08/08/2026
๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Gusto kong maniwala
Gusto kong maniwala na may patutunguhan ang aking pagsisikap. Gusto kong maniwala na sa bawat daan na aking tinatahak, bawat pagsubok na aking hinaharap, at sa bawat pananalig na aking pinanghahawakanโmakakamtan ko ang ninanais ng aking puso.
Ngunit paano ko ito makakamtan sa mundong tila walang saysay ang sipag at tiyaga?
Pinalaki akong may matibay na paniniwalaโna makakamit ko ang lahat sa pamamagitan ng pagpupursige. Turo ng aking mga magulang, walang bagay na minamadali, lahat ito ay mayroong tamang proseso. Kaya sa bawat desisyon na aking ginagawa, minabuti kong mag-isip at tanungin ang aking sarili, โMay patutunguhan ba ito?โ
Baon-baon ang mga salita ng aking magulang, lakas-loob kong hinarap ang mundo. Ginugol ko ang aking sarili sa mga bagay na sa tingin ko ay makakatulong para sa akin. Nag-aral ako ng mabuti, tumanggap ng mga trabahong hindi ko naman gamay, at sinunod ang mga pamantayang itinakda ng lipunan. Lahat ng ito, para sa pag-asa na makamit ang aking pinapangarap.
Ngunit hindi ito sapat.
Namulat ako sa realidadโsalungat sa mga salita ng aking mga magulang. Sa mundong ito, hindi sapat ang paghihirap na aking tiniis at ang oras na aking inialay. Hindi ito naging sapat na dahilan upang ipagkaloob ng mundo ang aking mga hangad. Dahil sa mundong aking naranasan, tila kapangyarihan at pribilehiyo ang higit na nangingibabaw.
Gustuhin ko mang maniwala na balang araw ay masusuklian din ang aking pagsisikap, unti-unti ko nang nauunawaan na hindi pala umiikot ang mundo ayon sa sipag, tiyaga, o pananalig. May mga pangarap na naaabot dahil sa pagkakataon, may mga tagumpay na ipinagkakaloob ng kapangyarihan, at may mga taong kahit ibuhos ang lahat ay nananatiling naghihintay.
At marahil iyon ang pinakamabigat na aral na itinuro sa akin ng mundoโna hindi ang pagkawala ng pag-asa ang tunay na nakakatakot, kundi ang unti-unting pagkawala ng dahilan upang patuloy na maniwala.
Written by jiji
Illustration by Clifford Miro
---
For more details, visit our page: https://www.facebook.com/gaoctu?mibextid=ZbWKwL or email us at ๐ด๐ฎ๐ผ.๐ฐ๐ฒ๐ฏ๐๐๐ฒ๐ฐ๐ต@๐ด๐บ๐ฎ๐ถ๐น.๐ฐ๐ผ๐บ
You can also follow us on Instagram: https://www.instagram.com/gao_ctu?igsh=Y2ZzYzB6MWk5a29