MMMHS-Outfit 445 Scouting Unit

MMMHS-Outfit 445 Scouting Unit MMMHS-Outfit 445 is the recognized scouting institution in Mariano Marcos Memorial High School.

MGA NATATANGING SCOUT NG TAON 2025/2026Bilang pagkilala sa inyong huwarang disiplina, kahusayan sa mga gawain at tapat n...
30/03/2026

MGA NATATANGING SCOUT NG TAON 2025/2026

Bilang pagkilala sa inyong huwarang disiplina, kahusayan sa mga gawain at tapat na paglilingkod sa ating OUTFIT 445

Ipinamalas ninyo ang mga katangiang dapat tularan ng bawat kabataang Iskawt LAGING HANDA SA ANUMANG HAMON NG BUHAY

• SCL Madrigal Zyen
• ASCL Salivio Frank Harry
• Scribe Maranan Alliyah Jermaine
• Quartermaster Directo John Jaylord

Sa sama-samang pagsisikap at pagkakaisa, mas lalo pang pinagtitibay ang diwa ng pagiging iskawt—laging handa, may dangal, at naglilingkod nang tapat.

Once a Scout Always a Scout

OUTFIT 445 BAGANI (2025-2026)


☝🏾

As we step into the new year, we carry our lessons and move forward together toward a new beginning.Entering 2026 with r...
31/12/2025

As we step into the new year, we carry our lessons and move forward together toward a new beginning.

Entering 2026 with renewed hope and clear purpose, we look ahead with optimism and determination. We embrace every opportunity to grow, lead, and serve others in all that we do.
Guided by our values and commitment, we continue to live by the Scout Oath and Law.

Honored to stand together as part of the Scouting movement—here’s to fresh starts and new possibilities. ✨🎆

🖼️: Ivy Nicole Arandia

Bago tuluyang magwakas ang 2025, hindi namin hahayaang lumipas ang paggunita sa isang bayaning nag-alay ng buhay para sa...
31/12/2025

Bago tuluyang magwakas ang 2025, hindi namin hahayaang lumipas ang paggunita sa isang bayaning nag-alay ng buhay para sa kalayaan ng sambayanan.

Ang Scout ng Outfit 445–BAGANI at Circle 57–BAHAGHARI mula sa Mariano Marcos Memorial High School ay nakiisa sa ika-129 anibersaryo ng kamatayan ng ating magiting na bayani, Dr. Jose Rizal.

Pahabol man ang post, ang diwa ng kanyang sakripisyo ay mananatiling buhay sa puso ng bawat Scout at Pilipino



Happy Birthday, Ms. Ma. Josefina Bueno-Lunaa principal we are proud to follow and honor. Thank you for your unwavering l...
31/12/2025

Happy Birthday, Ms. Ma. Josefina Bueno-Luna
a principal we are proud to follow and honor.
Thank you for your unwavering leadership, dedication, and inspiration to our entire school community.



14/12/2025

S.Y. 2025-2026
OUTFIT YELL
BAGANI-445
ALPHA/BRAVO

Noong ika-12 ng Disyembre 2025, matagumpay na isinagawa ng Outfit 445–BAGANI ang Pagtatalaga 2025, isang makabuluhang pa...
14/12/2025

Noong ika-12 ng Disyembre 2025, matagumpay na isinagawa ng Outfit 445–BAGANI ang Pagtatalaga 2025, isang makabuluhang pagtitipon na hindi lamang nagdiwang ng pagsusuot ng uniporme, kundi ng sipag, dedikasyon, at mahabang paglalakbay ng bawat Scout.

Sa araw na ito, tayo ay nagtipon upang alalahanin ang mga maagang paggising para sa mga drill, ang pagharap sa mga hamon ng camping sa ilalim ng mga bituin, ang pagkatuto ng iba’t ibang kasanayan, at ang walang sawang pagtutulungan sa bawat gawain - mga karanasang humubog sa tapang, tiyaga, at malasakit ng aming mga Scout. Magkakasama tayong tumawa, humarap sa mga pagsubok, at nagdiwang sa bawat tagumpay na nakamit.

Ang programang ito ay pinangunahan ng aming Outfit Adviser na si Sir Amman Reyes, kasama ang mga masisipag na mag-aaral at pangunahing staff na sina Nicholas, Ellyza, Quintin, at Andria, gayundin ng mga opisyal ng outfit mula SCL, ASCL, Scribe, Treasurer, at Quartermaster.

Lubos din ang aming pasasalamat sa walang sawang suporta ng pamunuan ng paaralan na sina Bb. Josefina, Bb. Mary Anne, at G. Sonny, na patuloy na gumagabay at sumusuporta sa mga gawain ng kabataang Scout.

Taos-puso rin naming pinasasalamatan ang aming panauhing tagapagsalita na si G. John Lloyd Lebita, isang alumni at Rover Circle member mula sa Rover Circle Cardinals, sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman, karanasan, at inspirasyon sa aming mga Scout.

Ang Pagtatalaga 2025 ay naging pagdiriwang ng paglago, determinasyon, at mga alaala na patuloy na huhubog sa aming mga Scout bilang mga responsableng lider at mabubuting mamamayan.

Outfit 445–BAGANI





-QM R.

Isang pagpupugay at pag-alaala sa kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio, ang Ama ng Himagsikan! Hindi lang siya ang nagtatag...
29/11/2025

Isang pagpupugay at pag-alaala sa kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio, ang Ama ng Himagsikan! Hindi lang siya ang nagtatag ng Katipunan, siya rin ang nagtanim ng matinding pag-ibig sa kalayaan sa puso ng bawat Pilipino. Ang kanyang tapang at panawagan para sa kasarinlan ang nag-alab sa unang sigaw ng rebolusyon laban sa mananakop. ✊

Nawa'y magsilbing inspirasyon ang buhay ni Supremo sa ating lahat upang maging tapat at handang maglingkod sa ating Inang Bayan. Salamat, Bonifacio! Mabuhay ang kanyang diwa!✊


Address

Dr. M Carreon Street Sta Ana
Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MMMHS-Outfit 445 Scouting Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share