16/11/2024
MAG-INGAT AT MAGING HANDA ⛈
Narito ang ilang mga paalala para mapaghandaan ang maaaring maging epekto ng bagyo.
1 ) Suriin ang paligid ng inyong tirahan kung mataas ang posibilidad ng pagbaha, pagguho ng lupa, o mabagsakan ng puno bunsod ng malalakas na hangin.
2 ) Alamin ang mga lokal na emergency hotline at evacuation center sa inyong lugar, kung sakaling kailanganing lumikas.
3 ) Ihanda ang first-aid kit at mga gamot na maaring magsilbing paunang lunas.
4 ) Mag-imbak ng sapat na pagkain tulad ng mga delata at tubig na inumin at panlinis kung sakaling magkaroon ng water interruption.
5 ) Siguruhing may sapat na baterya ang mga essential gadgets tulad ng cellphone, powerbank, at flashlight kung sakaling mawalan ng kuryente.
6 ) Manatili sa loob ng bahay o gusali sa kasagsagan ng paghagupit ng bagyo.
7 ) Siguruhing ligtas ang mga alagang hayop mula sa malakas na ulan, hangin, pagbaha, at iba pang mga peligro dulot ng bagyo.
8 ) Subaybayan ang mga pinakahuling detalye at updates mula sa mga opisyal na sources tulad ng PAGASA, NDRRMC, o mga verified news channels.
Ilang mga paalala mula sa , dahil angat ang bansa kapag handa sa sakuna.