𝐑𝐄𝐆𝐑𝐈𝐍𝐀 at ng 𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐄𝐆𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐒𝐀𝐈𝐍𝐓 𝐉𝐎𝐇𝐍 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐀𝐏𝐓𝐈𝐒𝐓 𝐏𝐑𝐄𝐂𝐔𝐑𝐒𝐎𝐑.

Inaabisuhan po ang lahat na mag-ingat at maging mapanuri sa lahat ng nakikita o nababasa online. Kung may katanungan, dumulog po lamang sa ating page o sa Opisina ng ating Parokya.

20/02/2026

𝐏𝐑𝐀𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐇𝐄 𝐇𝐎𝐋𝐘 𝐑𝐎𝐒𝐀𝐑𝐘
(𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚 𝑺𝒂𝒕𝒖𝒓𝒅𝒂𝒚 𝒐𝒇 𝑳𝒆𝒏𝒕)

Pagbati ng Kapayapaan mga Peregrino!
Tuwing papasok ang Panahon ng Kuwaresma taon-taon ay nakagawian na natin sa ating Parokya ang tatlong mahahalagang gawain tuwing Huwebes, Biyernes, at Sabado bilang pagpapakita ng ating pagninilay, pananalangin, at pagsasakripisyo tanda ng pagbabalik-loob natin sa Amang nasa langit.

Malugod pong inaanyayahan ang lahat na makiisa para sa
𝐏𝐀𝐆𝐑𝐎𝐑𝐎𝐒𝐀𝐑𝐘𝐎 tuwing 𝐒𝐚𝐛𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐮𝐰𝐚𝐫𝐞𝐬𝐦𝐚 sa ganap na 𝐢𝐤𝐚-𝟓 𝐧𝐠 𝐮𝐦𝐚𝐠𝐚 at susundan ng 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐌𝐈𝐒𝐀 sa ganap na 𝐢𝐤𝐚-𝟔 𝐧𝐠 𝐮𝐦𝐚𝐠𝐚.

Sama-sama tayong magsakripisyo, magnilay, at manalangin upang mapatawad tayo sa ating mga nagagawang kasalanan.
Sa tulong ng panalangin ng ating Mahal na Birheng Peregrina, matularan nawa natin siya sa kanyang matibay na pananalig, pagtitiwala, at pagsunod ayon sa kalooban ng Ama.
Nawa po ay makatugon ang lahat.

Address

San Guillermo Morong, Rizal
Morong
1960

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SILP - Ministry on Social Action, Human Development, and Caritas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby non profit organizations