KABESERA, Inc.

KABESERA, Inc. Samahang Pangkalinangan ng Bulakan, na nagtataguyod sa kasaysayan, sining, at pamanang bayan Mga Pangunahing Layunin ng KABESERA, Inc.

1. del Pilar.

Aktibong pag-ingatan, pangalagaan, at itaguyod ang mga pamanang bayan (tangible heritage) at karunungang bayan (intangible heritage) ng bayan ng Bulakan, Bulacan;

2. Isulong ang edukasyon para maunawaan ang pamanang pangkultura sa pamamagitan ng pagtataguyod at pagtutustos ng mga seminar, pagpapaaral, pananaliksik, pagtatanghal at mga katulad na gawain para sa konserbasyon;

3. Pagyamanin at prot

eksiyonan ang kalagayan ng pamanang pangkultura sa pamamagitan ng kaugnay na pagsasanay, pagtatayo ng imprastruktura, at pagkakaloob ng teknikal at materyal na tulong;

4. Tulungang maisulong at mapanatiling buháy ang mga lokal na pamayanang tradisyonal sa pamamagitan ng mga programang nagsusulong ng mga karapatan at pribilehiyo ng mga mamamayan, ng kanilang mga pamanang pook at mga buháy na pamumuhay pangkultura;

5 . Makipagtulungan, o humingi ng tulong, sa mga institusyong publiko at pribado upang makamit ang mga layunin ng korporasyon;

6. Maisagawa ang alinman o lahat ng klase ng aktibidad na kakailanganin upang maayos na maisakatuparan ang mga nabanggit na layunin. Kaugnay ng nabanggit, hindi ito makapangingilak o makatatanggap ng mga investment/placement mula sa publiko, hindi rin makapag-iisyu ng mga kontrata sa investment o pamumuhunan

PROFILE:

KABESERA, Inc. Samahang Pangkalinangan ng Bulakan

Ang KABESERA, Inc. ay pagbúhay sa Samahang Pangkalinangan ng Bulakan na itinatag noong dekada 80, at pinangunahan ng mga historyan, lider sibiko, at g**o sa Bulakan, Bulacan. Kabilang dito sina Antonio Valeriano, Mariano Santos, Isaac Cruz, Jr. at Antonio Evangelista. Muling binuhay ang Samahan noong Pebrero 2018 sa pangunguna ni Alex Balagtas, noo'y kurator ng Museo ni Marcelo H. Pinagkalooban ito ng Securities and Exchange Commission ng sertipiko ng inkorporasyon bilang isang organisasyong non-profit noong 27 Hulyo 2022. Ginawang sagisag ng KABESERA, Inc. ang imahen ng lumang munisipyo ng Bulakan, Bulakan na giniba noong panahon ni Alkalde Artemio Meneses matapos maitayo ang bagong gusali ng pamahalaang-bayan noong dekada 60. Ang imahen, ipininta ni Edgar Santiago, ang isa sa nalalabing alaala ng gusali ng pamahalaang bayan bilang kapitolyong bayan ng lalawigan ng Bulacan. Mula 2018 hanggang sa panahon ng pandemya (2020-2022), ang KABESERA, Inc. ay nanguna sa taunang pagdiriwang ng Paglaya ng Bulacan (24 Hunyo) at Linggo ni Goyong (kapanganakan, 14 Nobyembre, at kamatayan, 2 Disyembre, ni Gregorio del Pilar). Si Gregorio ang itinuturing na tagapagpalaya at unang gobernador ng lalawigan. Sinimulan din ng samahan ang pagdiriwang ng kapanganakan ni propagandist at leksikograpong Pedro Serrano-Laktaw na isa ring anak ng Bulakan. Noong panahon ng pandemya, nagdaos ang samahan ng iba't ibang talakayan at pagtatanghal tungkol sa mga nabanggit na makasaysayang mga pangyayari kasama ng iba pang aktibidad na online sa pangangalaga ng pamanang bayan at pagtataguyod ng wika. Sa pagsisikap ng KABESERA, Inc. ay naitayo ang Bantayog-Wika sa Tagalog--isang programa ng Komisyon sa Wikang Filipino upang pahalagahan at buhayin ang mga katutubong wikang nanganganib maglaho. Sa muling pagbubukas ng bansa dahil sa paghupa ng pandemyang COVID, at sa pagsisimula ng pagtatayo ng isang bagong paliparang pandaigdig sa kanlurang bahagi ng munisipalidad, ipinasiya ng KABESERA, Inc. na ituon ang pansin nito sa pagtataguyod ng Bulakan bilang isang pamanang bayan. Magpapatupad ito ng apat na pangunahing proyekto para sa layuning nabanggit--mga proyektong magsasaliksik, maglalathala, magtuturo, magsasaayos, at magbibigay-buhay sa iba't ibang aspekto ng pamanang bayan. Mga Programa

