09/05/2026
Ang Araw ng mga Ina ay araw ng pagpaparangal sa mga ilaw ng tahanan o ng ating mga nanay. Ito rin ay araw ng pagpaparangal sa lahat ng nagsisilbing ina—maging ito man ay ang ating tunay na ina, lola, tiyahin, kapatid na babae, o sinumang nagbigay ng pagmamahal at pangangalaga na katulad ng sa isang ina.
Ipinapaalala nito sa lahat na ang pagiging ina ay isang dakilang tungkulin na may malaking bahagi sa paghubog ng mga tao at ng lipunan. Alam natin sa ating sarili na ang kanilang pagmamahal ay walang kapalit at walang hinihintay na gantimpala.