26/09/2026
“Show us that leadership can be more honest, courageous, compassionate, and inclusive.”
Nagbigay ng mensahe si Senator Risa Hontiveros sa Bayanihan Youth Movement
kaugnay sa mga adbokasiya at adhikain nito na naglalayong palakasin ang diwa ng bayanihan at makilahok sa mga gawaing nagdudulot ng positibong pagbabago sa komunidad.
Ipinahayag rin ng Senador ang kaniyang saloobin tungkol sa kahalagahan ng makabuluhan at responsableng pamumuno, gayundin ang patuloy na pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa komunidad.
Ngayong araw, isinasagawa ang pagtatapos ng Kariton Klasrum sa Corinthians, Brgy. San Roque, Cainta, Rizal—isang inisyatiba na naglalayong maghatid ng pagkatuto, pag-asa, at pagkakataon sa mga batang kabilang sa komunidad.