29/04/2026
Mas lalong nagningning ang tanglaw ng paglilingkod sa matagumpay na pagsasakatuparan ng The Second Freedom Run: Run of the Brave bilang bahagi ng ikalawang araw ng University Week Celebration. Sa pamamagitan ng pagtatanghal na ito, muling ipinamalas ng Alpha Phi Omega – Beta Iota Chapter ang matatag na paninindigan sa pagsusulong ng kamalayan, pagkakaisa, at makabuluhang paglilingkod sa sambayanan.
Sa harap ng malawak na suporta at panonood ng student body, faculty, at staff, naging higit pa sa isang pagtatanghal ang Freedom Run, ito ay naging buhay na pagsasabuhay ng diwa ng Leadership, Friendship, and Service, kung saan ang bawat hakbang ay sumasalamin sa tapang, bawat galaw ay sumisigaw ng katotohanan, at bawat kalahok ay nagiging instrumento ng adhikain.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagkilos at pakikiisa ng buong komunidad. Taos-pusong ipinapaabot ng Alpha Phi Omega – Beta Iota Chapter ang lubos na pasasalamat sa ating College President at sa University Student Council sa kanilang mahalagang suporta, tiwala, at pakikiisa na naging malaking bahagi sa tagumpay ng gawaing ito.
Higit sa lahat, ang Freedom Run ay nagsilbing paalala na ang kapatiran ay hindi lamang umiiral sa pangalan at panata, kundi sa konkretong pagkilos para sa bayan. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy na magliyab ang apoy ng paglilingkod at paninindigan.
In Leadership, Friendship, and Service, we run not only for freedom. We run for truth, for people, and for nation.
(Credits to the rightful owner of the photos)