Cagayan de Oro Volunteer Fire Brigade

Cagayan de Oro Volunteer Fire Brigade Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Cagayan de Oro Volunteer Fire Brigade, Nonprofit Organization, Cagayan de Oro.

26/09/2026
13/09/2026

๐‹๐“๐Ž, ๐๐€๐†-๐ˆ๐’๐˜๐” ๐๐† ๐’๐‚๐Ž ๐‹๐€๐๐€๐ ๐’๐€ ๐ƒ๐‘๐€๐˜๐๐„๐‘ ๐€๐“ ๐‘๐„๐‡๐ˆ๐’๐“๐‘๐€๐ƒ๐Ž๐๐† ๐Œ๐€๐˜-๐€๐‘๐ˆ ๐๐† ๐’๐„๐ƒ๐€๐ ๐Œ๐€๐“๐€๐๐Ž๐’ ๐Œ๐€๐†-๐ƒ๐Ž๐”๐๐‹๐„ ๐๐€๐‘๐Š๐ˆ๐๐† ๐€๐“ ๐Œ๐€๐€๐๐“๐€๐‹๐€ ๐€๐๐† ๐‘๐”๐Œ๐„๐‘๐„๐’๐๐Ž๐๐ƒ๐„๐๐† ๐๐…๐ ๐“๐‘๐”๐‚๐Š; ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’๐˜๐€ ๐’๐”๐’๐๐„๐๐ƒ๐ˆ๐ƒ๐Ž, ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐ ๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Œ๐€

Agad na inisyuhan ng Show Cause Order (SCO) ng Land Transportation Office (LTO), sa direktiba ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang drayber at rehistradong may-ari ng isang itim na sedan na sangkot sa insidenteng nakahadlang sa pagresponde ng isang truck ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Batay sa video na inilabas sa page na โ€œPulse PHโ€ at kalaunan ay nakarating sa LTO, makikitang naka-double parking ang sedan sa masikip na bahagi ng kalsada. Habang rumeresponde ang BFP truck, nahirapan itong makadaan at kalaunan ay nasagi ang pinto ng naturang sasakyan, na nagresulta sa pagkaantala ng pagresponde nito.

Dahil dito, agad na ipinag-utos ni Asec. Lacanilao ang pagtukoy sa drayber at rehistradong may-ari ng naturang sedan upang maihain ang SCO at pagpaliwanagin sila kaugnay ng insidente.

Nakasaad sa SCO na nakatakdang humarap ang sangkot na drayber at rehistradong may-ari sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office sa Setyembre 18 upang magsumite ng kanilang mga sinumpaang salaysay at iba pang dokumentong makapagpapatibay sa kanilang panig kaugnay ng mga alegasyong Parking in Prohibited Places at Obstruction of Traffic.

Maaari ring tuluyang bawiin ng LTO ang lisensya ng drayber kung mapatutunayang siya ay isang Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Kasabay nito, inatasan ang drayber na agarang isuko ang kanyang lisensya, na isasailalim sa 90-araw na preventive suspension habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Inilagay na rin sa alarm status ang naturang sasakyan.

โ€œBawat segundo ay mahalaga para sa ating mga fire officers. Hindi dapat maging dahilan ang anumang paglabag o kapabayaan sa kalsada upang maantala ang kanilang pagresponde,โ€ ani Asec. Lacanilao.

Binigyang-diin ni LTO Chief na mahalagang tiyakin ng bawat motorista na hindi sila nagiging sagabal sa daan, lalo na sa mga sasakyang rumeresponde sa mga emergency.

Muling nanawagan ang LTO sa publiko na maging responsable at disiplinado sa paggamit ng kalsada. Iwasan ang ilegal at delikadong pagparada at tiyaking hindi nahaharangan ang mga emergency vehicle, dahil ang simpleng pagharang sa kanilang daraanan ay maaaring magdulot ng pagkaantala sa pagresponde at malagay sa panganib ang buhay ng iba.

10/09/2026
02/09/2026
FCCEAโ€“NFA Alumni 12th Homecoming
31/08/2026

FCCEAโ€“NFA Alumni 12th Homecoming

่ฒ่ฏๆ–‡็ถ“็ธฝๆœƒๆถˆ้˜ฒ็ ”็ฟ’็‡ŸๅŒๅญธๆœƒ๏ผŒ30ๆ—ฅ่ˆ‰่กŒๆ–ฐๅฑ†ๅญธๅ“กๆŽˆ่ญ‰ๅ„€ๅผ๏ผŒ่ฒๅพ‹่ณ“ๅฎ˜ๅ“ก่‚ฏๅฎšๅฐ็ฃๅ”ๅŠฉๅŸน่จ“็พฉๅ‹‡ๆถˆ้˜ฒ้šŠๅ“ก๏ผŒๆๅ‡่ฒๅพ‹่ณ“็ฝๅฎณๆ‡‰่ฎŠ่ƒฝๅŠ›๏ผŒๅผท่ชฟ็ฌฆๅˆ็ธฝ็ตฑ...

29/08/2026

Reported fire Macanhan, Carmen

25/08/2026

Reported grass fire Kamuning Carmen

Address

Cagayan De Oro
9000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cagayan de Oro Volunteer Fire Brigade posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share