Saint Anthony De Padua Casiguran, Aurora Youth Ministry

Call Directions

Saint Anthony De Padua Casiguran, Aurora Youth Ministry 𝚃𝙷𝙰𝚃 𝚆𝙴 𝙼𝙰𝚈 𝚂𝙴𝚁𝚅𝙴 𝙰𝙽𝙳 𝙽𝙾𝚃 𝚃𝙾 𝙱𝙴 𝚂𝙴𝚁𝚅𝙴𝙳.

PASTORAL VISIT 2026ISANG PAGDALAW, ISANG PAGPAPALA, ISANG PASTOL NA GUMAGABAY!
04/11/2026

PASTORAL VISIT 2026

ISANG PAGDALAW, ISANG PAGPAPALA, ISANG PASTOL NA GUMAGABAY!

PASTORAL VISIT 2026

ISANG PAGDALAW, ISANG PAGPAPALA, ISANG PASTOL NA GUMAGABAY!

Ang bawat pagdalaw ng ating pastol ay hindi lamang isang simpleng pagbisita, kundi isang paalala na hindi tayo nag-iisa sa ating paglalakbay bilang isang sambayanan ng Diyos.

Kaya naman, buong puso naming inaanyayahan ang bawat isa na makiisa at dumalo sa BISITANG PASTORAL ng ating mahal na Obispo,

MOST. REV. DAVE DEAN CAPUCAO, D.D.
Bishop – Prelature of Infanta

Nobyembre 14, 2026

Nawa’y maging makabuluhan at puno ng biyaya ang ating sama-samang pagtitipon. Ipakita natin ang ating pananampalataya, pagkakaisa, at mainit na pagtanggap sa ating mahal na Obispo.

Halina’t makiisa! Sama-sama nating salubungin ang ating pastol! ❤️🙏




✨ Isang Taos-Pusong Pasasalamat para sa Tagumpay ng ating Parade of Saints! ✨Matagumpay nating naisakatuparan ang ating ...
03/11/2026

✨ Isang Taos-Pusong Pasasalamat para sa Tagumpay ng ating Parade of Saints! ✨

Matagumpay nating naisakatuparan ang ating pagdiriwang na nagpakita ng buhay at inspirasyon mula sa ating mga mahal na santo. Puno ng biyaya at kagalakan ang araw pagdiriwang dahil sa inyong lahat!

Sa ating mga kabataang nakilahok at nagbihis bilang mga santo – Kahanga-hanga ang inyong ipinakitang sigla at dedikasyon sa pag-portray sa mga huwarang ito ng pananampalataya. Ang bawat larawan dito ay patunay na buhay ang mga aral ng kabanalan sa inyong henerasyon!

Sa lahat ng mga taong naging bahagi ng paghahanda – Sa bawat indibidwal na tumulong sa likod ng programa, hindi magiging posible ang tagumpay na ito kung wala ang inyong sakripisyo at pagtutulungan.

At higit sa lahat, sa ating paring lingkod, Rev. Fr. Ariel N. Loterte – Maraming salamat sa inyong patuloy na gabay, walang sawang suporta, at pagpapala upang maging ganap na makabuluhan ang ating aktibidad.

Nawa's patuloy tayong maging inspirasyon sa bawat isa at mamuhay ayon sa mga yapak ng kabanalan. Hanggang sa susunod nating mga gawain para sa Kalooban ng Diyos! 🙏💙

Part 2: PARADE OF SAINTS 2026🙏🙏
01/11/2026

Part 2: PARADE OF SAINTS 2026🙏🙏

WALK WITH THE SAINTS | PARADE OF SAINTS 2026 ✨Isang makabuluhan at makulay na pagdiriwang ng pananampalataya, kabanalan,...
01/11/2026

WALK WITH THE SAINTS | PARADE OF SAINTS 2026 ✨

Isang makabuluhan at makulay na pagdiriwang ng pananampalataya, kabanalan, at pagkakaisa!

