Barkadahang Tapat

Barkadahang Tapat This is the Official FB Page of Barkadahang Tapat Inc.

Sa loob ng labing-isang taon, patuloy na pinagtitibay ng Barkadahang Tapat ang diwa ng pagkakaisa, paglilingkod, at tuna...
28/07/2026

Sa loob ng labing-isang taon, patuloy na pinagtitibay ng Barkadahang Tapat ang diwa ng pagkakaisa, paglilingkod, at tunay na malasakit sa komunidad.

Matagumpay na isinagawa ang Barkadahang Tapat 11th Year Anniversary Celebration, General Assembly, and Fellowship Day noong Hulyo 12, 2026 sa Candlelight Event Place, Masin Sur, Candelaria, Quezon.

Pinangunahan ni Chairperson Froilan Remo, kasama ang Board of Directors, ang General Assembly na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa 25 chapters, kabilang ang mga Chapter Heads at kanilang mga Sitio Leaders. Naging mahalagang bahagi ng programa ang pagtalakay sa mga naging accomplishments at aktibidad ng organisasyon mula Enero hanggang Hulyo 2026, gayundin ang paglalahad ng mga nakatakdang programa, proyekto, at gawain para sa nalalabing bahagi ng taon. Inilunsad din sa okasyong ito ang mga bagong programa ng Barkadahang Tapat na magsisilbing gabay sa patuloy na paglago at mas malawak na paglilingkod ng ating samahan.

Nagpapasalamat din tayo sa presensya at pakikiisa ng Candelaria Young Leaders Guild, Young Entertainers Society, Leodegario Diaz Boongaling Foundation, at Candelaria, Quezon People’s Council.

Lubos din ang aming pasasalamat sa ating mga kaibigan at tagasuporta na patuloy na naniniwala sa adhikain ng Barkadahang Tapat. Maraming salamat kina Vice Mayor Ireneo β€œBoyong” Boongaling, Konsehal Bebe Alcala, Konsehal Tolit Sulit, Konsehal Manny de Luna, ABC President Kap. Maning Ebora, Bokal Vinette Alcala, Vice Governor Third Alcala, higit sa lahat sa ating pilantropo - Tatay Luding Boongaling at sa iba pa pong nagpaabot ng kanilang suporta at pagbati sa ating samahan.

Sa lahat ng Chapter Officers, Sitio Leaders, volunteers, miyembro, at mga naging bahagi ng pagdiriwang na ito, taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyong oras, dedikasyon, at walang sawang paglilingkod.

Labing-isang taon na ang lumipas, ngunit mas marami pa tayong pangarap na sama-samang isusulong.

Maligayang Ika-11 Anibersaryo, Barkadahang Tapat!

Noong July 10 & 11 2026, matagumpay na naisagawa ang Barkadahang Tapat: Barangay Kamustahan 2026 sa mga Barangay ng Pahi...
13/07/2026

Noong July 10 & 11 2026, matagumpay na naisagawa ang Barkadahang Tapat: Barangay Kamustahan 2026 sa mga Barangay ng Pahinga Sur, Pahinga Norte, Mangilag Norte at Mayabobo.

Sa pangunguna ni Chairperson Kuya Froilan Remo, kasama ang ating mga Tapat Officers, personal nilang nakipagkamustahan at nakinig sa mga saloobin ng ating mga kababayan.

Layunin ng Barkadahang Tapat na mailapit ang samahan sa bawat barangay, maibahagi ang mga programa at adbokasiya, at higit sa lahat, mapakinggan ang mga boses, karanasan, at pangangailangan ng komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakiisa mula sa mga nabanggit na barangay. Taos-pusong pasasalamat din sa suporta ng mga Sangguniang Barangay sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad.

Tuloy-tuloy ang ating pag-iikot at pakikipagkamustahan sa iba pang barangay.


13/07/2026
Maligayang Kaarawan, Kuya Puroy Remo πŸ₯³Isang taos-pusong pagbati mula sa buong pamilya ng Barkadahang Tapat. Maraming sal...
13/07/2026

Maligayang Kaarawan, Kuya Puroy Remo πŸ₯³

Isang taos-pusong pagbati mula sa buong pamilya ng Barkadahang Tapat. Maraming salamat sa iyong inspiradong pamumuno bilang aming Founder at Chairperson. Ang iyong dedikasyon, malasakit, at walang sawang paglilingkod ang patuloy na nagbibigay-direksyon at inspirasyon sa bawat miyembro ng ating samahan.

Nawa’y patuloy kang pagpalain ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at mas marami pang taon ng makabuluhang paglilingkod. Hangad namin ang iyong kaligayahan, tagumpay, at patuloy na pag-abot ng iyong mga pangarap.

Maligayang Kaarawan, Kuya Puroy! Patuloy tayong magsama-sama sa pagtataguyod ng pagkakaisa, malasakit, at tunay na serbisyo sa kapwa.

Mula sa iyong Barkadahang Tapat Family. πŸ’™

π’ππ„π‚πˆπ€π‹ π‚πŽπ”ππ‚πˆπ‹ πŒπ„π„π“πˆππ† | Barkadahang TapatMatagumpay na naisagawa ng Barkadahang Tapat ang kanilang Special Council Mee...
06/07/2026

π’ππ„π‚πˆπ€π‹ π‚πŽπ”ππ‚πˆπ‹ πŒπ„π„π“πˆππ† | Barkadahang Tapat

Matagumpay na naisagawa ng Barkadahang Tapat ang kanilang Special Council Meeting noong Hunyo 28, 2026 sa Cafe 1878, Barangay Poblacion, Candelaria, Quezon, na dinaluhan ng mga Executive Committee Members, Board of Directors, at Chapter Heads ng organisasyon.

