06/11/2026
📢🚨NEW: YouTube Playlist Updated!⤵️
👉 Watch here: https://youtube.com/playlist?list=PLnKnW7KH-_2xquzNe53MR3ulAcpx_vvZx&si=1BSLQi-js13v1-EB
___________
📖 Ang aklat na ito ay isa sa pinakamahahalagang sanggunian sa Aqeedah na naglalatag ng dalisay na paniniwala ng Ahlus-Sunnah wal-Jamā‘ah ukol sa Tawḥīd, mga Pangalan at Katangian (Asmā’ wa Ṣifāt) ng Allāh nang walang pagtatatwa (ta‘ṭīl) o paghahalintulad (tamthīl).
✨ Tampok sa mga Bagong Upload (Lessons 14 hanggang 17):
🔸 Lessons 14 & 15: Sifat Al-Mahabbah wal-Mawaddah
Paksa: إثبات محبة الله ومودته لأوليائه على ما يليق بجلاله (Pagpapatunay sa Pagmamahal at Pagmamalasakit ng Allāh para sa Kaniyang mga Minamahal sa Paraang Nababagay sa Kanya)
Dalīl mula sa Qur'ān: ﴿وَأَحْسِنُوا إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُحْسِنِينَ﴾ [البقرة : ١٩٥] ﴿فَسَوْفَ يَأْتِي اللَّهُ بِقَوْمٍ يُحِبُّهُمْ وَيُحِبُّونَهُ﴾ [المائدة : ٥٤] ﴿وَهُوَ الْغَفُورُ الْوَدُودُ﴾ [البروج : ١٤]
💡Aral: Tinalakay dito kung sino-sino ang mga pinararangalan ng pagmamahal ng Allāh—ang mga gumagawa ng kabutihan (al-muḥsinīn), may takot (al-muttaqīn), at nagpapadalisay (al-mutaṭahhirīn)—at ang kahulugan ng Kanyang Dakilang Pangalan na Al-Wadūd.
🔸 Lessons 16 & 17: Sifat Ar-Rida, Al-Ghadab, As-Sakhat, wal-Karahah
Paksa: ذكر رضا الله وغضبه وسخطه وكراهته في القرآن الكريم ، وأنه متصف بذلك (Pagpapatunay sa Pagkalugod, Galit, P**t, at Pagkamuhi ng Allāh sa Banal na Qur'ān)
Dalīl mula sa Qur'ān: ﴿رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمْ وَرَضُوا عَنْهُ﴾ [البينة : ٨] ﴿وَغَضِبَ اللَّهُ عَلَيْهِ وَلَعَنَهُ﴾ [النساء : ٩٣] ﴿فَلَمَّا آسَفُونَا انْتَقَمْنَا مِنْهُمْ﴾ [الزخرف : ٥٥] ﴿كَبُرَ مَقْتًا عِنْدَ اللَّهِ أَنْ تَقُولُوا مَا لَا تَفْعَلُونَ﴾ [الصف :
💡Aral: Pinatutunayan ang paninindigan ng Ahlus-Sunnah na ang Allāh ay tunay na nalulugod sa Kanyang mga tapat na alipin at nagagalit o namumuhi sa kasalanan, pagsuway, at pagkukunwari—sa paraang angkop sa Kanyang Kadakilaan nang walang maling pakahulugan (ta'wīl).
_________
🗣️ Lecturer: Dr. Farouk Abdulrashid 🏛️ Organized by: Al-Basheerah Society in collaboration with Rawdhatul Ma‘rifah
Huwag kalimutang mag-Like, mag-Share, at mag-Subscribe upang maging daan sa pagpapalaganap ng kapaki-pakinabang na kaalaman.