28/09/2026
๐ฆ๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐น๐๐ต๐ฎ๐ป, ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ฏ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐๐๐ฒ๐ป๐๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ
Nakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pagdiriwang ng ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐
๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ ๐๐๐๐ค ngayong huling linggo ng Setyembre. Kaugnay nito, binibigyan ng halaga ngayong araw, ika-28 ng Setyembre 2026, ang ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐, na isang pagkakataon para sa bawat pamilya na maglaan ng oras para sa isaโt isa sa pamamagitan ng isang simpleng pagsasalo-salo.
Totoong maraming kailangang gawin at may mga responsibilidad na hindi maaaring ipagpaliban, ngunit kung may pagkakataon, subukang maglaan kahit isang araw o ilang sandali para sa ating mga mahal sa buhay. Sa isang simpleng sabayang pagkain, maaaring maibahagi ang mga kuwento ng buong araw, mapakinggan ang isaโt isa, at muling mapagtibay ang ugnayan ng mga magulang at mga anak.
Ang pamilya ay hindi lamang tahanan na ating inuuwian, kundi tahanan na nagbibigay ng tunay na pagmamahal, lakas, at sandigan. Tandaan, sa oras ng pangangailangan at karamdaman, pamilya ang laging nandiyan, handang umalalay, dumamay, at magmahal.