25/09/2025
๐ฃ๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ง ๐ก๐ ๐ ๐๐ฌ ๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ฃ: ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐ฟ๐ผ๐ผ๐ ๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ผ ๐ฝ๐ผ๐๐๐
Paghahanda ang susi sa kaligtasan ng mga alagang hayop. Narito ang mga kailangang gawin:
๐๐ฎ๐ด๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐๐ผ:
โ
Maghanda ng emergency kit (pagkain, tubig, leash/carrier)
โ
Lagyan ng identification o pagkakakilanlan ang mga alagang hayop
โ
Ilipat sila sa malinis at ligtas na lugar
โ
Isama sila sa plano ng pag-likas
๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ด๐๐ผ:
โ
Huwag iwanan ang alaga o hayaang gumala: Ilagay sila sa loob ng bahay o sa isang ligtas at secure na lugar at Huwag silang pakawalan o palabasin, lalo na kung malakas ang hangin at ulan.
โ
Panatilihin silang nasa loob: Iwasan ang mga lugar na may basag na bintana, tagas ng tubig, o madulas na sahig.
โ
Tulungan silang maging kalmado: Panatilihin silang malapit sa inyo para maramdaman nilang ligtas sila.
๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฝ๐ฎ ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฒ๐น๐ถ๐ด๐ฟ๐ผ ๐ธ๐ฎ๐ต๐ถ๐ ๐ต๐๐บ๐๐ฝ๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ด๐๐ผ. ๐๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐๐บ๐๐๐๐ป๐ผ๐ฑ:
โ
Suriin muna ang paligid bago palabasin ang alaga: Baka may basag na salamin, nahulog na wires, baha, o iba pang mapanganib na bagay. Siguraduhing ligtas at malinis ang lugar.
โ
Linisin ang alaga: Kung nabasa o nadumihan sila, linisin gamit ang malinis na tubig at tuyuhing mabuti.
โ
Obserbahan kung silaโy may lagnat, pagsusuka, pagtatae, o kakaibang pag-uugali. Kumonsulta agad sa beterinaryo kung kinakailangan.
๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ: Huwag kailanman iwanan ang alagang hayop sa panahon ng sakuna. Tulad natin, nakakaramdam din sila ng takot at pangamba. Responsibilidad nating mga tagapag-alaga na tiyaking ligtas at protektado sila.