Sa loob ng darating na tatlong taon (2022-2025), tututukan ng KABESERA, Inc. ang apat na pangunahing proyekto upang maging buháy na pamanang bayan ang Bulakan:

(1) Mapang Kalinangan ng Bulakan,
(2) Bulakan ni Marcelo,
(3) Programa Plaridelina, at
(4) Pamana ng Pananampalataya


Ang MAPANG KALINANGAN NG BULAKAN ay pagsasaliksik at pagsusuri ng bawat bahagi ng munisipalidad upang maimbentaryo ang mga pamanang bayan (tangible heritage) at karunungang bayan (intangile heritage). Ang imbentaryong ito ang magiging pundasyon ng landas patungo sa pagpapanumbalik ng pamanang naglaho dahil winasak ng panahon at winaldas ng tao. Ang BULAKAN NI MARCELO ay pagbabalik sa nakaraan ng Bulakan, pagdodokumento sa nakalipas nitong panahon, sa pamamagitan ng pagtungo sa mga dokumento at aklat; ng mga lumang larawan at imahen; at ng mga gunita sa tinig ng matatandang nakapag-ingat nito sa kanilang di-kumupas na alaala. Isa itong pagsasapanahon ng mga naunang saliksik at inakdang salaysay sa kasaysayan ng unang kabesera ng lalawigan. Sa PROGRAMA PLARIDELINA, babalikan ang mga akda ng pangunahing anak ng Bulakan na si Marcelo H. del Pilar, at mga supling ng akdang ito mula sa panulat ng iba pang nakaunawa sa kanya, upang maituro at maipalaganap sa mga paaralan at tahanan sa kanyang bayang sinilangan, pagkaraa'y sa buong lalawigan, at sa hinaharap ay sa buong bansa. Pag-iibayuhin at palalalimin nito ang mga aral at pagkaunawa na sinususo ng mga dumadalaw sa museong nagtatanghal ng kanyang buhay at mga kaisipan. Sa PAMANA NG PANANAMPALATAYA, isasakatuparan ang maingat na pangangalaga sa Simbahang Nuestra Señora de la Asuncion na idineklara ng Museong Pambansa na isang Mahalagang Ari-ariang Pangkalinangan (Important Cultural Property o ICP). Sasaliksikin at idodokumento ang may 444-taong kasaysayan ng simbahan, kumbento, at kamposanto; isasaayos ang mga napapabayaang bahagi ng mga antigong estruktura sa bakurang ito; at idi-digitize ang di-mapapantayang halaga ng mga dokumentong napag-ingatan at napananatiling ligtas sa paglamon ng panahon at kapabayaan. Sa sangandaan ng kasaysayan at kaunlarang nagkakahugis ngayon sa matandang kabeserang bayan ng lalawigan ng Bulacan, isang masigasig at malawak na kampanyang Balik-Bulakan ang ilulunsad upang manawagan sa mga Bulakeño sa iba't ibang panig ng bansa at parte ng mundo na tumulong at mag-ambag ng kanilang talino, kakayahan, at panahon sa kanilang tinubuang bayan. Mahigpit na makikipag-ugnayan ang KABESERA, Inc. sa lokal na pamahalaang pambayan at panlalawigan; sa pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng mga ahensiya nito sa kultura, sining, kasaysayan at pamana; at sa San Miguel Aerocity, Inc. (SMAI) upang ang mga nabanggit na programa ay matagumpay na maisagawa. Ang kasalukuyang kasapian ng KABESERA, Inc. ay binubuo ng mga alagad ng sining, kasaysayan, at pamana, kasama ng mga g**o at iba pang propesyonal--aktibo at retirado, may-edad at kabataan--na binibigkis ng diwa ng pagmamalasakit at pagmamahal sa bayang tinubuan. Lahat sila ay naniniwala sa tagubilin ni Marcelo H. del Pilar na "Mahalin ninyo siya [Bulakan]... tumulong sa kanyang kaginhawahan, at huwag pag-ukulan ng ngiti ng pagwawalang-bahala."