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng kabataang nakiisa at buong-pusong nakibahagi sa ating Parade of Saints kahapon, Nobyembre 1, 2026. Maraming salamat din sa ating minamahal na Paring Lingkod, Rev. Fr. Ariel N. Loterte, sa kanyang paggabay at patuloy na suporta, gayundin sa mga magulang na naglaan ng panahon at nagpaunlak sa kanilang mga anak na maging bahagi ng makabuluhang gawaing ito.

Nawa'y hindi lamang natin isuot ang kasuotan ng mga banal, kundi higit sa lahat, tularan ang kanilang pananampalataya, kababaang-loob, pagmamahal, at paglilingkod sa kapwa.

Tandaan natin: "Ang pagiging banal ay hindi lamang para sa iilan; ito ay panawagan para sa ating lahat!"

Muli, maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng pagdiriwang na ito!

"Walk with the Saints. Live like the Saints. Be Saints!" 🙏




PAGTATAPOS NG BUWAN NG SANTO ROSARYO 🌹Sa pagtatapos ng ating pagdiriwang ng Buwan ng Santo Rosaryo, muling nagkaisa ang ...
01/11/2026

PAGTATAPOS NG BUWAN NG SANTO ROSARYO 🌹

Sa pagtatapos ng ating pagdiriwang ng Buwan ng Santo Rosaryo, muling nagkaisa ang mga kabataan ng San Antonio De Padua Youth Ministry, kasama ang MSK ng Barangay Cozo, sa sama-samang pagdarasal ng Santo Rosaryo bilang pagpupugay sa ating Mahal na Birheng Maria.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa Pamilya Vanzuela/Valdez sa kanilang bukas-palad na pagtanggap at pagpapatuloy sa mga kabataan upang maisagawa ang sama-samang pagdarasal ng Santo Rosaryo sa kanilang tahanan. Nawa'y gantimpalaan kayo ng Panginoon ng masaganang biyaya at patuloy na pagpapalain ang inyong pamilya.

Isang buwang puno ng panalangin, pagkakaisa, at pananampalataya. Nawa'y hindi matapos sa buwan ng Oktubre ang ating debosyon, kundi manatili itong buhay sa ating mga puso at maging bahagi ng ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Nagtatapos man ang Buwan ng Santo Rosaryo, hindi nagtatapos ang ating pananalig at pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng ating Mahal na Ina.




🌹 PAGTATAPOS NG BUWAN NG BANAL NA ROSARYO | DAWN ROSARY 2026Sa pagsikat ng bagong umaga, sama-sama nating itinaas ang at...
31/10/2026

🌹 PAGTATAPOS NG BUWAN NG BANAL NA ROSARYO | DAWN ROSARY 2026

Sa pagsikat ng bagong umaga, sama-sama nating itinaas ang ating mga panalangin sa pamamagitan ng "Dawn Rosary" bilang makabuluhang pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Banal na Rosaryo.

Sa pangunguna ng ating Paring Lingkod, Rev. Fr. Ariel N. Loterte, nakiisa sa panalanging ito ang ating mga kabataan, mga kasapi ng MSK, at mga church programs and mission partners.

Higit pa sa isang pagtatapos, ang pagtitipong ito ay isang paalala na ang pananalangin ng Santo Rosaryo ay hindi nagtatapos sa buwan ng Oktubre. Ito ay isang paanyaya na patuloy nating isabuhay ang pananampalataya, palalimin ang ating ugnayan kay Maria, at sundan ang halimbawa ni Hesus sa ating pang-araw-araw na buhay.

Nawa'y manatiling buhay sa bawat isa ang diwa ng Santo Rosaryo—isang panalanging nagbubuklod, nagpapalakas ng pananampalataya, at naglalapit sa atin sa Diyos.

Sa bawat butil ng Rosaryo, isang panalangin; sa bawat panalangin, isang hakbang palapit kay Kristo!

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng makabuluhang gawaing ito. Patuloy tayong maging isang pamayanang nagkakaisa sa panalangin at naglilingkod nang may pagmamahal.

