12/06/2026
PAGPUPUGAY SA CANDELARIA PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS RETIRED TEACHERS AND EMPLOYEES ASSOCIATION!!
Naging matagumpay ang isinagawang Assembly ng Candelaria Public and Private Schools Retired Teachers and Employees Association noong ika-6 ng Hunyo, 2026, na ginanap sa Candle Light Events Place.
Ang pagtitipon ay naging mitsa ng mahahalagang talakayan para sa pagpapatatag ng samahan. Isa sa mga pangunahing agenda ay ang pag-aayos at pagrerebisa ng Constitution and By-Laws upang matiyak na magiging maayos at malinaw ang lahat ng mga polisiya at programang ipatutupad para sa kapakanan ng mga miyembro.
Bahagi rin ng aktibidad ang pagdaraos ng eleksyon para sa mga bagong opisyal ng asosasyon. Naging maayos, mapayapa, at puno ng pagkakaisa ang proseso ng pagboto ng mga miyembro.
Lubos ang pasasalamat ng CQPC sa lahat ng mga nakiisa at sumuporta upang maging matagumpay ang aktibidad na ito, lalong-lalo na sa mga miyembro mula sa QFPPRSTEA sa pangunguna ni Ma'am Amelita O. Balagtas, na naglaan ng kanilang panahon at aktibong nakilahok sa pagpupulong.
Ang buong assembly ay pinangunahan ng Candelaria Quezon People’s Council (CQPC), sa ilalim ng pamumuno ni Chairman Froilan Remo, upang masig**o ang maayos na daloy ng pagpupulong at pagkakaisa ng mga dumalong retiradong g**o at kawani.
Layunin ng CQPC na patuloy na magbigay ng suporta sa mga samahan sa ating bayan tungo sa isang mas organisado at inklusibong pamayanan.