Sa nasabing pagpupulong, tinalakay at nirepaso ang mga accomplishment reports ng iba’t ibang programang matagumpay na naipatupad ng organisasyon, kabilang ang Barkadahang Tapat Kamustahan, Brigada Eskwela, Bente Pesos Movement, at iba pang mga proyekto na patuloy na naglilingkod sa komunidad.

Naging bahagi rin ng talakayan ang mga nakahanay na programa at aktibidad para sa mga susunod na buwan, kabilang ang inaabangang Bingo Bonanza, General Assembly, at iba pang mga proyektong naglalayong higit pang palakasin ang pagkakaisa, serbisyo, at adbokasiya ng Barkadahang Tapat.

Sa pangunguna ni Chairman Froilan Remo, kasama ang mga opisyal at lider ng bawat chapter, muling pinagtibay ng organisasyon ang kanilang dedikasyon sa patuloy na paglilingkod at paghahatid ng mga makabuluhang programa para sa komunidad.



Maligayang Kaarawan sa ating masipag na Katapat na si Nhoralita Mondragon, Chapter Head ng Brgy. Mangilag Norte! πŸ₯³πŸ’™Maram...
22/06/2026

Maligayang Kaarawan sa ating masipag na Katapat na si Nhoralita Mondragon, Chapter Head ng Brgy. Mangilag Norte! πŸ₯³πŸ’™

Maraming salamat sa iyong dedikasyon at tahimik pero matatag na pamumuno. Sana ay maramdaman mo kung gaano ka namin naa-appreciate at pinahahalagahan bilang bahagi ng ating samahan.

Hangad namin ang mabuting kalusugan, saya, at mas marami pang biyaya para sa iyo at sa iyong pamilya. Enjoy your special day! πŸŽ‚

Mula sa inyong Barkadahang Tapat Family πŸ’™

πŸŽ‰ 11 Years na ang Barkadahang Tapat! πŸŽ‰At gaya ng ating nakagisnan, muli nating ibinabalik ang inaabangang Bingo Bonanza ...
22/06/2026

πŸŽ‰ 11 Years na ang Barkadahang Tapat! πŸŽ‰

At gaya ng ating nakagisnan, muli nating ibinabalik ang inaabangang Bingo Bonanza bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-11 anibersaryo ng Barkadahang Tapat.

Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa, makisaya, at makibahagi sa masayang hapon na puno ng papremyo, pagkakaibigan, at bayanihan. Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta sa loob ng labing-isang taon.

🎱 Ang bingo cards ay maaaring mabili sa ating mga Tapat Officers sa kani-kanilang barangay o kaya naman ay sa mismong araw ng Bingo Bonanza. Pwede rin po kayong makabili sa ating CQPC Office po.

πŸ“… July 5, 2026 | 1:00 PM
πŸ“ Municipal Covered Court

Tara na at subukan ang inyong swerte! Kita-kits po tayo! πŸ’™β€οΈπŸ’›




Ang pagiging ama ay hindi lamang nasusukat sa pagbibigay ng pangangailangan, kundi sa pagmamahal, paggabay, at mga sakri...
21/06/2026

Ang pagiging ama ay hindi lamang nasusukat sa pagbibigay ng pangangailangan, kundi sa pagmamahal, paggabay, at mga sakripisyong ginagawa araw-araw para sa pamilya.

Sa lahat ng tatay, lolo, at mga nagsisilbing ama sa ating buhay, taos-puso po kaming bumabati ng Maligayang Araw ng mga Ama. Maraming salamat sa inyong dedikasyon, katatagan, at walang kondisyong pagmamahal.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at pagmamahal mula sa inyong mga mahal sa buhay. πŸ’™

Maligayang Father’s Day!

Noong May 21, 2026, matagumpay na naisagawa ang Barkadahang Tapat: Barangay Kamustahan 2026 sa Brgy. Malabanban Norte at...
17/06/2026

Noong May 21, 2026, matagumpay na naisagawa ang Barkadahang Tapat: Barangay Kamustahan 2026 sa Brgy. Malabanban Norte at Brgy. San Andres.

Sa pangunguna ni Chairperson Kuya Froilan Remo, kasama ang ating mga Tapat Officers, personal nilang nakipagkamustahan at nakinig sa mga saloobin ng ating mga kababayan.

Layunin ng Barkadahang Tapat na mailapit ang samahan sa bawat barangay, maibahagi ang mga programa at adbokasiya, at higit sa lahat, mapakinggan ang mga boses, karanasan, at pangangailangan ng komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakiisa mula sa mga nabanggit na barangay. Taos-pusong pasasalamat din sa suporta ng mga Sangguniang Barangay sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad.

Tuloy-tuloy ang ating pag-iikot at pakikipagkamustahan sa iba pang barangay.


Sa paggunita sa makasaysayang araw na ito, ating alalahanin ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan...
12/06/2026

Sa paggunita sa makasaysayang araw na ito, ating alalahanin ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan na ating tinatamasa ngayon. Nawa’y patuloy nating isabuhay ang diwa ng pagkakaisa, malasakit, at paglilingkod sa kapwa bilang mga responsableng mamamayan.

Sama-sama nating ipagdiwang ang kalayaan at pagmamahal sa ating bayan.

Mabuhay ang Pilipinas!

Maligayang ika-128 Araw ng Kalayaan!

Address

Candelaria

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barkadahang Tapat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share