2022-2023

LUPON NG MGA KATIWALA

Fortunato de la Pena
Mariefe B. Cruz
Denia M. Clacio
Ana Marie G. Felizardo
Perfecto T. Martin
Luis E. Reyes
Resurreccion G. Villanueva


PAMUNUAN

Perfecto T. Martin
Pangulo

Ana Marie G. Felizardo
Pangalawang Pangulo - Panloob

Jose Antonio M. Rodrigo
Pangalawang Pangulo - Panlabas

Gemma M. Santos
Kalihim

Resurreccion G. Villanueva
Ingatyaman

[Inihanda noong 15 Agosto 2022, Kapistahan ng Nuestra Señora de la Asuncion, patron ng bayan ng Bulakan, at Araw ng Pagkakatatag ng lalawigan ng Bulacan]

28/07/2026
27/07/2026

"𝗛𝗶𝗻𝘂𝗯𝗼𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗗𝗶𝗻𝘂𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗔𝗹𝗼𝗻."
𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗬𝗦𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗟𝗔𝗖𝗔𝗡
Agosto 2026

Mula sa ating mga baybayin hanggang sa iba’t ibang panig ng daigdig, ang kasaysayan ng Pilipinas ay salaysay ng mga taong naglakbay, nakipag-ugnayan, at nagdala ng diwang Pilipino saanman sila makarating. Ang dagat ay hindi naging hangganan, kundi naging tulay ng kalakalan, diplomasya, palitan ng kultura at kaalaman, at ng paglalakbay ng milyun-milyong Pilipino na bumuo ng mga pamayanan sa ibayong-dagat. Sa bawat pag-alon ng panahon ay naipamana rin ang mga kuwento ng ating pagkakakilanlan, katatagan, at pagkakaisa bilang isang bansa.

Bilang pakikiisa sa pambansang tema na "Hinubog ng Bayan, Dinuyan ng Alon," ipagdiriwang ng Lalawigan ng Bulacan ang Buwan ng Kasaysayan 2026 bilang pagkilala sa mahalagang ambag ng mga Bulakenyo sa paghubog ng kasaysayan ng Pilipinas. Mula sa mga ilog at baybayin ng Bulacan hanggang sa mga pook na naging saksi sa pakikibaka para sa kalayaan, ang lalawigan ay patuloy na nagsisilbing tahanan ng mga kuwentong humubog sa ating pagkatao bilang isang bayan.

Inihahandog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa pamamagitan ng Panlalawigang Tanggapan ng Kasaysayan, Sining, Kultura, at Turismo, ang mga programa at mga aktibidad na naglalayong palalimin ang pag-unawa at pagpapahalaga sa kasaysayan at pamanang Bulakenyo.

Sama-sama nating tuklasin ang ating kasaysayan, pahalagahan ang ating pamana, at isabuhay ang mga aral ng nakaraan. Sapagkat ang isang bayang may malalim na pag-unawa sa kaniyang pinagmulan ay higit na matatag sa pagharap sa hinaharap.

Likhang Pubmat ni Caitlin Salvador at Sheila San Luis





09/07/2026

𝗣𝗔𝗦𝗦-𝘆𝗮𝗹 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻! 𝗔𝗻𝗼, 𝗧𝗮𝗿𝗮?

Inilulunsad ng Panlalawigang Tanggapan ng Kasaysayan, Sining, Kultura, at Turismo (PHACTO) ang PASS-yal Bayani Bulacan Pamana Pass “Goyo's Trail”, ang ikatlong serye ng Bulacan Pamana Pass sa ilalim ng programang SINEliksik Bulacan.

Layunin ng programang ito na ipakilala sa publiko ang mahahalagang pook na may kaugnayan sa buhay, paglilingkod, at kabayanihan ni Hen. Gregorio H. del Pilar sa pamamagitan ng isang organized,
educational, at interactive na history and heritage tour.

Kinakailangan lamang na mag-organisa ng grupo na interesadong mag-apply ng “Goyo’s Trail”.

Sa mga interesadong grupo, makipag-ugnayan sa alinman sa tatlong tour partners ng PHACTO para sa pag-avail ng mapipiling tour package at pagkuha ng “Goyo's Trail” brochure:

1. Bulacan Association of Travel Agencies
Joanna Marie Ramos – 0945-513-3161
Email: [email protected]

2. Central Luzon Tour Guides' Association - CLTGA
Angelo Paulo Chico – 0933-507-4790
Email: [email protected]

3. Bulacan Salinlahi, Inc.
Beya Bulakenya – 0956-025-9796
Email: [email protected]

Para sa kabuoang detalye o guidelines, i-click lamang ang link na ito:

https://drive.google.com/file/d/1tNLly0o0RUJ90KVCTsr9VluSrSbkrJ4f/view?usp=sharing

Kabarkada, kaeskwela, kaopisina, kapamilya, ano, tara? Goyo’s Trail na!