Mahal na Ina ng Santo Rosaryo, ipanalangin mo kami! 🙏






IKA-26 ARAW | SANTO ROSARYO KASAMA ANG KABATAAN 🌹Patuloy nating iniaalay ang ating mga panalangin sa ating Mahal na Birh...
30/10/2026

IKA-26 ARAW | SANTO ROSARYO KASAMA ANG KABATAAN 🌹

Patuloy nating iniaalay ang ating mga panalangin sa ating Mahal na Birheng Maria ngayong Buwan ng Santo Rosaryo. Nawa'y manatiling matatag ang ating pananampalataya at patuloy tayong gabayan sa ating paglalakbay kasama si Kristo.

Lubos din ang aming pasasalamat sa Pamilya Tarnate sa kanilang bukas-palad na pagtanggap sa mga kabataan upang sama-samang idaos ang pagdarasal ng Santo Rosaryo sa kanilang tahanan. Nawa'y pagpalain kayo ng Panginoon ng masaganang biyaya, kapayapaan, at pagmamahalan.


IKA-25 ARAW | SANTO ROSARYO KASAMA ANG KABATAAN 🌹Patuloy ang ating debosyon sa Mahal na Birheng Maria ngayong Buwan ng S...
30/10/2026

IKA-25 ARAW | SANTO ROSARYO KASAMA ANG KABATAAN 🌹

Patuloy ang ating debosyon sa Mahal na Birheng Maria ngayong Buwan ng Santo Rosaryo. Sa bawat panalangin, nawa'y mas mapalalim ang ating pananampalataya at mas mapalapit tayo sa ating Panginoong Hesukristo.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa Pamilya Esteves, Pamilya Azarias, at Pamilya Vallejos sa kanilang bukas-palad na pagtanggap at pagpapatuloy sa mga kabataan sa kanilang mga tahanan upang sama-samang manalangin ng Santo Rosaryo.

Nawa'y gantimpalaan kayo ng Panginoon ng masaganang biyaya at patuloy na gabayan ang inyong mga pamilya.




IKA-24 ARAW | SANTO ROSARYO KASAMA ANG KABATAAN 🌹🙏Patuloy ang ating sama-samang pananalangin bilang pagpupugay sa ating ...
28/10/2026

IKA-24 ARAW | SANTO ROSARYO KASAMA ANG KABATAAN 🌹🙏
Patuloy ang ating sama-samang pananalangin bilang pagpupugay sa ating Mahal na Birheng Maria ngayong Buwan ng Santo Rosaryo. Nawa'y lalo pang tumibay ang ating pananampalataya at mapalapit tayo kay Hesukristo sa pamamagitan ng panalangin. ❤️
Lubos din ang aming pasasalamat sa Pamilya Roxas sa bukas-palad na pagtanggap sa mga kabataan upang sama-samang magdasal ng Santo Rosaryo sa kanilang tahanan. Nawa'y pagpalain kayo ng Panginoon ng kapayapaan, pagmamahalan, at masaganang biyaya.




🚨 𝗔𝗡𝗡𝗢𝗨𝗡𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧: 𝗥𝗘𝗦𝗖𝗛𝗘𝗗𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗙 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗗𝗘 𝗢𝗙 𝗦𝗔𝗜𝗡𝗧𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟲 🚨Mga kabataan ng Saint Anthony of Padua Parish!Ipinagbibigay-alam ...
28/10/2026

🚨 𝗔𝗡𝗡𝗢𝗨𝗡𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧: 𝗥𝗘𝗦𝗖𝗛𝗘𝗗𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗙 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗗𝗘 𝗢𝗙 𝗦𝗔𝗜𝗡𝗧𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟲 🚨

Mga kabataan ng Saint Anthony of Padua Parish!

Ipinagbibigay-alam sa lahat na ang ating Parade of Saints 2026 ay opisyal na inilipat at gaganapin sa 𝙉𝙤𝙗𝙮𝙚𝙢𝙗𝙧𝙚 𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝘼𝙧𝙖𝙬 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙤 / 𝙏𝙝𝙚 𝙁𝙚𝙖𝙨𝙩).