04/07/2026

𝐈𝐤𝐚 - 𝟏𝟑𝟎 𝐓𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐢𝐛𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐦𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐌𝐚𝐫𝐜𝐞𝐥𝐨 𝐇. 𝐝𝐞𝐥 𝐏𝐢𝐥𝐚𝐫 (𝟏𝟖𝟗𝟔 - 𝟒 𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨 - 𝟐𝟎𝟐𝟔)

Ngayong araw ay ginugunita ang ika-129 taong anibersaryo ng kamatayan ng kinikilalang tagapagtaguyod ng masoneriyang Pilipino, dakilang propagandista, at tagasimula ng pahayagang maka-Filipino─Marcelo H. Del Pilar.

Sa kanyang mga ginamit na nom de plume gaya ng Piping Dilat, Dolores Manapat, Siling Labuyo, atbp., namukod-tangi ang kanyang sagisag-panulat na Plaridel. Ito ay bahagi ng pagtatakip sa kanyang tunay na katauhan mula sa kanyang mga inililimbag na sulatin laban sa mapang-abusong pamamahala ng mga prayle't Espanyol sa Pilipinas, gaya ng Dasalan at Tocsohan (1888); ¡Caiigat Cayo! (1888); La Soberania Monacal en Filipinas (1889); mga pinamatnugutang artikulo sa Diariong Tagalog (1882) at La Solidaridad (1889-1895).

Sa mga huling buwan ng kanyang buhay, si Plaridel ay namuhay sa matinding karukhaan at karamdaman sa Barcelona, Espanya. Matapos ang pagtigil ng La Solidaridad noong Nobyembre 1895, nakaranas siya ng depresyon at lumalala ang kanyang tuberkulosis. Mula Enero 1896, kinupkop siya ng mag-asawang Fernando at Teresina Canon, mga Pilipinong nakabase sa Barcelona, na siyang nagbigay ng pangangalaga, pagkain, at tahanan sa kaniya.

Dahil sa lumalalang karamdaman, siya ay isinugod sa Antiguo Hospital de la Santa Creu noong ika-20 ng Hunyo 1896 hanggang sa tuluyang bawian ng buhay noong ika-4 ng Hulyo 1896. Siya ay inilibing sa Montjuïc Cemetery sa Barcelona sa tulong ng pamilya Canon.

Taong 1920, nang iutos ni Ispiker Sergio Osmeña kay Hukom Norberto Romualdez na hanapin at iuwi ang mga labi ni Plaridel. Dumating sa Pilipinas ang mga labi ni Plaridel noong ika-3 ng Disyembre 1920 at sinalubong ito ng kanyang mga kaanak, kasunod ng iba’t ibang luksang parangal.


23/06/2026

…….. ika- 24 ng Hunyo…… Matapos mapagusapan ang mga bagay-bagay ng magkabilang panig ay ipinahayag sa madla ang ganap na pagsuko ng mga kalaban. Nang matalos ng bayan ang bagay na ito ay waring isang bolkan ang pumutok at sumabog. Sigawan magkabikabila. Awitan dini at awitan doon. Lahat halos ng bahay ay may nakaladlad ng watawat. Musiko magkabikabila. Galak at tuwa sa lahat ng dako. Putok ng mga rebentador. Tugtog ng batingaw sa simbahan at sa mga bisita sa lahat ng nayon……
(mula sa Talambuhay ni Kapitan Isidro Wenceslao)

MALIGAYANG ARAW NG PAGPAPALAYA SA BULACAN!




@150

Isang linggo na lang po. Inaanyayahan po ang lahat sa Miyerkules, Hunyo 24, 2026, sa pagbabalik ng Goyo: Para sa Bayan.
17/06/2026

Isang linggo na lang po. Inaanyayahan po ang lahat sa Miyerkules, Hunyo 24, 2026, sa pagbabalik ng Goyo: Para sa Bayan.

Tara po!
04/06/2026

Tara po!

Address

Bulacan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KABESERA, Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to KABESERA, Inc.:

Shortcuts

Share