Kasabay nito, na-extend din ang deadline ng pagrehistro hanggang 𝙊𝙠𝙩𝙪𝙗𝙧𝙚 𝟑𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔, upang mabigyan pa ng pagkakataon ang iba na makasali!

(𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘥𝘦𝘵𝘢𝘭𝘺𝘦 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘥𝘪𝘳𝘪𝘸𝘢𝘯𝘨):
𝐏𝐀𝐑𝐀𝐃𝐄 𝐎𝐅 𝐒𝐀𝐈𝐍𝐓𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔 😇✨

Handa na ba kayong ipagdiwang ang kabanalan sa isang masaya at inspiradong paraan?

Inaanyayahan namin ang lahat ng kabataan na makibahagi at maging bahagi ng ating Parade of Saints! Isang pagkakataon ito upang kilalanin, pahalagahan, at pagnilayan ang buhay ng ating mga santo na nag-iwan ng magandang halimbawa ng pagmamahal at pananampalataya sa Diyos.

Sa halip na mga nakakatakot na costume tulad ng mga demonyo o halimaw ngayong Halloween, bakit hindi natin ipasuot sa ating mga kabataan ang mga kasuotan ng santo? Sa ganitong paraan, mas naiuukit natin sa kanilang mga puso ang mga aral ng kabanalan, liwanag, at pag-asa na ipinamalas ng ating mga Santo.

Bilang mga Kristiyano, ibinabalik natin ang tunay na kahulugan ng All Hallows' Eve—ang pagdiriwang ng liwanag, pag-asa, at kabanalan. Sa pamamagitan ng Parade of Saints, pinipili nating parangalan ang buhay ng mga santo na naglingkod sa Diyos sa halip na bigyang-buhay ang mga imahe ng kadiliman.

"𝘈𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘨 𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘯𝘭𝘪𝘣𝘶𝘵𝘢𝘯. 𝘈𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘮𝘶𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘮𝘢𝘯 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘢𝘥 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘥𝘪𝘭𝘪𝘮𝘢𝘯, 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘨 𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢getY." — 𝗝𝘂𝗮𝗻 𝟴:𝟭𝟮

📅 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗲𝘁𝗮𝗹𝘆𝗲 𝗻𝗮 𝗗𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗧𝗮𝗻𝗱𝗮𝗮𝗻:
• 𝗗𝗲𝗮𝗱𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗻𝗴 𝗥𝗲𝗵𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻: Oktubre 30, 2026 (Extended!) 📢
• 𝗖𝘂𝗹𝗺𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆 / 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗼 (𝗧𝗵𝗲 𝗙𝗲𝗮𝘀𝘁): Nobyembre 1, 2026 ⛪

⚠️ 𝗠𝗴𝗮 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮:
1. Siguraduhing angkop at disenteng kasuotan ng napiling santo ang isuot.
2. Ang bawat kalahok ay kinakailangang maghanda ng sariling sash na may nakasulat na pangalan ng santong kanilang gagayahin.
3. Inaasahan ang pagdalo sa orientation sa Oktubre 25, 2026 para sa mga mahalagang habilin at panuntunan.
4. Magparehistro nang maaga bago ang huling araw ng rehistrasyon sa Oktubre 28, 2026 upang maayos na maitala ang inyong partisipasyon.

📝 Maaari kayong magparehistro o magtanong sa mga sumusunod:
• Ariel Soriano
• Jovanny Vallejos
• Joshua Coralde
• Parish/Church Office
• Direct Message (DM): Maaari rin kayong direktang magpadala ng mensahe sa ating official page!

Kaya ano pa ang hinihintay mo? Mag-register na at makisaya kasama ang ating Youth Ministry! 𝙎𝙚𝙚 𝙮𝙤𝙪 𝙩𝙝𝙚𝙧𝙚!

Address

Baranggay 06
Casiguran
3204

Telephone

+639289247319

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Saint Anthony De Padua Casiguran, Aurora Youth Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby non profit organizations